Something wrong Anthony..Tanong sa akin ni Harold. Ismid lang naman ang naging sagot ki sa kaniya. Habang nagkakape nagkwentuhan naman kami about sa anong nangyari nung nawala ako sa Pilipinas ano na yung narating ni Harold as of now. At the last sip of my coffee nakaramdam ako ng hilo. Kaya agad akong tumayo bigla naman umikot ang paningin ko kaya napakapit ako sa upuan. Everything is turning into black. And now I fainted...
JOSH..
Antagal naman nya ata akala ko ba may date kame exited pa naman ako. Tinignan ko naman phone ko wala naman siyang tawag or even a single text message. Baka naman na trapik lang o di naman kaya may dinaan lang. Kaya nagantay muna ako sa canteen, may klase pa kase si Charz ngaun kaya di ko siya kasama. Nagorder lang ako ng juice at sandwich.
Di ko namalayan na pumasok pala sila Alex kasama nya mga teamates nya at ang masakit pati pinakamamahal nya. Mga tagong pagsulyap lang ang nagagawa sa kanila. Napuno ng kantsawan at malakas na tawanan ang kanilang mga paguusap. Naubos ko na din pala ang kinakain ko. Ganoon na pala ako katagal naghantay kay Anthony. Asan na kaya ang mokong na yun. Sinybukan ko siyang tawagan pero wala naman sumasagot. Naka-ilang message na din ako sa kanya. Kaya napagpasiyahan ko na maglakad lakad muna habang nagaantay sa susunod kong klase.
Nang nasa hallway na ako bigla akong may na alala. Dito pala niya ako hinalikan. Bumalik mga katanungan ko. Bumalik din ung pakiramdam kung paano nya ako hinalikan. Tinanong ko sarili ko kung bakit wala man lang akong nardaman di ba dapat matuwa ako kasi hinalikan ako ng bestfriend ko, dapat maexite ako kasi baka naman may nararamdaman siya para sa akin di niya lang pinapakita. Na baka tulad ko tinatago lang namin na mahal namin ang isat isa. Pero parang mali lahat ng mga nasa isip ko ngaun na bakit parang may mali. Kung may nararamdaman siya talaga sa akin bat mag syota na siya ngaun. Tsaka bakit kung talagang mahal nya pala ako nag tsaga syang ligawan si Lhexa at ngaun sila pa nga.
Nang biglang PLAK!!!
Ung tao palang kaninang iniisp ko ay nakabangga ko. Nakatulala lang ako sa kanyang harapan hindi ko malaman kung anong gagawin ko. Kung aalis ba ako o kakausapin ko siya. May sinasabi siya sa akin pero para akong binge sa mga panahaon na iyon. Parang lutang sa hangin inuugoy na parang dahon. May mga dumamipi sa aking mga labi. Madiin punong puno ng mga emosyon. Naghalong pagtataka,pagkagulat at higit sa lahat pagmamahal. Alam kong muli niya akong hinagkan dalawang beses sa isang araw. Kota na ako ah yan lang na sa isip ko. Masarap nakakakilig ang mga halik na iyon. Di ko alintana kung may mga nakakita ba sa amin basta ninamnam ko ang mga sandaling iyon. Feeling ko tuloy parang malandi ako pumapalakpak ang keke ko sa siya kahit wala naman ako noon. natauhan na lang ako ng wala na pala ang taong humagkan sa akin. Di ko alam kung saan siya nagpunta. Naiwan na lang ako sa hallway na may mga ngiti sa aking mga labi.
Sa mga sandali din yaon may pananabik akong nadama. Panabik ng muli niyang paghalik. Teka nga pala di ba may klase pa ako. Yan ang napapala ng baklang feelingera eh, na late tuloy ako sa klase ko na pagalitan tuloy akong prof namin.
Oh, mare late ka? At saan ka naman rumampa? -Charito
Wala mare, naglakad lakad ako di ko na malayan ang oras. Kaya nga pagod akong nakarating dito kasi tumakbo pa ako galing kabilang building.-Josh
Weh, maniwala naman ako sayo. Ay tanong lang anong nangyare sa inyo ni Papa Anthony, daya kwento ka naman.-Charito
Sus, wala nga matandaan sa sobrang lasing ko kagabi. Pero ngaung araw andame kong natatandaan. As in super frend. -Josh
Pansin ko nga mare parang laki ng mga ngiti mo kasing lawak ng EDSA. Siguro may kaganapan kanina nung may klase ako noh. Sabibhim mo kung sinong tatay niyan.. -Charito
Gaga ka talaga. Kung anong nalalaman mo. Yan ang napapala mo kakanood.-Josh
Ay, mare na alala ko may nagspluk sa aking ka sisterhood na may nageksena daw sa hallway sa kabilang building. May nagkiss daw na dawalang boylet. -Charito
Sino naman daw? Alam mo ba? -Josh
Ikaw nga sana ang tatanong ko kasi diba galing ka sa kabilang building baka kasi nakita mo kung sino. Malaking chexmax kung ganoon. -Charito
Natigi lang ang pag-uusapng dalawa ng biglang napa-aray si Chairto ng mag librong dumapo sa kaniyang ulo. Tumingin naman si Josh sa harap. Beast mode pala ang kanilang prof at lahat ng classmates nya sa kanila nakatingin. Kanina pa pala sila maingay.
Nakakahiya tuloy sigurado laman na naman sila ng chexmax ng mga bekimon sa hallway. Di bale matatapos naman na lahat ng klase nila. Kaya pwede na silang umiskapo para di mapagdiskitahan. At saan naman kaya sila pupunta sa araw na yon ang gusto niya lang makita ay ang kaniyang bestfriend. Gusto niyang i-spend ang natitirang araw kay Alex baka naman kasi may iba ang maganap. Malay lang naman di ba. Wala naman bayad ang pagaasume. Bigala na lang siyang hinila ni Charito kung saan.
ALEX..
Di ko na alam ginagawa ko. Kinain na ako ng selos. Pero bakit, yan na naman ung mga tanong sa sarili ko na wala naman akong mahanap sagot. Simula pa kanina siya lang ang nasa utak ko. Sa lahat ng klase ko ung halik ang nai-imagine ko. Natatangahan na nga ako sa sarili ko. Naguguluhan pate ako sa mga kinikilos at nararamdaman ko. Si Alex pa nga ba ako o baka nasaniban na ako ng kung ano.
Nung makita si Josh kanina sa hall naglalakad at parang ang layo layo ng iniisip nya. Kusang naglakad ang mga paa ko palapit sa kaniya. Tinanong ko sa kaniya bat andito siya sa building namin pero tulala lang siya na nakatingin sa akin. May pumukaw naman sa mga mata ko. Sumagi sa mga mata ko ang mga manipis nyang labi. Na alala ko tuloy ung paghalik ko sa kaniya. Ang lambot ng mga yon. Ansarap halikan. Kahit di ko pa man nahahalikan si Lhexa masasabi kong mas masarap ang mga labi nya. Muli kong nilapit ang mukha ko sa kaniya. Hindi ko na alintana kung bigla nya akong itulak. Pero wala naman siyang ibang ginawa. Sinubukan ko siyang halikan di pa rin naman siya umiwas. Muling naglapat ang aming mga labi. At sa pagkakataon na yon sinubukan ko ding igalaw ang aking mga labi naramdaman ko na lang na ganoon din ang kaniyang ginawa. Ibig sabihin nagugustuhan niya ang aking ginagawa. First time ko man humalik ng torid pero di mo masasabi dahil parang experto na ako. Ginalugad ko ang kaniyang bibig may mumunti din akong kagat sa kaniyang mga labi. At nagulat ako in return ganon din ang kaniyang ginagawa. Puno ng pagmamahal ang mga halik ko sa kaniya. Di ko alintana kung may nakasasaksi ba sa aming dalawa. Sinusunod ko lang ang inuutos ng puso ko. At nang humiwalay siya sa akin para akong nasabik at gusto kong muling maramdaman ang kaniyang mga labi.
Ginalugad ko ang mga mata ko at marami palang mga matang nagmamatyag sa aming dalawa. Muli ko siyang iniwan sa hallway na nagiisa at may pagtataka. Pero alam ko sa kaloob looban niya ay masaya sya. At ganoon din ako.
Habang naglalakad nakasalubong ko si Lhexa kasama mga kaklase nya. Nagyaya silang kumain at sumama naman ako. Dinala nila ako sa isang coffee shop. Le Monet at ang pangalan non. Order ng kape at makakain. Kwentuhan naman sila sa mga bagong damit anong trend ang magandang porma for this year. Ano naman ang alam ko don. Feeling ko tuloy o.p ako. Malay ko naman sa mga palda at floral shirts nila. May na miss tuloy ako. San kaya siya sana magkita kami ngaun.
ITUTULOY..
BINABASA MO ANG
Beki Lover❤
RomanceAno ba ang mas matimbang ung matagal mo ng kasama pero mahal mo na. O yung ngayon lang pero pinadamang mahal ka niya. Paano, sino ba sa kanila?