Pagkaalis ng bahay tumunog ang cp ni Josh nagtext sa kaniya si Alex nagtanong kung nakapasok na ba ito. Di na niya ito nireplayan at dumiretso na sa klase. Ang daming requirements ang ibinigay sa klase ni Josh kaya agad itong umuwi para maumpisahan na ito. Agad nitong binuksan ang kaniyang loptop open ng web at microsoft. Search-search di niya mapigilan na bukasan ang kaniyang Facebook. Log-in, Loading site... Boom yon na nga isang malaking picture ni Alex at Lhexa with a caption saying ment to be together forever. It was a shock for Josh a big slapped in his face. Bling!!! isang mensahe mula kay Charito:
Charito: Mare kita ko ung post ng papa Alex mo ah, totoo ba yun?
Josh: :(
Charito: Ok ka lang ba? San ka?
Josh: Its hurting me beks. Sobra...
Charito: Kahit naman palihin ung feelings mo beks masasaktan ka. Mahal na mahal mo ung tao. Tapos magsyosyota din pala (@)
Josh: Ganoon talaga mare, kailangan masaktan para mauntog sa katotohanan. Katotohanang haggang kaibigan lang kami. Tsaka kahit aminin ko sa kaniya na bakla ako matatanggap niya kaya ako baka nga ipagtabuyan niya pa ako.
Charito: Di naman siguro beks, matagal naman na kayong naging magkaibigan maiintindihan ka niya kung sa ano at sino ka.
Josh: Sana nga beks.
Charito: Gusto mo toma tayo?
Josh: Cge, Saan ba?
Charito: Sa dati na lang mare. Lam na kung saan yon. :0
.................... THE GET AWAY ................. Charito dito na lang tayo umupo, para di gaanong kita... Parehas silang naupo sa bandang dulo. Halatang apektado si Josh sa kaniyang mga nakita sa Facebook Account ng kaniyang kaibigan. Di niya maiwaksi ang maga larawang nagpapaalala sa kaniya na wala nang pag-asa. Pag-asang nagbibigay ng pangarap na balang araw maaamin niya din ang tunay na pagmamahal niya para kay Alex. Isang malaking suntok sa buwan ang mga najis niyang mangyari dahil ala niyang imposibleng maging sila ng kaibigan. Imposibleng may magmahal sa kaniya. Hindi rin naman kasi lingid sa kaniya na limitado ang mundo para mga baki. Di bukas ang isip ng lipunan sa mga usaping ganito. Kung baga umamin man siya ngayon sa kaibigan may mga pagbabago sa kanilang dalawa kung hindi lalayo ang kaibigan ay baka kalimutan ang kanilang pinagsamahan.
Bakit nga ba sa umpisa pa lamang ay di na niya inamin kung ano siya. Bakit nga ba tinago niya ito sa kaniyang matalik na kaibigan. Ayaw nga ba niyang masaktan. O ayaw niyang mawala ang kaibigan. Andaming mga tanong ang sumusulpot sa kaniyang isipan gusto niyang tumakas sa katotohanan. Katotohanang naging isang lihim. Di nga ba ang mag-bestfriend ay walang tinatagong lihim. Bawat pangyayaring nagaganap ay alam ng bawat isa, ganoon nga ba talaga. Paano kung ang bagay na iyon ang siyang makasisira ng kanilang pinagsamahan. Sasabihin mo pa nga ba sa kaniya o mananatili na lang itong isang sekreto.
Mare, anlayo naman ng tingin mo? Bat nga ba apektadong apektado ka? Di ba dapat masaya ka para sa bestfriend mo hindi ung parang pinagsakluban ka na ng langit at lupa. Yan ang mga tanong ni Charito kay Josh habang iniisip kung ano nga ba ang kaniyang gagawin. Tama naman ito dapat masaya siya na sa wakas ay napasagot na ni Alex ang babaeng matagal na niyang niligawan. Bilang parte din kasi ng kanilang pagkakaibigan ay tumulong siya sa panliligaw kay Lhexa. Siya ang nagplano kung saan at paano mapapasagot ni Alex si Lhexa. Tanging mga luha lang ang naging sagot niya sa mga tanong na iyon.
Ano ba yan Josh di pa naman katapusan ng mundo para mag-emote ka ng ganyan. Malay mo di nga kayo para sa isa't isa na hanggang friendship na lang kayo. Di mas maganda pa iyon kaysa malaman nga niya tunay na feeling mo in result lalayuan ka naman niya. Mare think this way we can never have the best of both world, kung nung una pa lang sinabi mo na di sana ngayon alam mo lahat ng sagot sa mga agam-agam mo. Ask ko lang mare galit ba sa beki si papa Alex. Uhmm mare hindi naman kasi may tito namang siyang beki din and close naman sila sagot ni Josh. Iyon naman pala mare di ibig sabihin may chance ka pa, mga 10% na nga lang kasi may jowa na siya ngayon. Mare uminom na lang nga tayo iyon naman ang ipinunta natin dito di ba. Huba at lumalim pa ang usapan ng dalawa . Umabot sila hanggang Alas Dos imediya ng umaga. Di nila napansin ang oras at di rin nila napansin ang mga taong pumapasok sa bar. Napansin na lang ni Josh na may lalaking kanina pang tumitingin sa kaniya. Agad niyang sinabi ito kay Charito. Kumaway at tumayo ang kaibigan pinuntahan ang table ng lalaking kanina pa nakatingin sa kaniya.
Mga ilang minuto din ang tinagal ni Charito sa kabilang lamesa bago ito bumalik. Nagtataka naman si Josh kung sino ba ang lalaki iyon kilala niya ito.
"Beks sino yon? pinapunta mo yon dito para i-hook up ako no?"
"Beks asa ka naman noh... si Anthony yun remember kaklase ng kuya mo way back college, ung crush natin dati elem highschool pa lang tayo."
"Sinong Anthony naman iyan, wah ako maremember beks"
"Gaga yong laging nakikisleepover sa bahay niyo dati, wala na nga lang siyang salamin ngayon. Tsaka di nasiya payatot tulad ng dati."
"Ah I remember ba Beks" sabay malakas na tawa.
"Oh bat naman ka naman natawa huh?
"Eh kasi di ba siya Sexy Red sa mga boys line up natin, kasi laging Red ang undies niya before"
"Ah yah I remember nung minsan nating kalkalin bag niya puros nga red undies niya before. Sabay tumawa ng malakas ang magkaibigan. Sabay nilang naalala ang mga kapilyahan nilang ginawa way back highschool noong di pa niya nakikilala si Papa Alex. Mga kabaklaan moments nila ni Charito. Mare, red kaya suot niyang undies today? Bakla ka nga Josh walang duda. Sa mga ganoong bagay pansamantalang nakalimutan niya si Alex. Mga ala-alang sa ngayon ang nagpapasaya sa kaniya.
Lumapit si Anthony sa dalawa kita nga nga ang malaking pagbabago sa kaniya kung dati nerdy at patpatin siya ngaun man of his dreams na ito. Nakakapanglaway sa kagwapuhan iba na talaga ang hangin sa Singapore may dalang anes... May mga elementong bato ang hangin ng Singpore kaya gumuwapo ng sobra si Anthony. Tulala ang dalawa, para bang manghangmangha sa kanilang nasisilayan..
"Beks laway mo? pabulong na sabi ni Charito kay Josh"
SLURP.....SLURP
ITUTULOY AGAD...
BINABASA MO ANG
Beki Lover❤
RomanceAno ba ang mas matimbang ung matagal mo ng kasama pero mahal mo na. O yung ngayon lang pero pinadamang mahal ka niya. Paano, sino ba sa kanila?