Sa klase lutang parin si Josh... Romero!!! sabay bagsak sa librong hawak ng kaniyang instructor. Tinapik ni Charito ang kaniyang kaibigan. "Beks kanina ka pa tinitignan ni Sir. Torres kanina ka pa kasi tulala. Pinagmasdan lang ni Josh ang classroom ang lahat ay nakatingin sa kaniya. Tapos na ang klase ngunit ganoon pa rin si Josh, hinatak siya ni Charito upang kumain muna sa school canteen. "Beks parang ang laki ng probs mo? About ba yan sa love o tungkol ba yan kay papa Alex. Beks!!!! Oy ano ba? Oh andyan na ung problema mo. Pagkalingon ni Josh gulat siya sa kaniyang mga nakita...
Gulat nga ba o malaking pagseselos ang kaniyang nadarama sa nga sandaling iyon. Para siyang kinakain ng kaniyang inuupuan sa di malamang rason. Tinawag ni Alex si Josh at agad naman itong lumingon isang mapait na ngiti ang isinalubong nito sa kaniyang kaibigan. Siniko ni Charito asi Josh, para itong walang naramdaman. Umupo si Alex at ang kaniyang mga barkada sa katabing table. As ussual kwentong magbarkada napaligiran ng ingay ang boung kantina. Parang isang malaking party place ang lugar.
"Beks selos ba yan o bitterness, echosera ka rin noh. Di naman kayo over kung makapagemote"
"Haist yan ang mga napapala ng mga beking mapaglihim. Ikaw na ang CLoset Queen everrrrr..."
"Ano ka ba Charito di ako nagseselos o ano man. Mano, kung may kasama siya, Care ko aber!!
" Care mo mukha mo, knows ko ang mga gestures mong ganyan. Tanggi to the max level ka pa kasi lola"
"Ewan ko sa iyo, ikaw din assuming ka, Chatz ok lang nga ako. Tingnan mo, at isang pekeng ngiti ang ipinakita niya rito. Nagkayayaan ang mga magbabarkada na lumabas upang uminom. Pampatanggal pagod kung baga. Pagod sa matinding basketball workout at pag-aaral. Niyaya ni Alex si Josh ngunit tumanggi ito, di rin naman nito hilig ang uminom at maglasing.
Isang malakas ng ringtone ang gumising kay Josh nang kaniyang tingnan ang cp si Alex ito tumatawag. Pagsagot sa telepono isang lasing na lasing na Alex ang nagsasalita.
"Dre!!! kumusta? Grabe di ko na kayang umuwi. Ang saya ko sa araw na 'to. Para akong nanalo sa isang basketball championship."
"Ohh, andami mo na atang nainom dre, wala bang kabarkada na pwede kang sumabay?
"Grabe ka naman dre, tatawagan ba kita kung may kasabay ako. Pwede sunduin mo na lang ako."
"Eh, anong oras na kaya Alex tsaka baka pagalitan ako ni Mommy kung malaman niya na umalis ako."
"Yun lang ba dre simple lang yan, I will text your mom. OK!
"Wag na Alex alam mo naman si Mommy...
"Ay, nahuli ka na!!! I already send her the message, she even replied. Ang lakas ko talaga sa Mommy mo."
"Gago ka talaga, tsaka gising pa pala mommy ko at this time."
"Ah baka gumawa ng bago mong kapatid..hehehehehehe"
"Adik, sige na I will be there in half an hour."
Agad namang tumayo si Josh upang maghilamos at magpalit na rin. Hindi nga niya pala na itanong kung saang place niya ito susunduin. Habang nasa taxi iniisip pa rin ni Josh kung bakit masaya ang kaniyang kaibigan. Masaya ba ito kasi sa kaniyang kasama kanina sa canteen. O di naman kaya ay mapapasama siya sa next university tournament. Di bale malalaman na din iyon kapag magkasama na sila ni Alex. Isang tawag ang pumukaw sa kaniyang malalim na pag-iisip si Alex ito. Sinagot niya ang tawag nagtatanong si Alex kung asan na ba raw siya bakit antagal raw nito. At ang kaniyang sagot "Dre di ko alam kung saan ba kita susunduin", natawa na lang si Alex at kaniyang sinabi kung saan. Sa Lenard Wood niya ito susunduin hindi niya makakalimutan ang lugar na iyon. Madalas kasi nila itong puntahan noon pa. Doon nakatira ang dati nilang kaibigan na si Lhexa. Unang babae sa buhay ni Alex, unang babaeng kaniyang nakilala at nagustuhan. Matagal na ring nanliligaw si Alex dito ngunit hanggang ngayon di pa rin niya ito napapasagot.
BINABASA MO ANG
Beki Lover❤
RomanceAno ba ang mas matimbang ung matagal mo ng kasama pero mahal mo na. O yung ngayon lang pero pinadamang mahal ka niya. Paano, sino ba sa kanila?