Kainis! Basa na naman ako neto pag-nagkataon anas ni Josh sa kaniyang sarili. Naguupisa na kasing buwan ng tag-ulan. Walang dalang payong ang 2nd year engineering student malayo pa naman ang sakayan mula university. Siguro mga sampung minuto din siyang nakatayo sa harap ng guardhouse. Nang may biglang lumapit sa kaniya, Wala ka na namang dalang payong. Pagkalingon nito si Alex pala ang nasa likod naka payong sa kaniya. Pauwi ka na ba tanong ni Alex. Tanging tango lang ang naisagot niya sa kaniyang kaibigan. Mas matanda ng dalawang taon si Alex kaysa kay Josh, graduating student na ito sa kursong architecture kaya di nagkakalayo ng mga hilig. Matagal na silang magkaibigan dahil na din sa kanilang mga magulang. Ang tatay ni Alex ay may sariling firm samantalang ang tatay ni Josh ang legal accountant nito. Halika ka na abutan pa tayo ng gabi ditto, strict mga parent mo di ba pabirong sabi Alex.
Pagkarating ng bahay agad dumiretso si Josh sa kaniyang kwarto pagkabihis agad binukasan ang kaniyang laptop. At Facebook ang una niyang pinuntahang site, check ng notifications, massages at friend request pero wala. Nang may napansin siya isang picture, picture nilang dalawa ni Alex noong nag-outing sila. Magkaakbay sila sa picture habang kumakain ng BBQ. Iyon ang pinaka memorable na outing nilang magkaibigan at doon din niya naramdaman ang kakaibang paghanga niya kay Alex. Aminado naman si Josh na isa siyang bading takot lamang siyang malaman ito ng kaniyang magulang pati na rin mga kaibigan. Nahihiya ito baka hindi siya matanggap kaya pilit niyang ito tinatago. Habang nagbro-browse ng mga ilang picture sumagi sa isipan niya ang pagpapayong ni Alex sa kaniya. Hindi niya namalayan nakangisi na pala siya may kung anong iniisip. Tinapik siya ng kaniyang kuya at napabalikwas. Nagpapantasya ka na naman ata kay Alex pa. Kuya naman alam mo naman na tulo laway ako sa kaniya noon pa lang. Tanging si Harold lang nakakaalam na bading ang kaniyang kapatid, nahuli kasi niya si Josh noong highschool pa lang ito na nasa ilalim ng unan ni Josh ang panyo ni Alex. Nang itinanong nito ang dahilan hindi na natangi ni Josh sa kaniyang kuya Harold na crush niya nga si Alex . Natawa lang naman ang kaniyang kuya. Sabi ko na nga ba sirena ka din kaya hilig mo music ni Mariah. Sabay tawa nilang dalawa. Kuya promise mo secret natin ito ha... pag may pinagsabihan ka ipagkakalat ko na malakas putok mo... Oo naman hindi ko sasabihin basta promise mo lang di ka magpapalda.
Hanggang ngayon na kay Josh pa rin ang panyo ni Alex ito ang lagi niyang hawak para makatulog. Tara na kain na tayo kanina ka pa tinatawag ni Mommy, di ka mabubusog ng mga pantasya mo dyan. Tanghali na ng magising si Josh hapon pa naman ang kaniyang klase. Dumiretso ito sa CR para makaligo at makapag-ayos na din. Pagkababa naaubutan nito ang kaniyang Mommy na nagluluto para sa pananghalian. Oh, nak gutom ka na ba? Di pa naman po ma. Bat pala bihis ka na diba 2:00 pa naman klase mo. Pupunta po kasi ako kila Alex dun narin po ako kakain, Cge po ma...
Saan punta mo bata? Sabay akbay ng lalaki na kasunod ni Josh. Si Alex pala ito galing ng court katatapos lang maglaro. Bango natin ah amoy baby akmang hahalikan ni Alex si Josh ng bigla niya itong tinulak papalayo. Dun ka nga ang baho mo at basang basa ka pa...Arte mo naman parang di ka naman bumabaho. Ngunit sa loob loob ni Josh ay gustong gusto nito ang amoy ni Alex . Lalaking lalaki ang amoy ni Alex amoy araw man mabango pa rin ito para sa kaniya. Pagmagkasama ang magkaibigan para pa rin silang mga bata. Kaya naman mas lalo silang magkalapit at mas lalo ding lumalalim ang loob ni Josh kay Alex . Dre doon na tayo sa taas liligo na ako para makaalis tayo ng maaga, baka malate tayo sa pasok. Pagkalabas ng CR ni Alex tanging boxers na lang ang suot nito. Di na nakakagulat iyon kay Josh sanay na ngang naghuhubad ito sa kaniyang harapan. Ngunit para sa kaniya ang katawan ni Alex ang pinakamagandang katawan na nakita niya. Hobby na din kasi ni Alex ang mag-gym kaya buff na buff ito sa muscles. Tulala ka na naman, takam ka na naman sa katawan ko. Asa ka naman pangit kaya ng katawan mo. Sama ka din kasi minsan sa akin sa gym para magkalaman ka naman. Aral na lang ako utak ko pa magkakalaman. Puros ka na lang gym kaya tignan mo mga grades pasang awa buti nga pinayagan ka ng university na mag martsya. Agad naman nagbihis si Alex, di maiwasan ni Josh ang mapasulyap sa kaniyang kaibigan. Katapat lang naman na cabinet at ang isang malaking salamin, nakahanap ng big screen si Josh para makita ang kaniyang kaibigan. Nang matapos makapagbihis ay agad bumaba ang dalawa upang kumain.
Kanina pa nakahanda ang pagkain, nagluto ako para sa iyo. Hotdog ang tustadong sunnyside up egg ang nasa lamesa. Napailing na lang si Josh sa kaniyang nakita. Sa kaniyang isipan " Sana sa bahay na lang ako kumain, mas masarap pa ulam ko doon". Nang mapansin ni Alex si Josh na nakatingin lang sa pagkain. " Oy anong tinatanga mo dyan ayaw mo ba ung niluto ko sa iyo, special naman yan eh. Gusto mo subuan pa kita. Akmang papalapit si Alex kay Josh ng tumayo ang kaniyang kaibigan. Naglapat ang kanilang mga mukha at sa mga sandaling iyon parang nanigas ang buong katawan ni Josh. Di niya alam kung saan sya pupunta, ng bigla siyang tinulak ni Alex." Tactics mo bulok... gusto mo lang ng halik para-paraan ka pa! Namula si Josh sa hiya.
Habang kumakain ang dalawa tahimik ang buong paligid in other word AWKWARD moments ang nagaganap. Nang magkasagian ang kanilang mga kamay. Dre anong oras baka late na tayo, napapasarap ang kain natin. Sabi ko eh magugustuhan mo ung niluto ko sayo. Sa daan papuntang sakayan di parin nagsasalita si Josh. Nakatingin sa malayo may kung anong iniisip. Biglang inakbayan ni Alex si Josh, dre bakit tahimik ka kanina pa sa bahay. Na-offend ba kita sa mga sinabi ko kanina, Oy joke ko lang naman ung mga yoon. Ngiti lang naging tugon ni Josh kay Alex. Sa university sumalubong ang mga kabarkada ni Alex sa kanilang college. Naiwan naglalakad si Josh papunta sa kaniyang klase ng biglang humablot sa kaniyang bag. "Beki lutang ka na naman, fightsung ba kayo ni papa Alex kaya gloomy ka? "Wizz beks may sumagi lang sa isip ko kaya down ako today". "Lika na nga pasok na tayo para makita ko naman si Andrew kanina pa ako sabik makita si Prince Charming nezz..
Sa klase lutang parin si Josh... Romero!!! sabay bagsak sa librong hawak ng kaniyang instructor. Tinapik ni Charito ang kaniyang kaibigan. "Beks kanina ka pa tinitignan ni Sir. Torres kanina ka pa kasi tulala. Pinagmasdan lang ni Josh ang classroom ang lahat ay nakatingin sa kaniya. Tapos na ang klase ngunit ganoon pa rin si Josh, hinatak siya ni Charito upang kumain muna sa school canteen. "Beks parang ang laki ng probs mo? About ba yan sa love o tungkol ba yan kay papa Alex. Beks!!!! Oy ano ba? Oh andyan na ung problema mo. Pagkalingon ni Josh gulat siya sa kaniyang mga nakita...
ITUTUTLOY...
BINABASA MO ANG
Beki Lover❤
RomanceAno ba ang mas matimbang ung matagal mo ng kasama pero mahal mo na. O yung ngayon lang pero pinadamang mahal ka niya. Paano, sino ba sa kanila?