Unexpected Tales..
Nasusunog kami sa init ng mga papanabik namin sa isat isa. Nang bigla na lang may kumatok ng malakas sa bintana. Doon lang kami natauhan. Agad kaming kumalas sa isa't isa. Agad akong tumingin sa labas kung sino ito laking gulat ko na lang ng si Alex pala ito. May galit ang kaniyang mga mata. Nagulat ba siya sa mga ginagawa ko o may iba pa....
ALEX...
Gulat man ako sa nga nakita ko may magagawa pa ba ako. Ang tumatakbo lang sa isip ko ngayon ay mga tanong sa aming dalawa. Mga bakit na kami lang ang makakasagot. Feeling ko ang babaw ko kasi bakit kailangan ko mag expect sa best friend ko ei may gf naman ako. Bakit feeling ko insecure ako sa isang lalaking mas alam ko naman na mas lamang ako sa kanya. Kompyansa ako sa sarili ko. Well best friend nya lang naman ako. Pero habang pinagmamasdan ko sila may nararamdaman akong kakaiba. Di ko alam kung nasasaktan ako. Dapat bang masaktan ang best friend lang.
Habang kahalikan nya ang lalaking yon pakiramdam ko dapat ako yun. Pero di ba kanina lang ay hinalikan ko sya sa gym. Ashhhhh!!!!!!
Naiingit ako sa kanila. Pero bakit... ako na ang unang nahulog sa mga bitag na kaming dalawa ang gumawa. Di ko maintindihan... Ganito ba talaga ang magmahal di mo alam kung anong mangyayari. Si Lhexa ang pinapangarap kong maging girlfriend pero si Josh naman ang tinitibok ng puso ko.
Kayo din ba nalilito sa kwento namin. Wala ei kapag na fall ka na mapipigilan mo pa ba. Hala bakla na din ata ako. Weh, baka nagmamahal lang naman. Kumatok ako sa bintana ng sasakyan alam ko gulat sila ng makita nila ako. Isang ngiti lang naman ang binati ko sa kanila. Alam ko kung anong mga nasa isip nilang dalawa. Di ko tuloy napigilan tumawa na lang. Nagtataka naman silang dalawa...
Nakakaistorbo ba ako sa inyo? - Alex
Ahhhh...Wala naman - Josh
Makikita mo sa kaniyang mga mata na may maroon siyang tinatago. Ung alam mong kinakabahan siya kasi di siya mapakali... Kung ano ano tuloy pumapasok sa isip ko sa. Haha pilyong utak to oh.. Alam ko lang naman na naghahalikan sila. Pero baka na naman papunta na sila sa ganoong eksena umepal lang ako. Talaga naman sa school parking pa.. hahha di na nila mapigilan mga sarili nila. Ganoon ba kapag kinati ka kahit saan na lang basta makamot lang ang kati mo... Kung ano ano talaga ang iniisip ko sa best friend ko pa talaga. Weh sila ei, masyado silang PDA pano kapag iba pa ang makahuli sa kanila di mas lalo silang lagot.
Ang tagal akong tinititigan ni Josh, kaya agad naman akong nagsalita. Niyaya ko lang naman siyang kumain para sa dinner. Mag-isa ko lang naman sa bahay kaya naisip ko na baka pumayag sya. Pero parang masisira ata ang mga plano ko kasi may asungot, isang malaking asungot. Sya ang balakid sa lahat ng mga plano ko para sa aming dalawa ni Josh. So ano bang plano ko.. yan ang dapat nyong malaman sa susunod sa POV ko...
JOSH...
Sa totoo lang gulat ako sa lahat ng mga nangyari ung feeling mo may kasalanan ka sa iang tao. Pero di mo alam kung anong kasalanan mo sa kanya. Guilty ako sa isang banda nung nahuli kami ng best friend ko sasakyan ni Anthony.
Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip ko para makipaghalikan. Eh, sa di ko nga naman na pigilan ang sarili. Nadala nga lang ako sa sitwasyon. Ako naman tong si bakla walang kadala dala. Sugod lang ng sugod. Malay ko ba na bugla na lang siyang susulpot at akala ko kasama nya gf nya. Tapos ngayon nakakaloka naman talaga bigla na lang niya ako niyaya at sa bahay pa nila. May kakaiba tuloy akong naiisip.
Kung nakipaghalikan ako kay Anthony ibig sabihin ba non gusto ko na din sya. Nadedevelop na din ba ako. Ang gulo naman. Kasi sabi ni utak ko mas may mapapala ako kapag si Anthony ang pinili ko pero sabi naman ng puso ko si Alex kasi mas matagal ko na siya nakasama katunayan pa nga nyan best friend ko pa siya.
Kilala ko naman si Anthony kasi nga kaibigan sya ng Kuya Harold. Pero may feeling ako na parang may iba sa kanya. May tinatago sya sa akin di ko lang alam kung ano. kay Alex naman alam ko babae ang gusto nya kung ano man ung mga nangyari sa amin nitong mga nakaraang araw siguro
BINABASA MO ANG
Beki Lover❤
RomanceAno ba ang mas matimbang ung matagal mo ng kasama pero mahal mo na. O yung ngayon lang pero pinadamang mahal ka niya. Paano, sino ba sa kanila?