Chapter 5

16 1 1
                                    

Dating My Mortal Enemy  Chapter 5 

***

3days na kong absent mula ng mailabas ko lahat ng sama ng loob ko sa kanya . After he said those words, I slapped him and run away . Hindi ko alam kung anong naging reaksyon niya pero alam ko sa sarili ko na tama yung ginawa ko . 

"Hindi ka pa ba papasok ? Tatlong araw ka ng nagkukulong sa kwarto mo ah. May problema ba ? " tanong sakin ni Mommy tapos hinawakan niya yung buhok ko . 

"Bukas papasok na ko Mom, masama lang talaga pakiramdam ko. " nagtaklob ako ng kumot tapos tinalikuran ko sya .

"Sige, ikaw bahala . Tumawag na pala si Amiel dito kanina pupunta daw sila ngayon nila Kriska . " 

"Sabihin mo Mom, huwag na sila mag worry sakin . Tsaka sabihin mo rin na wala ako dito . Ayokong tumanggap ng bisita . " 

"Sure ka ba ? " 

"Yeah. " 

"Sige,tatawagan ko na lang si Amiel. " lumabas na sya ng kwarto ko at ako naman, kinuha yung phone ko. Chineck ko kung may nagtext sakin, tinago ko kasi yung phone ko pag uwi ko ng bahay 3days ago. 

May nakita akong 45messages at 80missed calls . Binrowse ko kung sino yung nagmissed call 2 kay Amiel, 3 kay Charina tapos kay Kriska 7 . The rest puro unregistered number. Sino naman kaya 'to ? Talagang pinaabot niya ng almost 80 yung calls niya ? Chineck ko yung inbox ko , puro classmates ko lang naman at nagtatanong kung anong nangyari sakin . Itetext ko na sana yung unregistered number na nagmissed call sakin, ng tumawag na sya. Yung unregistered number. 

"Hello ? Sino 'to ? " wala naman akong narinig na sagot mula sa caller.

"Hello ?? Sino ka ? " still, no anwer . 

"Are you nuts?! Kung nantitrip ka lang, ibaba ko na 'to ! " 

"W-wait ! Si Kenji 'to . " Kenji ? May kilala ba kong Kenji ? 

"Kenji who ? " 

"Nathan Kenji . " Ah si NAthan lang pala.. si Nathan ?! 

"Paano mo nakuha yung number ko ?! " bumalik na naman yung inis ko sa kanya nung narinig ko yung boses niya . Bakit ba kung kelan ok na ko, ito na naman sya ?! 

"It's not important ok ? I just want to know kung ok ka na . Ang dami mo ng namimissed na lessons . " where did he get the gut to ask me that question ?! Ano bang akala niya ? Na isang sorry lang niya ok na lahat ? Isang sorry makakalimutan ko na yung mga ginawa niya sakin dati ?! 

"I don't care. Bye ! " binaba ko na yung phonecall at pinatay yung phone ko . Bwisit sya ! Ang kapal ng mukha niya ! Magsosorry sorry sya kung kelan sobrang dami na ng ginawa niya to the point na kinamuhian ko na sya !

Nung hapon na, lumabas na ko ng kwarto ko para kumain . Sinalubong naman ako ni Mommy at sinabing may bisita daw ako. 

"Diba sinabi ko na sayo na sabihin mo kela Amiel na wala ako dito ? Mommy naman eh ! " 

"Anak,hindi naman sila Amiel yung bisita mo . " hindi si Amiel ? Sino naman ? 

"Sino pala? " 

Pumasok ang isang lalaking naka uniform na kagaya ng sa School ko . He's wearing a bonnet and may dala pa syang chocolate. Paano niya nalaman yung bahay ko ?! 

"Mom, pwede ko ba syang kausapin...privately ? " 

"Naku ok lang anak, boto na ko sa kanya bilang boyfriend mo . "

"Mom ! "sinigawan sya nun . Tama ba namang sabihin yun sa harap ni Nathan ?! Yes, si Nathan ang bwisit-a ko . 

"Ok, gora na ko. " Pumunta na sya ng kitchen nun kaya naiwan kaming dalawa ni Nathan sa living room. 

"Boto na pala Mommmy mo sakin eh . Paano ba yan pwede ko ng hingiin yung kamay mo sa kanya, fiance'? " tiningnan ko sya ng masama . Paano niya nagagawang umarte na parang walang problema ?  At talagang malakas pa yung loob niyang panindigan yung pagiging fiance' kuno ko ha ? 

"Ano bang ginagawa mo sa bahay namin ? Hindi ka welcome dito . " walang emosyong sabi ko sa kanya pero hindi ako nakatingin sa kanya. 

"Dinadalaw lang kita, miss na kasi kita eh . " 

"I-miss mo yang mukha mo !  Umalis ka na nga ! " tumayo na ko nun pero hinawakan niya yung kamay ko . 

"Galit ka pa rin ba sakin ? Maniwala ka na kasi, magbabago na ko. " 

"Umalis ka na Nathan, ayaw ko na makipag usap. " tinanggal ko yung pagkakahawak niya sa kamay ko . 

"Sige, bukas nga pala may long test tayo sa Physics. " umalis na sya nun tapos iniwan niya yung chocolate na dala niya . Kinuha ko yun at binasa yung note na nakalagay, 

"Beginning is the hardest part. Get well soon. " 

                                    -Kenji

What does this note means ? 

***

"Bakla~ ! Mabuti naman pumasok ka na ! Namiss ka namin ! " 

"Oo nga bakla~ nakakainis ka talaga! " 

"Tapos hindi mo pa kami pinapunta sa bahay niyo kagabi baliw ka talaga. " 

Yan yung salubong sakin nila Amiel pagpasok ko sa Room . Niyakap pa nila nun akala naman nila 10years kaming hindi nagkita . Eh   3 days lang naman akong absent . 

"Saka na ko magpapaliwang . Ano bang mga lessons ? " 

"Naku marami! Pahihiramin ka na lang namin ng notes mamayang uwian . " 

"Sige, salamat mga bakla~ " 

Umupo na ko sa upuan ko. Nakita ko si Nathan na nakasubsob yung ulo niya sa desk . Pagdating ng teacher namin , kinalabit ko sya kasi mag s-start na yung lesson . 

"Uy, nanjan na si Ma'am . " 

Inangat niya yung ulo niya tapos nag unat-unat . Napansin ko na nangingitim yung ilalim ng mata niya . Ganun na ba yun kagabi ? Hindi naman sya nagsalita kaya hindi ko na rin sya kinausap. 

Nung Physics Time namin, sinabihan kami ni Mrs. Ruazol na kunin yung reviewer namin bago mag start yung test namin . Binigyan niya kami ng 15minutes to review, yung mga classmates ko kanya kanyang kuha ng reviwer nila . Kinuha ko yung notebook ko nun , at nagbasa basa. Tinanong ko yung naka upo sa harapan ko which is Sean kung tungkol saan yung test namin . About Concave Lense daw, chineck ko yung notebook ko and unfortunately, wala akong notes about Concave Lens . Paano na 'to ? Makikishare sana ako ng reviewer  kay Sean pero ang sabi niya, bawal daw ang sharing . Tiningnan ko yung mga classmate ko, may sari-sarili nga silang reviewer . I guess, manghuhula na lang ako . 

"Oh. " May inabot sakin na papel si Nathan habang nagrereview sya . 

"Ano 'to ? " hindi pa rin sya lumingon nun at tinuloy yung pagrereview niya.

"Reviewer , obvious ba ? Ginawa ko yan kagabi kasi alam kong wala kang isasagot ngayon sa test. " Nagulat ako sa sinabi niya . Kaya ba may eyebags sya dahil pinagpuyatan niya yung reviewer ko ? 

"Bakit -- " obviously inunahan niya ko magsalita. 

"Huwag ka na magtanong. Magreview ka na lang , 10 minutes na lang yung natitira." 

Nagreview na ko nun at kahit papaano may natutunan naman ako . Nasagutan ko naman lahat ng questions sa test . Yung iba hinulaan ko na lang kasi hindi ko talaga alam yung sagot . Buti na lang at naka 38/50 ako sa test , pasado pa. Nung tiningnan ko yung paper ni Nathan, 46/50. Matalino rin naman pala sya eh . Akala ko puro mga walang kwenta yung nasa isip niya . 

After ng Physics Class namin , kinausap ko si Nathan. 

"Salamat ha. " hindi pa rin sya tumitingin sakin.

"Hindi mo kailangang magpasalamat sakin. Ginawa ko lang yung tingin kong tama. " 

"Basta salamat pa rin . Kung hindi dahil sayo , hindi ako makakapasa. " 

"Kung mapilit ka edi, welcome. " tiningnan niya na ko nun tapos ngumiti. This time, it's not a smirk . A real smile . And I admit kahit na nabubwisit ako sa kanya nun, I find his smile, cute ? 

Is this the start of our friendship ? 

Dating My Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon