Dating My Mortsl Enemy
***8***
"Kayo na naman ?! " oh come on ! Ang aga aga mukhang gusto na kong bwisitin ng dalawang 'to .
"Sakin ka na sumabay Alyanna. " ngumiti si Nathan tapos nilahad niya yung kamay niya .
"Hindi sakin na lang . " ginaya ni Niel yung ginawa ni Nathan and now I don't know what to do.
"Ako nalang mag isa papasok . Kaya ko naman sarili ko . "
"Hindi Alyanna , I insist sakin ka nalang sumabay." Niel.
"No, sakin siya sasabay ! Bakit ba nang aagaw ka ? " Nathan
"Hindi ako nang aagaw . I just want to help . " Niel
"Help ? Oh ito piso humanap ka ng kausap mo . " Nathan
"PWEDE BA ! ANG AGA AGA NAG UUMPISA NA NAMAN KAYO ! AKO NALANG MAG ISA ! HUWAG KAYONG SUSUNOD HA ! " sigaw ko sa kanila . Tumahimik naman sila tapos nag start ng maglakad . Pakisuklay nga ng buhok ko ang haba haba na eh .
Nakarating naman ako ng maayos sa school pero pagdating ko sa room nakakatakot ang mga ngiting nakita ko sa mukha nila Amiel . Parang yung ngiti lang nung dummy sa Saw .
"Bakit ganyan kayo makangiti ? "
"Sinundo ka ni Niel/Nathan ? sabay sabay nilang sabi .
"Pumunta sila sa bahay pero mag isa lang akong pumasok . "
"Huwaaay?! "
"Nagtatalo sila eh . Anong gusto nyong gawin ko? Hintayin silang magpatayan ? "
"Well you have a point there . Pero dapat sumabay ka nalang sa isa sa kanila . Sayang ang aircon harhar ! " sabi ni Charina .
"Nako magtigil ka Charina Lei Escueta . Gusto mong ikaw bigyan ko ng aircon ? " pambabara ko sa kanya . Ayoko ngang maging unfair sa kanilang dalawa .
"Ito naman tumutulong lang eh . "
Umupo na rin kami sa kanya kanya naming upuan nung dumating na yung first class teacher namin .
Si Nathan, walang ibang ginawa kundi hawakan yung buhok ko . Ang bango bango daw kasi naadik siya . Ewan ko ba kung anong nangyayari dito kay Nathan . Mas ok pa nga ako na binubully niya ko noon kesa naman ngayon na ang sweet at ang bait niya . Nakakasuka pala yung ganto hindi ako sanay .
"Alyanna, kelan ba tayo magpapakasal ? " nanlaki yung mata ko sa sinabi niya . Kasal ?! Nababaliw na ba siya ?!
"Ok ka lang ?! "
"Oo naman . "
"Tsk ! Tigilan mo nga ako Nathan hindi ako natutuwa . "
"Hindi naman joke yun . I'm telling the truth . Gusto na kitang pakasalan." hindi ko nalang pinansin yung sinabi ni Nathan. Nababaliw na yata siya eh
"Pwede ba tayong mag date bukas ? Yung totoong date hindi tulad nung date natin na iniwanan mo ko sa Restaurant . " natawa ako nung naalala ko yung ginawa ko sa kanya nung first blind date namin . Ang epic pala nun .
"Busy ako eh . Marami akong inaasikaso . " sagot ko sa kanya .
"Sige na promise it would be a memorable one . "
"AYOKO." sagot ko ulit . Ayoko nga siyang kadate. Hindi pa ko nahihibang para i-date ang Mortal Enemy ko . Kung gusto niyo kayo na lang .
"Hindi ka papayag ? "
"Hindi . " nilapit niya yung mukha niya sakin . Anong balak niyang gawin ?!
"Hindi ka talaga papayag ? "
"H-h-h.. Oo na ! Manahimik ka lang ! "
"Castor ! May problema ba jan ? "
"Uhmm.. wala po ma'am. " sagot ko sa adviser ko , Nathan really loves to ruin my day .
Nung uwian na , parang ewan si Nathan . Binuhat ba naman yung bag ko pati yung books. Ayaw niya daw mapagod yung fiance' niya . Ang kapal talaga .
"Date tayo ah ? "
"Oo na !"
Kumain kami sa Restaurant at umorder ulit ako ng maraming pagkain . This time, kinain ko na lahat ng inorder ko . Sayang ang libre .
"Alyanna, thanks for coming with me . " sabi niya habang kumakain kami .
"Welcome." simpleng sagot ko .
"Oo nga pala may tanong ako . "
"Shoot . Wag lang Math Question . " tumawa lang siya tapos naging serious mode .
"Pwede ba kitang ligawan ? " nabitawan ko yung kutsarang hawak ko . Was that a joke ?
***
3days had passed and hindi ko pa rin kinakausap si Nathan . Hindi ko nga sinagot yug tanong niya nung date namin eh . Hindi pa ko nahihibang para payagan siyang manligaw . Baka mamaya trip lang yun no !
"Alyanna, may LQ ba kayo ni Papa Nathan ? " tanong ni Amiel .
"Anong LQ wala naman kaming relasyon . " sabi ko tapos nagpoker face . "
"Oo nga pala susunduin ako ng twin ko gusto mong sumabay ? "
"Yeah sure libre pamasahe . "
Sinundo nga ni Niel si Amiel kaya nakisabay ako sa kanila . Una niyang hinatid si Amiel sa bahay nila tapos nung hinatid niya na ko tahimik lang kami .
"Sige pala, salamat sa paghatid." sabi ko tapos tumalikod na .
"Alyanna, may tanong ako ." hinarap ko siya . Ano na namang tanong yun ? Kinakabahan ako sa mga ganyan eh .
"Ano yun ?
"Pwede ba kong manligaw ? "
What ?! Pinaglalaruan ba talaga ko ng tadhana ?! Hindi na nakakatuwa !
BINABASA MO ANG
Dating My Mortal Enemy
Teen FictionAlyanna Lyn Castor . A girl na mahilig makipag date . Especially Blind Dates . Just for fun . Eh paano kung sa pakikipag blind date niya ang makakadate niya pala ay ang taong pinaka kina iinisan niya way back then ? :)