Chapter 7

18 2 2
  • Dedicated kay Amiel Espiridion
                                    

Chapter 7

"Talaga? Salamat ah. Alam mo ba na isa sa mga gusto kong makitang bagay ay ang shooting star? Bata pa kasi ako nung huli akong makakita nun." sagot ko sa kanya tapos sumandal ako sa likod ng bench.  Naalala ko kasi yung childhood friend ko na nakasama ko noon na manood ng shooting star. Isang beses ko palang syang nakakasama manood ng shooting star kasi the day after hindi ko na sya nakita . Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya basta bigla na lang syang nawala. Now I'm starting to wonder kung nasaan na sya ngayon . 

"I know." napatingin ako kay Niel na currently nakangiti sa akin . Paano niya nalaman ? 

"T-teka , paano mo nalaman ? "

"Wala naman hinulaan ko lang hahaha ! " tumawa sya nun tapos sumandal din sa bench . Bigla tuloy akong naweirduhan sa kanya. 

"Ah ok. " sagot ko nalang sa kanya. 

"Tara baba na tayo." sumang ayon nalang ako kay Niel tapos nilead niya ako pababa ng hill . Past 10 na rin nun and I feel so tired . Namimiss ko na yung kama ko. 

Pagbaba namin ng hill may nakita naman akong hindi kanais nais. I saw the least person I want to see tonight. Yeah it's him. 

"Alyanna ! Anong ginagawa mo rito ? Gabing gabi na ah ! " lumapit sya samin nun tapos tiningnan niya si Niel from head to toe. 

"Eh ano bang pakialam mo ? Gusto kong pumunta rito eh may magagawa ka ?" tinaasan ko sya ng kilay then nagcross arms ako. Si Niel naman napapatingin na lang saming dalawa. 

"May pakialam ako kasi.. kasi.. " hindi niya matuloy yung sinasabi niya kaya inunahan ko na sya. 

"Kasi ano ? Tsk ! " sumingit na rin nun si Niel sa usapan namin tapos hinawakan niya yung right hand ko . 

"Uhmm dude, ako na lang maghahatid kay Alyanna . Ako naman may dala sa kanya dito kaya ako na lang rin yung maghahatid. " parang nafroze ako sa kinatatayuan ko . Niel is holding my hand and he is pulling me closer to him . Ano ba 'to ? Bakit ganito yung nararamdaman ko ? 

"Hindi pwede ! Kaano ano ka ba niya ? " Hingit ni Nathan yung left hand ko tapos hinila niya rin ako palapit sa kanya . 

"I'm his date so I have the right . She's my responsibility. " hinila ulit ni Niel yung kamay ko kaya medyo naiinis na ako. Anong tingin nila sakin ? Laruan ?! 

"Date ka lang pala niya eh . Fiance' niya ko. " and again mga kaibigan, hinila po ulit ako ni Nathan . 

"Fiance' ka lang pala niya eh. Wala ka pa ring karapatan sa kanya hindi pa kayo kasal. " 

"Soon enough magpapakasal na rin kami so give me her hand. "

"And so ? Matagal pa yun . We're talking about now and now, she's mine. " 

"No, she's mine ! "  

"No she's --" bago pa makapagsalita si Niel inunahan ko na sya. Ang sakit na ng kamay ko eh . 

"PWEDE BA ! HINDI NIYO AKO PAG AARI ! HINDI AKO BAGAY O LARUAN NA PWEDE NIYONG PAG AGAWAN ! AT PWEDE BA NATHAN, TIGILAN MO NA YANG KAKATAWAG MO SAKIN NG FIANCE' KASI HINDI KITA FIANCE'! AND Niel, thanks for this night I really had ... fun." medyo nag alangan pa ako sa word na FUN kasi sa totoo lang sira na yung gabi ko. Sinira na naman ni Nathan Kenji Soriano . Tumalikod na ko sa kanila nun tapos pinara yung unang taxi na dumaan .  Bago ko buksan yung pinto nagsalita pa si Niel. 

"Alyanna, ingat ka pag uwi ah. " nag smile na lang ako sa kanya tapos tiningnan ko si Nathan. Nakayuko sya then naka close fist . 

"Nathan, wag kang gagawa ng kalokohan ah . " sabi ko sa kanya tapos pumasok na ko sa loob ng taxi . My date was ruined. 

***

"ALYANNA LYN CASTOR !! GUMISING KA NAA~ ! " bigla akong nagising sa lakas ng boses na narinig ko . Sino ba namang gigising sakin ng ganitong oras ? Hindi niya ba alam na napuyat ako kagabi ? Tiningnan ko yung Clock sa Bedside Table ko . It's Quarter to 7 . Nice ... not ! 

"Mmmmm~ inaantok pa ko ! Next year na tayo magkwentuhan. " 

"Eeh! You need to make some kwento kung ano nangyari sa inyo ni Little Brother ! " biglang nagising yung diwa ko tapos naalala yung mga nangyari kagabi . Napaupo ako bigla tapos hinawakan ko yung dalawang balikat niya. 

"Oo nga pala, bakit hindi mo sinabing kambal mo pala yung ka blind date ko ?! Pinagtitripan mo ba ako ?! " tinapik niya naman yung kamay ko tapos nakihiga sa kama ko . 

"Yuck Alyanna ah ! Hindi ka pa nga nagtotoothbrush ng teeth nilalapit mo na kagad yung mouth mo to mine! Anyway, why would I tell you kung sino yung kadate mo ? Blind date nga diba ? Duh ! " 

(Author's Note : She pronounced 'Duh' as 'Du ' not 'da' . She's a slang conyo okiee ? XD)

"Pero dapat binigyan mo man lang ako ng idea na family related mo pala yung ipapadate mo sakin para naman hindi ako naging mulala diba ?! " 

"Why ba you're being maarte pa eh tapos na nga yung date ? Tell me na nga lang yung nangyari sa inyo ni Niel para naman happy happy na . " 

"Eh teka, nga bakit ba kanina ka pa taglish ng taglish diyan ? Ano ba nangyayari sayo ?! " 

"Well, english kasi ng english sa bahay si Niel kaya pati tuloy ako napapa english na . " 

"Sana nagpure english ka na lang ! Pa conyo ka pa eh ! " 

"Whatever! " 

"Whatever ka din ! Teka nga maghihilamos lang ako. Ang aga aga mo naman kasi manggising eh ! " tumayo ako sa higaan ko nun tapos pumasok ng cr . Pag naalala ko yung nangyari kagabi parang nagugulat pa din ako eh . Akalain mo yun, pinag agawan ako ni Niel at Nathan ? Ok, ang landi ko na. 

Pagkatapos kong mag ayos nagkwentuhan na kami ni Amiel . Dinalhan na nga lang kami ni Mama ng breakfast sa kwarto kasi mukhang marami-rami daw yung pagkukwentuhan namin ni Mhiely . 

"So what happened after nung date niyo sa restau ? Grabe ! Ako pa pumili ng place niyo ha ! Wala naman kasing kaalam alam si Niel dito sa Pinas. Poor him . " 

"Ayun dinala niya ko sa hill sa third street . Pinakitaan niya ko ng Shooting Star  --" hindi ko pa natatapos yung kwento ko sumingit naman si Amiel . 

"Talaga ?! Ohmygosh ! Ang galing talaga ng Lil bro' ko ! Tapos ano pa nangyari ? Kwento pa dali ! " 

"Paano naman ako makakakwento eh singit ka ng singit ! " natawa lang sya sa sinabi ko. 

"Basta make kwento na ! " 

"So ayun nga , nung dinala niya ko sa hill nakakita kami ng shooting star eh . Tapos nung nagdecide na kaming umuwi, nakita naman namin si Nathan-- " again, sumingit po ulit sya. Tsitsinelasin ko na 'to eh ! 

"As in si Papa Nathan Kenji Soriano ?! Oh my gosh ! Tapos ? Ano pa nangyari ? Paputol putol ka naman eh . " at ako pa talaga ah . Kinuha ko yung chopstick sa drawer ko . 

"Nakikita mo 'tong chopstick na 'to ? " 

"Yeah, why ? " 

"Itutusok ko sa mata mo 'to kapag sumingit ka pa sa kwento ko. " mukhang natakot naman sya kaya nag act sya na parang sini-zip yung bibig niya . Binaba ko na yung chopstick then nag start na ulit magkwento . Hindi na rin sya sumingit kaya natapos ko na din yung kwento ko . Before lunch nagpaalam na rin sya na uuwi na sya kasi may family get together pa daw sila . 

***

Ang aga aga palang ginising na ko ni Mama dahil maaga daw yung pasok ko . Nagtaka naman ako kasi ang alam ko, 8am ang pasok ko ngayon . 

"Ma, mamaya pa pasok ko patulugin mo muna ko." nagtakip ako ng kumot kaso hinila niya naman yun . 

"Basta mag ayos ka na ." sinunod ko na lang yung sinabi niya kesa naman makipagtalo pa ko sa kanya . 

After kong mag ayos at kumain nagpaalam na ko kay Mama. Kaso paglabas ko naman ng bahay..

"Hi Alyanna / Goodmorning Alyanna! "

"Kayo na naman ?!"

Dating My Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon