***6***
"Hindi ka pa ba ready ? "
"Saglit na lang aayusin ko lang yung buhok ko . "
"Bilisan mo na yung ka date mo kanina ka pa hinihintay . "
"Tss ! Ito na nga oh nagmamadali na ! "
I am currently preparing for my next blind date. Well, saturday naman ngayon and I really need to relax . Ang dami kong stress ngayon . Bwisit kasing Nathan yun wala ng ibang ginawa kundi magpakita ng mga kabitan sakin . Nacoconfuse na tuloy ako if that was real or not . Oh well, hindi na dapat ako magpaapekto kasi malelate na ko sa date ko .
After kong magprepare hinatid na ko ni Amiel sa isang Fancy Restaurant malapit sa Village namin . Hindi ko alam kung sino yung next date ko. I don't have any clue what's his name, age, neither his physical appearance hindi ko alam kung gwapo sya o hindi . Again, may tiwala ako kay Amiel . I'm sure gwapo yun !
"Oh bakla, ikaw na bahala ah . Wag mo naman pagtripan yang next date mo at nakakahiya. Huwag mo ng itulad kay Nathan yan ha ! " paalala sakin ni Amiel . Nung last date ko kasi, ang daming sinabi sa kanya ni Nathan kesyo ang fail ko daw kadate, pera lang daw habol ko sa kadate ko . Pwede ba ! Sa kanya lang naman ako ganun no !
"Oo na. Dami pang pachuchus eh . Oh sya mag ingat ka ha ! Concentrate in the road ah ! Not in the face of boys ! Nako~ ! "
"Tsk ! Oo na ! " sabi niya tapos bumaba na ako ng Car niya .
Pagpasok ko ng Restaurant sinalubong ako ng receptionist. Asking if I have any reservation sa Restau. And dun ko lang narealize yung pagkakamali ko. Bakit hindi ko tinanong yung pangalan ng kadate ko ?!
"Uhmm.. wala bang nakareserve by Amiel Espiridion ? " chineck niya yung folder na hawak niya . Ano ba naman 'to si Amiel bakit ba kasi hindi niya sinabi yung name ng makakadate ko ?!
"Wala po Miss. Sorry . "
"Ah ok. I'll just call my friend . " tumalikod na ko nun tapos nung idadial ko na yung number ni Amiel. May tumawag naman ng pangalan ko .
"Are you Miss Alyanna ? " tinitigan ko yung lalaking tumawag sakin. He is handsome . Wala akong tutol dun dahil ang gwapo niya talaga . Feeling ko nga na froze ako eh .
"Yeah why ? "
"Oh ok . I'm Niel , your date for tonight. " nag wink pa sya sakin nun tapos nilead niya na ko sa table. (A/N: Niel is pronounced as 'Ni-yel')
"So, how are you related to Amiel ?" nag start na kaming kumain nun at hindi tulad sa date namin ni Nathan konti lang yung inorder ko .
"She's my bestfriend . Classmates kami sa St. Monique . "
"Oh I see . She's my twin sister . " nasamid ako sa sinabi ni Niel . Si Niel at Amiel magkapatid ?! Bakit hindi ko 'to alam ?!
"Paano ?! " nagulat rin siguro sya sa tanong ko and at the same time , natawa.
"Anong paano ? Pareho kami ng nanay tsaka tatay and sabay kami pinanganak so, magkapatid kami . " napaface palm ako sa tanong ko. Gosh! Ang fail ko nga !
"I mean, paanong hindi ko alam ? We always hang out sa house niya but I never saw you. "
"Well, when we were 8 pinaghiwalay na kagad kami dahil pinag migrate ako ni Mommy ng Canada for some reasons . That's the reason kung bakit hindi niyo ko nakikita. Kakauwi ko lang the other day and nasabi sakin ni Amiel na may friend daw sya na gusto ng ka blind date so I volunteered kasi wala rin naman akong magawa. " napaisip ako sa sinabi niya. Siya ba yung guy na nakikita ko sa Photo Albums ni Amiel nung baby pa sya ? Lagi silang magkasama sa pictures tapos yung sa ibang Album . hindi ko na sya nakita . Kaya pala.
"Oh I see. Kaya pala hindi kita kilala. " natawa lang si Niel sa sinabi ko tapos nag start na ulit kaming kumain . Nagkwentuhan lang kami ng kung ano ano about our life and so far sa lahat ng nakakadate ko, kay Niel lang ako naging comfortable. Siya lang naman kasi yung hindi mahangin plus he's so bubbly. Ang gaan ng atmosphere kapag nanjan sya unlike kay Nathan na parang gusto ko na kaagad sya paalisin everytime he gets near me. Para kasing ang awkward kapag katabi ko sya. Ewan ko lang, ako lang yata yung na a-awkwardan sa kanya. Baka naman... apektado na ako sa appearance niya ? Oh no ! That's a big NO-NO! Hindi pwedeng mangyari yun !
"Uhh Alyanna , are you alright ? " napabalik ako sa wisyo ko nung tinawag ni Niel yung name ko . Ang dami dami naman kasing pwedeng tambayan ni Nathan bakit sa isip ko pa ?!
"Yeah I'm fine. It's just that.. may makulit na pumapasok sa isip ko . " I smiled awkwardly to him . Tama ba yung sinabi ko ?
"Oh ok . Wait, can you come with me ? May ipapakita ako sayo. "
"Huh ? Saan naman tayo pupunta ?" chineck ko yung wrist watch ko and quarter to 9 na.
"Somewhere." he grabbed my wrist then no choice na ko kundi sumama sa kanya. May tiwala naman ako sa kanya kasi kapatid naman sya ni Amiel .
Pumunta kami sa isang hill ni Niel. Madilim na dun and kung hindi ko alam na kapatid ni Amiel 'tong si Niel iisipin kong rarape-in ako nito. Pero sure naman akong hindi niya yun gagawin .
"So, why are we here ? " chineck niya yung wrist watch niya tapos inakay niya ko sa nag iisang bench na nakalagay dun .
"Just wait ." sabi niya . Hindi na ko nagsalita nun tapos after some minutes biglang may dumaan na shooting star. Automatic na napa wish ako pagkakita ko ng shooting star.
"Nakita mo yun ?! Nakapag wish ka ba ? " Tanong ko kay Niel.
"Yeah." he smiled at me. "napanood ko sa news kanina na may shooting star daw this night kaya dinala kita dito . "
"Talaga? Salamat ah. Alam mo ba na isa sa mga gusto kong makitang bagay ay ang shooting star? Bata pa kasi ako nung huli akong makakita nun." sagot ko sa kanya tapos sumandal ako sa likod ng bench. Naalala ko kasi yung childhood friend ko na nakasama ko noon na manood ng shooting star. Isang beses ko palang syang nakakasama manood ng shooting star kasi the day after hindi ko na sya nakita . Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya basta bigla na lang syang nawala. Now I'm starting to wonder kung nasaan na sya ngayon .
"I know." napatingin ako kay Niel na currently nakangiti sa akin . Paano niya nalaman ?
BINABASA MO ANG
Dating My Mortal Enemy
أدب المراهقينAlyanna Lyn Castor . A girl na mahilig makipag date . Especially Blind Dates . Just for fun . Eh paano kung sa pakikipag blind date niya ang makakadate niya pala ay ang taong pinaka kina iinisan niya way back then ? :)