Chapter 3 Payback

21 0 2
                                    

''Mr. Soriano, please come in.'' Soriano?! I'm dead. 

''Hey Guys. I'm Nathan Kenji Soriano. Nice to meet you all. Especially to her.'' tinuro niya ako nun tapos nag smile. Napatingin naman sakin yung mga classmate ko. This is not happening to me. 

''So,do you know her Mr. Soriano?'' tanong ng intrigerang teacher namin. 

''Yes,she's my fiancé.Can I sit beside her?''tanong nya sa teacher namin. Oh my God! Tell me it's just a dream! 

''Fiancé ka naman pala niya eh.Sure. Mr. Pulma,lumipat ka sa tabi ni Ms. Relevo.''tumango naman yung seatmate ko tapos binitbit yung bag niya. 

Lumapit na sa upuan ko si Nathan tapos bumulong sya sakin. 

''Do you like my surprise...honey?'' 

*** 

''Oh my gosh Alyanna!You didn't tell us about it! Ang mean mo! Engaged ka na pala!'' 

''Oo nga!Tapos iba pa yung nasa kwento mo kanina! Meanie!'' 

''Yeah! Explain yourself nalilito kami.'' yan yung sunod sunod na narinig ko mula kela Amiel.Nasa canteen kami ngayon dahil breaktime na.My gosh! Bakit niya sinabi yun?! Ok sana kung girlfriend lang madaling ibreak pero fiance'?! Para ko na ring nilagyan ng ketchup ang cake.Nakakasuka! 

''Pwede bang manahimik muna kayo? Kahit ako naguguluhan. Paano ko ba naman magiging fiancé yung bwisit na yun? Wala nga akong engagement ring!See?'' tinaas ko pa yung dalawang kamay ko nun. 

''Oo nga no. Pero bakit niya naman sinabi yun?'' -Charina 

''Hindi ko rin alam.''Sagot ko. 

''Baka gumaganti na sya dahil dun sa ginawa mo sa kanya nung date niyo? Naku Alyanna,humanda handa ka na.'' sabi naman ni Amiel. Bakit ba ko kinakabahan? Si Nathan lang yan. Kung nagawa ko syang gantihan kaya ko ulit yun. 

''Huwag mo ngang tinatakot si Alyanna. Baka naman nag uumpisa na syang singilin ka. Mag ready ka na Alyanna. Payback na.'' Tingnan mo 'tong si Kriska, akala ko pa naman pagagaanin niya loob ko. Tatakutin din pala ko. 

''My gosh Kriska, naririnig mo ba yang sinasabi mo?Kinontra mo pa ko,sang ayon ka naman pala sa idea ko.''sabi naman ni Amiel kay Kriska. Huwag na kayo magtaka. Trip nilang kontrahin ang isa't isa. 

''Eh yun din yung naisip ko eh.Walang pakelamanan.'' sagot naman ni Kriska. Sasagot pa sana si Amiel ng magsalita si Charina. 

''Tama na nga yang bangayan niyo. We're here to help Alyanna.''mabuti pa si Charina naiintindihan ako. 

''Since ikaw ang nagsuggest, anong plano mo?'' tanong naman ni Amiel kay Charina. 

''Oo nga.Spill it out.'' sabi naman ni Kriska.Wow nagkasundo sila. 

''Hindi ko alam. Ikaw Alyanna, anong plano mo?'' tumingin naman silang tatlo sakin. Pinahaba pa nila yung conversation.Ako rin pala magsosolve ng problema ko hays. 

''Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Titingnan ko na lang siguro yung sunod niyang gagawin bago ako gumawa ng move.''sagot ko sa kanila. Hindi na ko papayag na guluhin ulit ni Nathan yung High School life ko.Never. 

*** 

''Pahiram ako ng ballpen.'' 

''Wala!'' 

''Eh ano yang gamit mo?'' 

''Stick na sumusulat!Hello? Anong tingin mo dito? Lapis?'' nakakainis! Bakit kasi kailangang tumabi pa sya sakin?! Ibig sabihin buong taon niya kong iinisin! Yes, I'm talking about Nathan. Papasok ng school walang dalang ballpen my gosh! 

''May ballpen ka pala eh pahiram na.'' 

''Hindi nga pwede! Ano na lang gagamitin ko?!'' mahina lang yung boses ko pero sapat na para marinig nya na naiinis na ko. 

''Ok lang yan. Sige na..honey.'' tumawa pa sya ng mahina nun tapos inagaw nya yung ballpen ko. 

''Huwag mo nga kong mahoney honey diyan! Tsaka akin na yung ballpen ko!'' inagaw ko ulit yung ballpen sa kanya. 

''Bakit ba ayaw mong magpahiram?Ganyan ka ba sa new classmate mo?''inagaw niya ulit yung ballpen. 

''Bakit?Ganyan ka rin ba sa new school mo? Ke-bago bago, walang ballpen. Tch!'' 

''Alam ko kasing papahiramin mo ako eh..honey.'' nagsmirk na naman sya nun tapos nung hihilahin niya na yung ballpen bigla kong binitiwan kaya muntik na syang ma out of balance. Honey pala ah! Ngumiti naman ako nun sabay sabing, 

''1-0'' sasagot pa sana sya kaso sinita kami ng values teacher namin. 

''Ms.Castor and Mr.Soriano,any problem?'' 

''Wala po Ma'am. Nag uusap lang kami ni Alyanna about sa date namin mamaya.Right honey?''nang asar 

Naman yung mga classmates namin 

''Ah.Mamaya na yang date na yan makinig muna kayo sa lesson ok? And Ms.Alyanna, sagutin mo na yang si Mr.Soriano para hindi ka na kinukulit.'' 

''Ma'am,fiancé ko po sya.''ayan na naman yang fiancé na yan. Nasusuka talaga ako kapag naririnig ko yan. 

''Ma'am hin--'' pinutol naman ng teacher namin yung sasabihin ko. 

''Ah ganun ba?Eh di malapit na pala ang kasalan.Huwag muna gagawa ng baby hanggat hindi pa kasal ah.'' napataas naman yung kilay ko sa sinabi ni Ma'am Rose.Seriously?! 

''Opo Ma'am basta ninang po kayo ah!''oh my gosh! What the hell are they talking about?! 

''Sure!'' ngumiti pa si Ma'am Rose nun tapos nagstart na magturo. Si Nathan naman ngumiti ng wide at sinabing, 

''1-1'' inirapan ko na lang sya tapos nilagay yung earphone sa tenga ko. Matutulog na lang ako. 

*** 

''Uy,gising ka na.'' napadilat naman ako nun.Ang ganda pa naman ng panaginip ko panira naman talaga! 

''Bakit mo ko ginising?'' tanong ko kay Nathan. 

''Ginigising kita kasi uwian na.'' napatingin naman ako sa bintana and yeah,hapon na nga. 

Niligpit ko na yung gamit ko.Uuwi na ko. 

''Hey!Hatid na kita!''sigaw ni Nathan dahil malayo sya sakin. 

''Sige.'' 

''kunin ko lang yung kotse''umalis na sya nun tapos ako may naisip na naman. 

Naglagay ako ng note sa gate at umalis na. 

''2-1'' 

Dating My Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon