Fight 3 New Fan

586 19 2
                                    

                                                            

"Wait, Miss." Ani niya at nakahawak pa rin sa braso ko. Nakatalikod pa rin ako, pumikit muna ako ng mariin at bumuntong hininga nang malalim. Humarap ako sa kanya at kitang kita ko ang matalim niyang titig sakin, hindi ito ang normal niyang ekspresyon kahapon.

Ganon pa rin ang suot niya katulad nang nakita ko siya sa hallway kanina. Lumunok ako nang napagtantong hindi niya pa binibitawan ang braso ko. "Ano po iyon?" Kabado ko'ng tanong. Jusko ano ba itong pinasok ko.

"What did you do?" Malamig na tanong niya. Nakatingin lang ako sa mata niyang kulay brown at agad akong bumalik sa ulirat nang napansin niya ako.

Tumawa ako ang pilit. "Ah, oo. Yung nangyari kanina?" Mag kumpirma ko dito.

Halos humarantado ang bilis nang puso ko nang biglang nag igting ang bagang niya. "So you laughing in that incident huh?" Ngisi niya.

Napakurap naman agad ako at hindi ko na alam ang sasabihin 'ko. Galit ba siya? Malamang Gail! "Sorry. Eh pano kasi kinukuh--" naputol ang sasabihin ko nang may biglang nag salita.

"Shut up Gail!" Biglang sumali sa usapan si Claire. Nag lakad siya ng mabilis papunta dito. At realtalk naka heels pa siya. Ayos din.

"Claire..." Gulat na sambit ni Miko dito.

"No Miko! Nag sisinungaling lang yan! Nakita mo naman ang pangyayari di ba? Binully niya ko! Binully!" At nilagay ang mga palad sa mukha niya na umaktong parang umiiyak.

Nanlaki ang mata ko at nanalaki ang butas nang ilong ko, natatawa ako na nagugulat sa naging reaksyon niya. Mukha siyang paranoid sa ginagawa niya. Nagsisinungaling? Eh wala pa nga akong sinasabi. Tapos ako pa yung nang bully?

"Claire..ikaw ang nanguna. Ikaw ang unang sumugod. At ikaw ang unang naghamon." Pangatwiran ko.

Pinunusan niya ang luha niyang peke naman. "Ako ang naghamon? What are you saying?!" Hindi maka paniwalang tanong niya.

Bigla namang nag salita si Maika. "Oo! Di ba nga sabi mo pa na mag judo na lang kayo dito?" Gaga talaga 'to nakisali pa.

Claire arched her eyebrow to Maika. "Will you please shut up your big mouth?! Kanina ka pa nakikisali dito hindi naman kita tinatanong! Pathetic!"

"Miss. Mag sorry ka na lang para matapos na 'to." Pag iiba nang usapan ni Miko.

Nagtataka akong tumingin sa kanya. Ako pa ang mag sosorry? "Siya ang nanguna. Kumakain lang kami nang bigla siyang nang gulo." Sabay irap ko.

Tumingin naman si Miko kay Claire. Naka tagilid ang mukha niya kaya naman kita kita dito ang piercing sa kanyang tenga. "Claire? Ano ba kasing ginawa mo?" Ani niya dito.

"Miko, wala naman akong ginagawa. May kinukuha lang naman ako." Mahinahon sabi ni Claire. Nang tumingin sakin si Miko saka siya tumaray. Pakitang tao.

"Anong kinuha niya sayo?" Tanong niya sakin.

Nanlaki ang mata ko. Sasabihin ko ba? Kung sasabihin ko kasi, may chance na kunin niya ito. At may chance din na hayaan niya na lang ito. "Yung...yung panyong binato mo--"

"Binato oh kinuha mo? How dare you?! Pulubi ka talaga!" Singhal sakin ni Claire.

Hindi ko siya pinansin at tinuloy ko ang pag sasalita ko. Pinatigil pa muna siya ni Miko bago ako nag patuloy sa pag sasalita. "Uh..kinukuha niya kasi yung panyo na binato mo kahapon sa s-stage. Yung kaibigan ko kasi yung nakakuha--"

"See? Nandamay pa siya eh siya naman talaga ang kumuha non!" Sigaw ni Claire sakin.

"Claire...just stay calm okay?" Kalmadong utas ni Miko kay Gail.

Fight for Nothing #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon