Fight 7 World

356 14 0
                                    



"Group hug!" Sigaw ni Sean. Hindi muna ako lumapit hanggang sa higitin ako ni Sean papunta sa kanila. Hindi ko maimagine na mayayakap ko silang apat ngayon. Ngumti ako at sumabay sa hiyawan nila.

Nakayakap ako kay Rielle at sa gilid ko ay si Sean at sa kaliwa naman ay si Maika. Nakapalibot kaming lahat sa kanya. Pagkatapos nang ilang segundo ay kinalas na namin ang pag kakayakap namin sa isa't isa.

"Thankyou po, talaga." Ani ni Rielle at pinupunasan ang luha habang tumatawa.

"No, we owe you for that thing. Thankyou." Ani ni Rafael. "Picture!" Sigaw niya.

Tumawa naman si Rielle at nilabas ang kanyang cellphone. Nag picture pa nang solo si Rielle sa buong T.E. Nagpasalamat pa uli ito bago kami pumasok sa sasakyan ni Sean at nag paalam.

"Dito ka na, Gail." Ani ni Sean at binalandra sakin ang front seat.

Umiling ako. "Hindi na Sean, dito na ako sa pinakalikod okay na 'ko dito. Si Maika na lang diyan." Ngiti ko.

"Ay nako ayoko makasama yan. Sige na Gail ikaw na dun." Ngiti niya at biglang bumulong saakin. "Chance ko na 'to kila Shawn at Rafael, please lang naman." Halos mag hi-histerical na sabi niya.

"Gail?" Tawag sakin ni Sean. Ano bayan mas gusto ko nga doon kasi makakasama mo sila.

Wala naman akong magagawa dahil tinutulak na ako ni Maika sa front seat. "Sige na nga." Sabay pasok ko sa kanyang Trailblazer at umupo sa front seat.

"Nice." Aniya at ngumiti sabay umikot sa unahan para pumasok sa driver seat.

Habang nasa byahe ay puro boses lang ni Maika ang naririnig namin at tawanan nang mga lalaki sa likod. Hindi ko rin naman makausap si Sean dahil nahihiya rin ako. Pag may itatanong lang siya dun lang ako sasagot.

Apat sila sa likod at hindi ko alam kung bakit sila nag kasya roon. Sabagay mapayat naman din kasi itong si Maika. Sa kaliwang gilid nang bintana ay nandoon si Miko, katabi niya si Shawn, katabi niya si Maika at ang katabi niya ay si Rafael.

Kotang kota talaga siya ngayong gabi. Samantalang ako wala pang nagagawa. Hindi ko alam kung bakit ako nahihiya kay Miko, kahit na pag pa picture nga manlang sa kanya ay hindi ko nagawa kanina.

Sayang ang pagkakataon. Buti pa si Rielle at Maika meron. Siguro para sa kanila ang araw na na 'to.

"Saan ba kayo nang galing at kasama pa kayo nitong si Sean?" Narinig kong sabi ni Maika sa likod.

"Rehearsal. Ayaw pa nga kami pasamahin eh." Ani ni Shawn.

"Bakit daw?" Tanong ni Maika.

"Sisinghot pa daw kasi siya." Halakhak ni Shawn. Nagtawanan nanaman sila sa biro ni Shawn. Kanina pa sila nag bibiruan sa likod.

"Fuck you dude! I'm gonna kick your ass right now." Singhal sa kanya ni Sean habang nag da-drive.

"Oh really? Go and kick it. Now." Pang hahamon ni Shawn dito.

Binad-finger-an lang siya nito si Sean habang nag da-drive. Umiling ako at napangiti, hindi ko alam na ganito pala sila ka-kalog. Tumingin ako sa bintana nang biglang nag salita si Maika.

"Alam niyo ba na maraming sikreto sa buhay yang si Sean?" Aniya at humalakhak.

"Don't start, Maiks." Inis na sambit ni Sean sa kanya. Nag aabang naman nang kwento ang apat sa likod.

"Nung bata pa kami, naka tae yan sa brief niya!" Sabay halakhak ni Maika. "Tapos alam mo yung feeling na hindi niya alam kung tatanggalin niya ba yung underwear niya oh hindi." Tawa niya ulit.

Fight for Nothing #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon