Fight 4 Soon

555 19 0
                                    


Kinabukasan ay agad akong nag punta sa room para ikuwento kay Maika ang ginawa ko kagabi. Nainis pa nga ako dahil mas abala siya sa pag kain at ini-enjoy ang pag himay sa kanyang chicken joy.

Ganyan talaga siya, nag babaon pa rin nang pagkain kahit na ang dami niyang pera para kumain sa canteen. Sabi niya nagugutom pa rin raw siya kahit na kumain na siya nang breakfast tuwing umaga. Kaya ayan, pag wala pang prof nilalantakan niya na ang kanyang baon. Minsan nga isda pa, ngayon manok.

Nung last week nga nag baon siya nang kimchi kaya ayun namaho sa buong room. Pinag tabuyan siya nang kaklase namin.

"Ang baho naman! Ano ba yun?" Ani nang isa kong kaklase.

"Tangina ang baho! Sino ba yun? Lumabas na dyan oh!" Ang isa ko pang kaklase.

Tawang tawa na ako dito habang nakaupo sa tabi niya samantalang siya ay enjoy na enjoy sa pag kain nang kimchi at dinidilaan pa ang kanyang daliri na akala mo eh walang naririnig.

"Huy ang baho na daw. Hahaha!" Ani ko at tinakpan ang ilong ko.

Tumingin siya sakin na punong puno ang kanyang bunganga at kumalat ang sauce nang kimchi sa gilid nang kanyang labi. "Arte mo. Gusto mo ba?" Ani niya. Halos hindi ko mainitindihan ang sinasabi niya. Umiling na lang ako habang natatawa.

Buti nga ngayon at chicken na ang binaon niya. Naiingit nga ako sa kanya kasi kahit na anong lamon niya, hindi pa rin siya tumataba. Ang ganda pa rin nang posture nang kanyang katawan. Nakakainggit.

Hindi pa rin siya nakinig sa kwento ko habang nag hihimay nang chicken at kumakanta pa. Baliw.

"Alam mo ba, alam ko na ang facebook ni Rafael!" Pag yayabang ko sa kanya.

Agad naman siya napatingin sakin. "Di nga? Alam mo yung surname?" Taray niya sakin.

Tignan mo ito, nung sinabi ko lang na Rafael saka pa lang siya tumingin sakin. Tumango ako. "Oo. Akala mo ha. Ang gwapo niya kaya doon sa D.P niya." Nguso ko at pinipigilang tumawa dahil sa reaksyon niya.

"Gail! Anong pangalan niya sa facebook? Paking shet!" Aniya at tinakpan ang kanyang baon-an.

Hindi muna ako nag salita habang hindi pa siya tapos sa pag aayos sa kanyang paglalagay nang pinag kaininan niya sa kanyang bag. Nang matapos na siya doon na ako nag salita. "Oo. Rafael Zalde ang pangalan niya. Ang ganda di ba?" Ngiti ko.

"Oh my G! Ang gwapo nang pangalan!" Ani niya at tumilitili.

"Meron pa. Si Shawn." Ngisi ko. Nanlaki naman ang mga mata niya. "Shawn Mendoza, ang ho-hot kaya nila sa kanilang mga D.P as in sobrang gwapo lalo na si Miko. Shet lang." Ani ko at tumili.

Nag tilian kami nang sinearch niya ang pangaln nito sa facebook. May libreng wifi dito sa University kaya nakaka pag social media din kami.

Pag ka search niya sa mga crush niya sa Twisters Elite ay sinave niya agad ang picture nito. "Ang gwapo!" Sigaw niya. Sinibukan niya ring i-add ang friend request ito, pero bawal na din. "Ang gara naman." Ani niya at ngumuso. I feel you Maiks.

Dumating na ang aming teacher at agad nag turo.

"So in that case kailangan natin nang extra point dito sa ratio na ito." Ani ni Ma'am Mendez at may nilagay doon sa white board namin na point, point. Ngumuso na lamang ako at hindi nakinig. Hindi ko naman ma gets iyang ratio ratio na 'yan.

Gumala ang paningin ko sa bintana at laking gulat ko nang nakita sila Miko na nag tatawanan kasama sila Sean padako sa ibang room. "Oh my God." Bulong ko. Kita kita dito ang kanyang mapuputing ngipin at ang nakakabighani niyang halakhak.

Fight for Nothing #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon