Fight 12 Trap Queen

313 15 0
                                    



"Pagkatapos talaga nang performance nila ay kukunin ko iyong life sized picture nila Shawn at Rafael!" Bulong niya saakin.

"You're too selfish. Pano sila Kara?" Ani ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya. "Ay ewan. Basta. Bato-bato-pick na lang kami mamaya." Ngisi niya saakin.

Umiling ako. Kanina pa kami hindi mapakali ni Maika rito at pakiramdam ko pati na rin ang mga kaklase ko. Nanatili pa rin kami sa room namin habang nag susulat si Ma'am Ebba sa kanyang lesson planned.

Kakatapos niya lang magsulat sa white board. Malaki ang nagsasabi sa utak ko na pati ang mga kaklase ko ay hindi na rin nag susulat. Kanina ko pa naririnig ang mga hindi mapakaling upuan sa likuran ko.

"Bwiset naman! Kung kailan may event. Doon mag papa lesson!" Singhal ni Kim, sa likuran ko.

"Nakakairita talaga ang mga ganito. Nakakainis!" Halos mangiyak ngiyak na sabi ni Alyssa na siyang katabi ni Kim.

Nag usap pa sila at halos marinig na ni Ma'am ang kanilang pinag uusapan. Well.. you can't control your anger lalo na't kung inis na inis ka na.

Kanina pa nga naka kunot ang noo ko rito at gustong gusto ko na lumabas sa room na ito! Wala namang ginagawa ang teacher dahil puro lamang ito sulat nang sukat pagkatapos ay u-upo.

Tumaray ako nang nakita ko si Maika na kanina pa nag kakamot sa leeg. Bagot rin talaga siguro ang isang 'to.

"Wala naman tayong ginagawa. Puro sulat lang. Ano jetlag lang tayo dito?" Di makapaniwalang tanong niya.

Bumuntong hininga ako. "Ewan ko nga. Nakakainis." Ani ko tinap ang ballpen sa aking arm chair.

Narinig kong may sumi-sitsit galing sa labas. Tumingin ako sa bintana at nakita ko sila Rielle, Kara, Irene, Alliyah at Keisha na sumesenyas saamin.

Kinalabit ko si Maika at agad tinuro sila Rielle. Pinapalapit nila kami doon sa pwesto nila. Ngumiwi akong tumingin kay Maika.

"Mga pipi ang peg!" Natatawang sabi niya rito.

Tumawa ako. "Pipi version 2.0. Eme!"

Humalhak din siya. "Taray havey na!" Palakpak niya nang mahina.

Tumaray ako na nakangisi sabay flinip ang buhok. Agad niya naman akong sinabunutan at pinalapit sa kanya.

"Let's cut. Tara." Aniya at hinila ako sa upuan niya.

Nanlaki ang mata ko. "Ngayon na?"

Agad namang sumimangot ang mukha niya. "Next week. Next week tayo mag cu-cut." Taray niya sakin. "Ngayon nga. Tara dali!" Aniya.

"Baka mahuli tayo?" Tanong ko.

Mag cu-cut kami? Akala ko ditch lang. Paano kami makakalabas nito kung may teacher pa? Hindi ako marunong sa mga ganitong pag pa-plano.

"Trust me. Nung elementary ko pa 'to ginagawa. Let's go." Ngisi niya saakin.

Huminga ako nang malalim. Matagal niya nang kinukwento saakin na minsan na siyang nag cut oh nag ditch sa isang klase. Pero ako ang nagagawa ko lang ay mag ditch. Natatakot akong mag cut dahil baka sakali ay mahuli ako.

"Maiks.." Iling ko.

"Hoy ano? Huwag mong sabihin na aayaw ka pa dito. Gail, yung idol natin ang mag pi-perform mamaya. Aayaw ka pa?"

Pumikit ako. "Pero kasi hindi ako sanay. Paano pag nahuli tayo ni Ma'am? Chuvalu na?"

Tumikhim siya. "Edi ako na lang." Aniya at tumingin kila Rielle na naghihintay saamin. Nag senyas ito sa kanila na maghintay sila.

Fight for Nothing #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon