Fight 8 Whistle

382 15 1
                                    



Huminto siya sa pag sasayaw nang nakita niya kami. Siya palang ang tao roon sa kanilang classroom. Pinatay niya ang tugtog sa kanyang cellphone at lumapit samin. Naka tee shirt siya na kulay blue at may stripes na yellow. Naka jean pants na kulay gray at naka sneakers.

Ngumiti naman agad ako. "Hi Miko! Magandang umaga." Sabi ko nang nakalapit na siya samin.

Nakita kong nagtaka naman si Maika sa inasta ko pero binaliwala ko iyon nang magsalita si Miko.

"Yeah. Where have you been, dude?" Aniya kay Rafael at parang binalewala ang sinabi ko.

Napawi ang ngiti ko sa malamig niyang tugon. Nagsalita naman si Rafael.

"Those girls are absolutely killing me. Hanep ang takbo nila." Aniya at suminghap sabay pinunasan ang pawis.

"May utang ka ata sa kanila." Ngisi ni Maika rito.

"Wow, girl. This fucking face of mine mapag hahalataang nangungutang? Baka nga sila pa ang may utang sakin." Pag yayabang ni Rafael at tumawa.

"Ang hangin. Grabe!" Parinig ni Maika rito. Inismiran lang siya nito ni Rafael.

"Yeah, do you want a heat atmosphere right here?" Ngisi ni Rafael kay Maika. Agad namang nagulat si Maika at napaiwas nang tingin. Humalakhak na lamang si Rafael at umiling iling.

"You're just a playboy Rafael, mean it." Pang aasar din ni Miko dito.

"Shut it, dude." Singhal sa kanya ni Rafael. Humalakhak na lamang si Miko. "Oh, kamusta yung steps mo? Okay na ba?" Ani sa kanya ni Rafael.

"Yeah. A little bit pretty." Ani ni Miko at ginulo ang buhok.

"A little bit? Bakit di pa ba tapos?" Kunot noong tanong ni Rafael.

"Its done. But my steps are not yet. Nakukulangan ako." Nguso ni Miko. Napatitig naman agad ako doon at napangiti.

"Alright. I'll help you then." Buntong hininga ni Rafael.

Siguro hindi pa sila tapos sa step or sa rehearsal nila. Malapit na kasi iyon. Malapit na ang Friday.

"No thanks, I know tinikling nanaman ang ituturo mo sakin. Fuck you." Mura ni Miko rito. Ngumisi ako sa asaran nila.

Gusto ko silang tulungan pero wala naman akong alam sa pagsasayaw. Buti sana kung folk dance pa 'yan. Sana lang may maitulong ako. Tumingin ako kay Miko at pinapagpag ang kanyang tee shirt dahil sa kainitan. Pawis na pawis pa ito.

Agad kong kinuha ang panyo ko at inabot sa kanya. "Ah, Miko oh." Ani ko habang nakalahad ang palad sa kanya.

Hindi niya tinignan iyon dahil abala siya sa pag papagpag nang kanyang damit. "Keep that." Malamig niyang sambit saakin.

"Sige na. Pawis na pawis ka baka mag ka ubo ka pa." Inabot ko ulit sa kanya ang panyo.

Tumingin siya sakin nang matalim. "Do you think I need that?"

Agad naman akong kinabahan. "Oo, kasi naman basang basa ka na nang pawis. Kaya eto na--"

"I have many more handkerchief out there. I don't need that thing of yours." Aniya at pumasok sa room nila.

Tumikhim ako at tumango tango. Tinago ko naman ang panyo saking bulsa at tumingin sa kanya habang nakaupo na sa kanyang upuan. Bigla namang nagsalita si Rafael.

"Pag pasensyahan mo na yun ah? Laging kasing may dalaw." Aniya.

"Okay lang. Baka hindi lang siya tumatanggap nang bagay sa ibang tao." Ngiti ko.

Fight for Nothing #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon