Hala nahulog-log-log!

148 7 0
                                    

"Oyy Summer Ellice Marquez, laway mo tutulo na." bulong ni Monique sa kanya.

Si Monique Alonzo ay ang bestfriend nya since fetus until now na second year college na sila, kaya naman kilalang-kilala na nila ang isa't-isa. Ito din ang palagi nyang kasama sa tuwing ini-instalk nya si Ruru Ezekiel Fernandez.

Si Ruru ay isa sa mga photojounalist ng kanilang campus. Kaya naman, palaging may nakasabit na camera sa leeg nito. At tulad nila, isa din ito sa mga student ng college of teacher's education. Pero ahead ito sa kanila ng isang taon. At General Science ang major nito, habang English naman ang sa kanila ni Monique.

Agad nyang pinunasan ang gilid ng labi nya sa pag-aakalang meron ngang laway. Pero ampottss!! wala naman. Kaasar talaga ang babaeng to. Kung hindi ko lang to kaibigan baka naibitin ko na to patiwarik.

"Wala naman, Baliw ka talagang babae ka". sigaw ko.

Pano ba kasi, inabala lang nito ang pag-silay ko sa aking boyfie. Charott! Hahaha. Ako lang naman ang nakakaalam na boyfriend ko sya, pag nalaman nya, edi break na kami.

"Ikaw kaya ang baliw, kanina ka pang nakatanga dyan kay Ruru. Halos matunaw na yung tao" sagot nito.

Totoo naman ang sinasabi nito. Dumaan kasi sa corridor si Ruru, at kitang-kita ng dalawang mata nya ang kagwapuhan nito. Busy ito sa pagkuha ng litrato sa may campus garden.

Naalala nya tuloy yung araw kung kelan nagsimula ang feelings nya dito.

________

Mabilis ang takbo ko, pano ba naman kasi, kami na ang sunod na magpe-perform. Education day ngayon, kaya naman lahat ng Major ay may kanya-kanyang pakulo. Kung bakit kasi na-late ako ng gising. Shette lang, hindi pa man kami nakakapag-sayaw e pawis na agad ako.

"Oyy best, dalian mo. Punta ka na sa pwesto mo. Tayo na ang sunod" sigaw sa kanya ni Monique.

Nasa backstage kami at mukhang kelangan na naming lumabas. Sumunod ako sa mga kagrupo ko, mahigit kaming 15 at lahat kami ay babae. Ng makapwesto na kami sa stage ay agad na nag-simula ang tugtog.

Medyo kinakabahan ako, pero dahil grade namin ang nakasalalay dito ay dedma na lang. Keber naman e, tuloy lang ang pagsasayaw ko. Saka kelangang Major namin ang manalo, sayang naman ang incentives no.

Nasa bandang likod ako kaya hindi ako pansin ng mga manunuod. Tumingin ako sa paligid, at biglang tumigil ang paningin ko sa lalaking may hawak ng camera.

Ewan ko ba, pero parang biglang nahulog yung puso ko at nabago ang tugtog na sinasayaw namin.

Hala nahulog-log-log-log-log-log-log-log-log-log

Bigla akong natawa sa naisip ko, kaya naman nalito ako at namali ang step ko. Grabeeee. Nakakahiya.

Alam kong walang nakapansin nun, maliban dun sa lalaking nakangiti na ngayon at may hawak na camera na nakatutok sakin. Gravittttyy.!

"HOOYY! Talagang malala ka na best, pagamot ka na uy." putol ni Monique sa pagkatulala ko.

"Nukaba, epal ka tala e nu?" nakanguso nyang tanong.

"Sus, e hindi ka naman pinapansin ni Ruru. Mas mapapansin pa nun yung batong buhay kesa sayo. Napansin ka lang nya noon, kasi namali mo yung step nung sayaw natin" kontra nito.

"Ansama mo talaga, kaasar!" naiinis nyang sagot.

"Nagsasabi lang ako ng totoo no?" paliwanag ng kaibigan.

Alam naman nya yun, halos magwa-one and half years na ang feelings nya dito. Pero hanggang ngayon, dedma pa rin. Ilang beses ko na bang sinubukang mag-move on, pero walleyy talaga e, makulit si Heart. Ayaw makisama.

"Wait, may naisip ako" agad nyang kinuha ang camera nya.

"Ano namang plano mo? Ibibigay mo sa kanya ang camera mo? E mas maganda pa yung came-----" pinutol nya na ang kung anu pa mang sasabihin nito.

"Grabe ka, makinig ka muna okay?" sagot nya.

"Okkaayyy" at tumahimik na ito.

"Ganito best, dahil 8 pa lang ng umaga at hanggang 7 PM pa tayo dito sa school. Naisip kong iins-talk sya." simula nya

"E araw-araw mo naman yung ginagawa a, anong bago dun?" nakakunot na ito.

"Eto ang camera ko, kunan mo sya ng litrato buong araw, habang ako, ita-try kong hindi sya pansinin" sagot nya ng nakangiti.

"Ha? bakit ako? Akala ko ba ikaw ang mang-iinstalk?" tanong ni Monique.

"Camera ko naman to, so pag napuno mo na to ng pictures nya, saka ko yun titingnan. Saka susubukan ko na din na wag syang sundan at tingnan. First step to move-on, diba?" malungkot nyang paliwanag.

"Naku best, bakit kasi sya pa yung nagustuhan mo? Andami mo namang manliligaw. Kung hindi lang kita mahal, di ko to gagawen. Akina nga yang camera mo" kinuha na nito sa kanya ang camera.

"Bukas ko na lang kukunin sayo yan ha, punuin mo ng pictures nya saka video" nakatawa nyang hiling.

"Oo na, e bakit bukas pa? sabay naman tayong uuwe a" tanong nito.

"Basta, saka pag nag-kita tayo mamaya, wag ka na munang magkwento tungkol sa kanya. Kunyare hindi ko sya kilala" halata ang lungkot sa boses nya.

"O sige, basta sure kang last na to ha? After this, move on na ha." halata ang awa nito sa kaibigan.

"Promise, saka mukhang hopeless na talaga ko e" tawa na lang nya para naman maiba ang aura ng paligid.

"Sige, sisimulan ko na to, para matapos na. Sigurado kang kaya mo syang tiisin?" inayos na nito ang bag at tumayo na.

"I'll try" simple nya sagot.

Tumayo na sya at pumuntang canteen. Ikakain na lang nya ang lungkot na nararamdaman. Talagang wala na syang pag-asa kay Ruru. Shettee talaga o!!

Mr. Photographer (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon