Stolen

78 3 0
                                        

"Best, tara na!" yun agad ang bungad ni Monique pag-kapasok nya sa kwarto ko.

"Grabe best ha, Good Morning din." sagot ko dito habang isunusuot yung I.D. ko.

"Excited na kasi ako e". nakangiti nitong sagot.

"Halata nga. Tss. Tara na nga". kinuha ko na ang gamit ko, then lumabas na kami ng kwarto ko.

"Tita, alis na po kami ni Summer". paalam ni best kay mama.

"O sya sige, ingat kayo ha. Summer, yung baon mo baka maiwan mo na naman". pahabol ni mama.

"Nasa wallet ko na Ma, alis na kami". paglabas namin ay saktong may dadaang taxi kaya pinara na namin.

Tahimik lang kami sa byahe, pero parang natatae na naman tong si best.

"Oyy, problema mo? Parang sinusundot ng bulate yang pwet mo." bulong ko sa kanya. Syempre naman, baka marinig ni Manong driver e.

"E kinakabahan na naeexcite ako e". abot tenga ang ngiti nito.

"Bakit? Sasagutin mo na ba si Jacob?" tukoy ko dun sa manliligaw nya for almost 1 year. Gwapo, mayaman saka mabait yun, pero ewan ko kay best kung bakit hanggang ngayon e di nya pa din sinasagot.

"Wala ka pa din lovelife e, pero best, malapit ko nang sagutin si Jacob. Syempre no, mahirap na, baka bigla yung mauntog at magising sa pagkahumaling sakin." tumatawa nitong sagot.

"Baliw ka talaga. Yung camera ko pala. Akin na". itinapat ko sa mukha nya yung kamay ko.

"H-ha? A-ano, mamaya na. Madami kasi akong selfie dun, papasa ko muna sakin". sabay iling pa nito.

"Okay, i-erase mo agad yung mga selfie mo ha. Nakakaumay pa naman yung mga pose mo." biro ko kay best.

"Oyy, ano ka? Magaganda kaya yung selfie ko". nakanguso nitong sagot.

Maganda naman talaga ito. Photogenic pa. Kaya nga sila mag-bestfriend e, pareho kami ng genes. Hahahahaha.

"Para na po Manong!" nagulat naman ako sa pag-sigaw ni best.

"Grabe ka Monique, sakit mo sa tenga". reklamo ko.

"Dalian mo na best, siguradong  ikaw na yung masakit sa tenga mamaya". nakangiti nitong sagot.

Hayy, ewan ko dito kay best. Ang weird nya ha. Epekto siguro to ni Jacob. Pero masaya ako para kay best, atleast isa samin yung may lovelife. Okay na ko dun.

Bigla ko na naman syang naalala. Yung lalaking kakambal na yata yung camera nya.

Sa lalim ng iniisip ko, di ko namalayan na wala na kong kasabay sa pag-lalakad. Grabe si best, iniwan ako dito sa labas ng gate.

Sarado yung malaking gate, siguro dahil maaga pa, pero san dumaan si best?

Di naman pala naka-lock. Shette. Naloko ako dun a. Nakangiti pa ko ng binuksan ko yun.

Pag-pasok ko sa loob, agad kong napansin yung mga pictures na nakapaskil sa guard house, light stand, benches, mga puno, at mga pwedeng kapitan na malapit dito sa may entrance.

"Panong....." di ko matapos-tapos yung sasabihin ko.

Walang katao-tao. Kahit si Manong guard na palaging nandito sa gate wala. Ako lang saka tong mga pictures ko ang nandito.

Oo. Pictures ko nga. Mga stolen pictures ko. Nang-iinstak ako, pero di ko alam na may nang-iinstalk din sakin. Gravittty!

Napatingin ako dun sa may puno ng acasia, eto yung puno na malapit sa school garden. Linapitan ko yun para tingnan yung mga pictures na nakakapit.

Madaming pictures yun, naka-arrange ang mga yun in a heart shape.

Shetttt na malangketttt.

Mga stolen pictures ko to kahapon. Simula nung umaga hanggang dun sa pag-sakay namin ni best ng taxi nung pauwe na kami.

Meron nung nasa garden ako at hawak ko yung cellphone ko, nung kumakain ako sa canteen, nung nasa gym ako, nung nag-kaklase kami ng Math at yung natutulog ako sa library habang may nakasalpak na headset sa tenga ko. At meron din nung nasa music room ako.

Pero ang ikinagulat ko e yung picture na nasa gitna nung mga ini-arrange.

Picture ko sya pero halatang di talaga ako ang kinukunan. Its obvious na nahagip lang ako.

Di ako sure pero mukhang ito yung first day of school nung first year ako e. Papasok ako dito sa gate, tumatakbo pa ko dito kasi baka malate ako sa first period namin. Syempre first day, hahanapin ko pa yung classroom ko, dapat di ako ma-late.

Letche Flan naman o. Magtatapos na yung school year ngayon, two weeks na lang at bakasyon na. So meaning, Halos two years nya na kong iniinstalk. Mas matagal pa kesa sa pang-iinstalk ko kay Ruru. Nung second sem ko as freshmen, dun ko lang naman sinimulan iinstalk si Ruru.

Napansin ko yung camera ko na nakapatong dun sa bench. Pano to napunta dito? Asan si Best?

Tumingin ako sa paligid pero wala talagang tao, kahit isa.

Kinuha ko yung camera at tiningnan yung mga pictures don.

"My god! Is it real?". napaupo ako sa bench. Anlakas ng tibok ng puso ko, pano yun nang-yari?

Di ko alam kung anong dapat kong ma-feel. Hala. Baka naman edit lang yun ni best. Pero di yun gagawin ni Monique e.

Yung mga pictures na laman ng camera ko, puro si Ruru hawak yung camera nya habang nakatapat sakin.

Kahapon lang to a. Kaya ba palagi kong nakikita si Ruru kahapon kahit san ako mag-punta. Pano? Bakit?

Oo, ang assuming pakinggan. Pero yun talaga yung nasa pictures. Lahat ng kuha ni best, ganun. Puro si Ruru na may hawak ng camera na nakatapat sakin. Meron nung sa canteen, garden, gym at yung sa library.

Bakit? Anong ibig sabihin nun? May video din na naka-save sa camera ko, kaya ni-play ko na lang.

Tahimik ko lang yung pinanood. Di ko magawang kumurap, parang di ma-absorb ng utak ko yung napapanood ko. Pero yung Puso ko, parang lalabas na sa rib cage ko dahil sa lakas ng tibok.

Tulala lang ako nung matapos yung video. Hawak ko pa din yung camera. Di ko alam kung tatawa ba ko o maiiyak. Grabe talaga. Di ko to inaasahan.

Totoo ba yon? Bakit di ko napansin?

Tumingin ako bigla sa gilid ng may marinig ako.

Click!

Agad akong natulala sa taong nasa harap ko. My God! Hawak nya na naman yung camera nya na ngayon ay nakatutok sakin.

"Elice". tawag nya sa pangalan ko.

"R-ruru". grabe lord, pwedeng sumigaw?!.

Mr. Photographer (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon