"Bro!" mahinang tapik ni Calvin sa balikat ko.
Kasama nito ang girlfriend at yung iba naming kaklase.
"Tulala na nman yan kay Summer o". pang-aasar ni Francez sabay upo sa tabi nya.
"Torpe talaga tong si pinsan e, hindi nagmana sakin". pang-aasar din ni Calvin.
Nagtawanan naman ang mga kasama nila sa table.
Kanina pa sya dito sa cafeteria. Mag-isa lang sya dito sa table, pero mukhang manggugulo ang mga to.
Wala naman syang balak kumain, pagmasdan palang si Elice, busog na sya.
Ang bakla lang pakinggan. Pag inlove, nagiging corny talaga.
"Abnoy ka talaga Kups, saksakan ka rin naman ng torpe e". parinig ni Francez.
"Oyy pare, torpe ka daw o". biro nung isa naming kaklase kay Calvin.
Nagtawanan na naman sila. Di ko na lang pinansin at agad na binalingan ang katabi ko.
"Dun ka nga sa tabi ng boyfriend mo". taboy ko kay Francez.
"Wag ka ngang maingay, baka may makarinig sayo". sabay mahinang batok nito sa kanya.
Tumawa lang sya at muling tumingin kin Elice.
"Baka matunaw na si Summer ha". hampas nito sa kanya sabay tawa.
"Ang ingay mo talaga". ang gulo naman kasi ng babaeng to.
"Tumingin sya dito, baka nag-seselos". bulong nito sa kanya.
Si Elice? Tumingin? Imposible. Ang magselos pa kaya. Tss.
Natawa na lang ulit sya at muling tumingin kay Elice.
Naglalakad na ito palabas ng cafeteria kaya agad na syang tumayo.
"Dalian mo pinsan, baka di mo maabutan si Ms. Manhid". pahabol na sigaw ni Calvin.
Loko talaga ang lalaking yun. Natawa na lang sya at lumabas na ng cafeteria.
Sinundan nya si Elice at nakita nyang palihim itong pumasok ng Music room.
Tumingin sya sa corridor, baka mamaya ay may ibang estudyante.
Alam nya kasi ang balak gawin ni Elice sa loob. Ilang beses na ba nya ito pinanood habang tumutugtog ng piano? Maraming beses na din, at lahat yun ay palihim lang.
Ayaw ni Elice na may nanunood dito habang tumutugtog.
Nag-hintay muna ako ng ilang minuto bago buksan ang pinto at silipin sya sa loob.
Dahan-dahan kong tinulak ang pinto at narinig ko agad ang malungkot na tugtog ng piano.
Kinuhanan ko ulit sya habang tumutugtog.
Natigil lang ako sa pagkuha sa kanya ng picture ng makita ko ang luhang tumutulo mula sa mga mata nya.
Patuloy lang sya sa pagtugtog at hindi nag-abalang punasan ang mga luha nya.
Bakit sya umiiyak?
At bakit ako nasasaktan?
May mahal na ba sya?
Kung sino man ang lalaking yun, Gago sya!
Bakit nya hinahayaang masaktan at umiyak si Elice.
Masakit isiping may mahal na syang iba. Pero mas masakit na makitang syang nasasaktan at umiiyak.
Di ko kayang makita syang ganito. Mas gusto kong makita ang nakangiti at masayang si Elice.
Bigla kong naisara ng malakas ang pinto kaya agad itong kumalabog.
BINABASA MO ANG
Mr. Photographer (Complete)
Rastgele"There's a lot of photographer in this world, but you're the only one who captured my Heart."