Lunch break na namin ni Monique at andito kami ngayon sa may cafeteria. Tapos nang kumain si best habang ako e wala pang kalahati ang nakakain.
"Summer, iwan na kita dito. Hahanapin ko pa ung Mr. Photographer mo. I'll continue my assignment". paalam nito habang inihahanda na yung camera nya.
"Okay best, thanks again. Alam ko namang napipilitan ka lang sa pag-sunod-sunod sa kanya e". sagot ko habang pinag-papatuloy ang pag-kain.
"Naku best, buti alam mo no. Pero nag-eenjoy na talaga ko sa ginagawa kong to. Dapat pla matagal ko na tong ginawa" tumatawa nitong sagot.
"Sus, nag-eenjoy ka lang kamo kasi nakikita mo kong umiiwas sa kanya. Diba dati mo pang gusto na gawin ko yun" nakanguso nyang sagot.
"Dati yun, di na ngayon. Hahahah. Bye best, see you later." sabay labas nito sa cafeteria.
"Baliw talaga yun." ipinag-patuloy ko na lang ang pag-kain ko.
Bigla kong nalunok ang leche flan na nasa bibig ko, ng bigla ko syang nakita sa loob ng cafeteria. Buti na lang malambot yun, kung hindi paniguradong mabubulunan ako.
May kasama sya sa table, 3 lalaki at 2 babae. Mga kaklase nya yun, yung isa sa mga babae ay si Francez Sy. Yun ang chairman ng klase nila, bukod dun, kabilang din ito sa mga photo journalist ng school nila. Kaya madalas na mag-kasama ang dalawa. Madalas nyang marinig na madaming nag-sasabi na bagay ang dalawa. Yun din ang isa sa mga dahilan kung bakit gustong-gusto ni best na mag-move on na sya. Baka daw kasi, may gusto talaga si Ruru sa babaeng yun kaya di nya ko mapansin.
Nakita nya ng tumawa si Francez at hinampas ng mahina si Ruru sa balikat. Lumapit pa ito sa lalaki at may binulong, napangiti naman si Ruru sa kung anumang binulong ni Francez.
"Lechuggaass naman o. Bakit parang pumaet ang leche flan na kinakan ko". parang may maliliit na karayom na tumutusok sa dibdib ko.
Ansakettt. Grabeee.
Agad akong tumayo kahit di ko pa tapos ang pagkain. Bigla akong nawalan ng gana sa nakita ko. Oo, nag-mumove on na ko, pero di ko naman mapipigilan yung selos ko.
Lumabas na ko ng cafeteria at dumiretso agad sa music room. Dahil lunch break, walang tao sa loob kaya pumasok na lang sya.
Tuwing sobrang saya nya o sobrang lungkot, isa lang ang ginagawa nya.
Umupo ako sa harap ng malaking piano. Agad na gumalaw ang mga daliri ko, at sunod-sunod na pumindot sa mga tiles.
Bata pa lang ako ay mahilig na talaga akong tumugtog ng piano. Pero di ko ugaling tumugtog sa harap ng madaming tao. Tanging ang pamilya ko lang at si best ang nakakaalam na magaling ako sa larangang ito.
Tanging ang malungkot na tunog ng piano ang maririnig sa music room.
Di nya namalayan na tumutulo na pala ang kanyang luha. Damang-dama sa kanyang tinutugtog ang lungkot.
Bakit kasi sya pa? yun ang madalas kong itanong sa sarili ko, pero di ko magawang sagutin. Oo, totoong nakakapagod ang umasa, pero yun na nga lang ang pwede kong gawin diba? Pero, ayoko na. Di ko na kaya. Siguro, this is the right time to stop. Kahit mahirap.
Bigla kong pinahid ang luha ko ng marinig ang biglang pagsara ng pinto.
Nag-sara? sinara ko yun kanina pag-pasok ko, kaya imposibleng mag-sara yun ulit?
Agad akong kinilabutan kaya tumayo na ako at agad na lumabas.
Nakayuko ako habang nag-lalakad dahil sa mugto kong mata, kaya di ko nakita ang kasalubong ko na abala naman sa pag-tingin sa camera nya.
BINABASA MO ANG
Mr. Photographer (Complete)
Random"There's a lot of photographer in this world, but you're the only one who captured my Heart."