#MOVE ON

84 4 0
                                    

Naglalakad ako ngayon sa school ground. Katatapos ko lang kasing mag-breakfast sa cafeteria kaya kelangan ko munang mag-tunaw ng kinain ko.

Wala naman kasi kaming klase, ewan ko ba sa mga professor na yan, mga hindi uma-attend. Tapos pag yung mga estudyante nila yung di umattend sa klase, drop agad. Grabe lang, asan dun yung hustisya?

"Asan na kaya si Best? Paniguradong busy na yun sa pinapagawa ko."

Nakakatawa talaga yung ideya ko na yun. Hindi ko alam kung bakit yun ang pumasok sa isip ko e, pero atleast pinagbigyan ako ni best sa hiling ko. Alam ko naman na gusto lang ni Monique na sumaya ako, kaya naman susundin ko na ang matagal nya ng sinasabi. Its time to move on.

Habang nag-lalakad ay nakita ko si Ruru. Nakasabit na naman sa leeg nito ang camera, agad na bumilis ang tibok ng puso ko. Shockks naman o! Nagmu-move on na ko e, bakit nag-pakita pa sya.

"Kalma lang Summer, wala kang nakita. Okay? Lakad lang at wag kang titingin sa kanya." bulong ko sa sarili ko.

Binilisan ko ang lakad at dire-diretso akong nagpunta sa school garden.

Umupo ako sa may bench at nilabas ang cellphone ko. Naglaro na lang ako dun ng color switch. Nalibang naman ako at di ko na namalayan ang oras. Halos isang oras na ko sa pagkakalikot sa cellphone ko. Nag-open na ko ng FB, Twitter, at IG ko. At puro may #MOVE ON ang mga post ko. Wala e, ganun talaga. Kelangan ko ng gumising sa pangangarap na sya ang magiging first boyfriend ko. Oo na, wala pa kong nagiging boyfriend. E kasi nga, hinihintay ko pa si Mr. Photographer. Pero imposible talaga e.

Agad kong nilagay ang cp ko sa bag ng may marinig akong kakaibang ingay. Dun ata nang-gagaling sa likod ng makakapal na halaman. Lumapit ako ng dahan-dahan, kaya naging malinaw na sa pandinig ko ang ingay.

O with the M with the G! Ampottss naman, rated SPG na ittuuu.

Agad akong umatras at umalis na don. Mahirap na, baka mapagkamalan pa kong naninilip no. Shemmay langss.

Di ko alam kung anong ire-react ko dun. Mandidiri ba ko o magugulat? Pero di ko talaga mapigilang matawa. Graviiittyy!

Pero bigla akong natigilan sa pagtawa dahil sa taong nahagip ng paningin ko. Nakaupo sya sa bench na nasa ilalim ng puno ng acasia. Bakit hindi ko sya napansin kanina, kitang-kita ang pwesto nya kung nasa garden ka.

Pero mabuti na yun, atleast di ko na sya natitigan. Kasi for sure, kung alam kong nandun sya kanina, paniguradong di ko matitiis na di sya sulyapan. Dala nya na naman ang camera nya.

Agad na kong nag-lakad papuntang gym. Balak kong manood ng training ng Basketball. Madaming gwapong member ng varsity, malay natin may macrush-an ako. Edi babye na kay Mr. Photographer. Hahahaha.

Pumasok ako sa gym at umupo sa bench na nasa gilid. Nagsisimula na ang training ng mga varsity. Mga nakahiga ang mga player, tapos papatalbugin yung bola sa mga tyan nila. Masakit yun panigurado, pero mukhang may mga abs ang mga yun kaya di nila yun iniinda. Meron din naman na mukhang pinaparusahan ng coach nila. Nakadapa ito at nasa likod ang magkadaop na kamay. May piso na nakalapag at hinihipan nya ito para madala nya sa kabilang side. Grabe naman yun!

Biglang nagvibrate ang cellphone nya, nagtext pla si Monique.

-------------

From: Best <3
oyy babae, lbas ka na ng gym. Punta kna sa rum 303. May klase na tau.

To: Best <3
Okk.. panu mu nlaman na andi2 ko sa gym?

From: Best <3
diba dakilang stalker ako ni Ruru.

-------------

"Kung andito si Monique, siguradong andito din si Ruru." agad syang tumingin sa paligid.

At binggo, andun nga ito sa kabilang side ng court. Nakatungo ito at mukhang chine-check ang camera nya.

Bakit ganon? Kanina nya pa ito nakikita, sinusundan nya ba ko?

"Gaga ka talaga Summer! Wag ka ngang assuming." bulong nya sa sarili.

Nagugulat lang siguro sya na basta na lang to sumusulpot sa paligid, dati kasi, talagang sinusundan nya pa to kahit san pumunta.

Lumabas na sya sa gym, at nakita si Monique na nag-hihintay sa labas.

"Grabe best, di ako sanay na di ka kasama sa pang-iinstalk kay Ruru". reklamo nito.

"Oyy, wag ka ngang maingay. Baka may makarinig sayo" agad nyang tinakpan ang bibig nito.

"Nukaba, madami na kayang nakakaalam na may gusto ka dun. Si Ruru na lang ata ang clueless" tumatawa na ito.

"Kahit na, baka mamaya si Ruru na mismo ang makarinig no". paliwanag nya.

"Oo nga no. Palagi pa naman yung sumusulpot kung nasaan ka." para bang may alam ito na hindi nya alam.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong nya.

"Wala naman, mahilig lang talagang kumuha si Ruru ng larawan sa magandang view." sagot nito na nakatingin na kay Ruru na palabas na ng gym.

"Tara na sa room, sabay na din tayong mag-lunch mamaya." hila nya na dito.

"Okay best, di mo ba titingnan yung mga kuha kong picture?" tanong nito habang nag-lalakad sila.

"Di na, bukas na lang. Saka, wag na muna nating pag-usapan si Ruru. Act as if we don't know him." matamlay nyang sabi.

"Okay best" nakangiti ito ng abot tenga.

Siguro masaya lang to dahil sa wakas, tinanggihan nya nang pag-usapan si Ruru. Dati kasi, halos ito na ang bukambibig nya.

Pag-dating sa room ay agad na kaming umupo sa pwesto namin. Katabi ng bintana ang upuan ko, kaya kitang-kita ko ang soccer field.

Agad kaming tumayo at bumati ng dumating na si Mrs. Ramos, professor nila sa Math. Nang maka-upo ay agad nang nag-attendance si Ma'am. Pagkatapos nun ay nag-simula na ang klase.

Dahil talagang betlog ako sa Math, di na ko nag-abalang makinig. Kahit naman anong gawin ko, di ko talaga magets ang mga formula. Di ko nga maintindihan kung bakit ginagawa pang komplikado ang subject na yun, diba ang mahalaga lang naman ay marunong ang mga estudyante na mag-addition, multiplication, subtraction at division.

Di kasi ako tulad ni Monique na biniyayaan ng katalinuhan sa Math. Tiningnan nya ito sa tabi nya at talaga namang seryosong-seryoso ito sa pakikinig sa prof.

Nag-drawing na lang ako ng kung anu-ano sa likod ng notebook ko. Para naman mukhang nagso-solve din ako. Hahahaha.

Pero shettee langss. Pati ba naman kamay ko may sariling isip. Puro kasi Ruru ang nakasulat sa notebook nya.

Agad kong binitiwan ang ballpen ko at isinara ang notebook. Ampottss talaga!

Tumingin na lang sya sa white board, pero anak ng tokwa naman. Puro numero ang nakasulat, para tuloy akong nahilo.

Sumilip na lang sya sa bintana, at kung pinaglalaruan ka nga naman ng tadhana. Nasa may soccer field si Ruru at mukhang kumukuha na naman ng picture.

Sheettt na malagkettt talaga!.

"Ms. Marquez, what is the answer on number 3? It seems that you don't need me to teach you the formula." galit na tawag ni Ma'am Ramos.

"Oy best, tawag ka ni Ma'am. Tulala ka na naman dyan. Eto ang sagot." pasimple nitong inabot sa kanya ang papel na pinaglalagyan ng sagot.

Epal talaga tong si Ma'am o. Alam naman yang hirap ako sa Math, ako pa talaga ang tinawag.

Buti na lang at genius tong si Best, kung hindi bigti na ituuu. Hahahaha.

Pagkasagot ko ay agad na kong umupo at nakinig. Syempre no, mahirap na. Baka tawagin na naman ako ni Ma'am at ang masaklap e baka di na ko makalusot.

Nang mapatingin ako sa bintana ay nagulat pa ko ng makitang andun pa sya. Di ko alam kung malabo lang talaga ang paningin ko. Parang sakin sya nakatingin at andun na naman yung pamilyar na ngiti nya. Yung ngiti nya dati ng mahuli nya kong nagkamali ng step sa pag-sayaw.

What's the meaning of that?

Humarap na ulit sya sa unahan at di na muling tumungin pa sa soccer field.

Mr. Photographer (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon