"The Dancing Princess Meets the Singing Prince"
Starting :
Pilit kong ayaw tignan ang eksenang nakikita ko ngayon, subalit ayaw umalis ng paa ko sa kinatatayuan ko. Nakikita kong hinahalikan sa labi ang tinuring kong bestfriend ng lalaking taong mahal ko. Alam niyo naman siguro kung gaano yun kasakit diba? Parang isa-isang sinusunog ang puso at damdamin ko. Hindi ko inaasahan na mangyayari to sa akin.
"Queen, kanina pa kita hinahanap andito ka lang pala." bungad sa akin ng bestfriend kong si Lyza pero di ko magawang humarap sa kanya.
"Hoy, praktis na raw tayo." Aya niya sa akin sabay tapik sa likod ko at tumayo na. Siguro aalis na siya.
Lalakad na sana siya palayo sa akin pero natigilan siya ng mapansing hindi man lang ako gumagawa ng maliit na aksyon. Kaya humarap siya sa akin at umupo ulit sa tabi ko ngunit nakatalikod parin ako sa kanya dahil nahihiya akong ipakita ang pagmumukha ko ngayon at ayaw ko ring makita ang mala-ahas niyang mukha baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya.
Nagawa niyang hawakan ako ulit sa balikat ngunit naging dahilan ito upang hindi ko na mapigilan ang galit ko. Humarap ako sa kanya at nagawa ko siyang itulak. Halatang nagulat siya sa ginawa ko at hindi makapaniwala kahit ako rin ay hindi makapaniwala sa nagawa ko sa kanya. Hindi ko na kinaya ang makita ang mukha niya kaya napagdesisyunan kong umalis na mismo dun.
Walang ni-isang patak man lang ng luha ang dumaloy sa pisngi ko nung kaharap ko si Lyza pero ngayon ay parang nag-uunahan na ang kaliwa at kanan kong mata sa paglalabas ng mga luha.
BINABASA MO ANG
The Dancing Princess Meets His Singing Prince
Short StoryLove deals with the heart and soul. When the music heard by your heart, you can feel also the real love.