4

16 0 0
                                    

The Dancing Princess Meets the Singing Prince

Naglalakad kami ngayon sa daan na medyo madilim pero may mga street lights naman na nagsisilbing ilaw namin. Nasira kasi yung sasakyan ni King pero ginusto niya parin na ihatid ako sa bahay namin kahit maglalakad lang kami baka raw kasi may mga lalaking mang-ti-trip sa akin at konsensya niya pa raw kung may mangyari nga. Di naman ako nagpakipot ng sinabi niyang ihahatid niya parin ako.

"Nandoon pala ang room mo sa kabilang department kaya pala hindi kita makita. Matagal ka na ba diyan sa paaralan natin?" tanong ko sa kanya.

"Oo matagal na, kulang nalang nga ay bigyan ako ng loyalty award eh." sagot niya naman. Ang tagal niya na raw sa school pero bakit parang first time ko palang siyang nakita. Hindi siguro siya mahilig lumabas nun sa classroom niya.

Marami pa kaming pinagkuwentuhan ni King. Ang bibo niya palang kausap at mukhang nawala na ang hiyang naramdaman ko kanina. Nagawa ko naring ngumiti sa ngayon at ang mas ikinagulat kong isipin na parang nawala lahat ng sakit na naramdaman ko kahapon. He makes me smile the way I am looking in his eyes.

"So pano, una na ako?" tanong niya sa akin.

"Sigurado ka bang kaya mong mag-isang umuwi?"

"Oo naman, at tsaka tinawagan ko naman si Manong Bert para puntahan yung location kung saan nasira yung sasakyan. Doon nalang rin ako sasakay sa kanya." paliwanag niya naman.

"Ah mabuti naman. Sige mag-ingat ka." saad ko sa kanya.

"Walang problema yan. Malakas kaya ang muscles ko. Goodbye, Queen." nagawa niya pang magbiro. Aakmang lalakad na sana siya nang nagawa kong tawagin ang pangalan niya.

"King." napalingon siya. "Salamat." malapad ang ngiti sa mukha ko ng sinabi ko yan at nag-iwan rin siya ng napakagandang ngiti sa akin pagkatapos ay umalis na ng tuluyan.

Di ko na mabilang ang araw ng pagsasama namin ni King. Naging kaibigan ko na siya at naging karamay. Nagagawa ko nang magbiro sa kanya yung tipong komportable na kami sa isa't isa. He helps me to forget the pain, with that I am very thankful for him.

"Malapit na nating ma-perfect ang lahat ng sets. Ang saya sa pakiramdam nun kapag matapos na natin 'to. Diba King?"

"Oo, naman syempre." ganadong sagot niya.

"Salamat talaga  King." hinawakan ko ang kamay niya ng sinabi yun.

"Salamat? Para sa ano naman?" tanong niya sa akin.

"Alam mo bang ikaw ang naging dahilan kung bakit ngayon ay hindi nasira ang buhay ko?"

"Hindi ko maintindihan Queen." litong-litong sagot niya. Kung kanina ako ang may humawak sa kamay niya ngayon siya naman at hinigpitan niya ang paghawak nito.

"You are the reason behind this smile." nag-act naman ako na naka-smile din. "And you are the one who cures the pain in my heart." Nang sinabi ko yun ay nagawa kong ilagay ang kamay niya sa dibdib ko.

"You to me are eveything Queen." nagawa niyang yakapin ako ng sinabi niya yun. Iba ang naramdaman ko ngayon. Hindi ko namalayan na may luhang pumatak na pala sa pisngi ko.

"Thank you King." nasabi ko ulit yun.

Naikuwento ko sa kanya lahat kung ano nga ba ang nangyari at kung gaano nga ba kasakit sa akin yun. Natawa naman siya nung sinabi kong magpapakamatay sana ako sa paraang aakyat sa bubong namin at magpapahulog.

"Sigurado ka bang naisipan mo yun?" tawang-tawa na tanong niya sa akin pero ako mukhang naiinsulto na ako sa kanya.

"Ewan ko sa'yo. Halika kana nga uwi na tayo." aya ko sa kanya at tumayo na ako.

"Haha, hindi pag-usapan pa natin yun." insultong sambit niya.

Hindi ko na siya pinansin sa sinabi niya. Lumabas na ako mismo sa Room. Pero......nagulat ako sa nakita ko isang eksenang hindi ko talaga gusto. Ang lahat ng sakit na nakalimutan ko ay bumabalik ngayon dito sa puso ko. Ang kirot na hindi ko gusto. Sinasadya ba talaga ito ng tadhana sa akin? Akala ko tapos na at akala ko wala na akong pakialam sa kanila pero bakit nararamdaman ko ngayon ang naramdaman ko nung una kong makita na ang bestfriend ko ay hinahalikan ng taong mahal ko?

The Dancing Princess Meets His Singing PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon