Chapter 3

46 10 3
                                    

Alexandra's POV

Nagsimula na kameng maglakad ni Kiara pagkayari ng sinabe nya andun na kame sa parking ng school ng bigla nalang may sumigaw galing sa gawing likod namen.

"Kiara!" Sigaw ni..?

Lumingon kame sa likod at nakita namen si Kurt na tumatakbo habang hingal na hingal. Nagsimula na kameng maglakad ni Kiara ng mabilis. But. Its too late. Nahawakan na ni Kurt si Kiara kaya humarap si Kiara sakanya at tinitigan sa mata.

"Hurt. Im fvcking hurt. And dont act like you dont care. Because if you did. You wouldn't have done what you did" Sabe ni Kiara at tumalikod na.

She's tough but inside she's very fragile. Parehas talaga kame.

"She's hurt and that is because of you" Sabe ko sakanya at sinundan na si Kiara papunta sa kotse.

Pagkapasok namen ni Kiara sa kotse ay agad nyang sinabihan yung driver na bilisan ang pagdrive papunta sa bahay namen. Alam ko na iniisip nyan. Pagdating namen sa bahay tsaka yan mag iiyak iyak. Gagawin nya lahat ng makakaya nya basta mapigilan nya lang umiyak sa harap ng madami o ibang tao. Pero pag saken umiiyak naman sya. Pagkadating namen sa bahay ay agad na nya akong hinatak papunta sa kwarto ko at umupo sya sa kama ko at nagsimula ng umiyak.

"Ang saket! Ang saket saket! Na maloko at masaktan nanaman! Ano bang ginawa kong masama para lagi nalang ako lokohin?!" Sigaw nya habang patuloy pa din sa pag iyak

"Hey. Stop crying. He's not worth your tears okayy? Manloloko sya kaya dapat nde mo sya iniiyakan" Sabe ko sabay yakap sakanya.

"Hayaan mo. Ngayon lang to. Simula bukas? Nde na ako iiyak at gagawin ko yun hanggang sa makakaya ko. And magmomove on na din ako sakanya" Sabe nya sabay higa sa kama ko.

"Osya dito ka nalang matulog may gamit ka naman dito eh. Sa ngayon magshower ka na muna dun sa guest room na ginawa mong kwarto mo na. Haha" Sabe ko sakanya.

Natawa naman sya ng konti kahet papano tsaka tumayo na sa kama ko at lumabas na sa kwarto ko para magshower dun sa kabilang kwarto na sakto lang yung layo sa kwarto ko. Tawagan ko na nga lang si tita para masabe ko sakanilang dito na matutulog si Kiara.

Calling Tita Karlie...

Mga tatlong ring lang ay sinagot na din ni tita yung tawag.

"Ah. Tita? Dito na daw po matutulog si Kiara sa bahay" Sabe ko agad

"Ah sigee hija. Mag iingat kayo. May sasabihin ka pa ba hija?" Sagot naman nya

"Ah wala na po" Sabe ko naman

"Ibababa ko na yung tawag ah? May ginagawa pa kase ako dito eh" Sabe nya at binaba na nga yung tawag.

Pagkababa ni Tita nung tawag ay nagshower na din ako. Ng makatapos ako ay bumaba na ako at nakita ko na dun si Kiara kaya nagmeryenda na kame. Pagkayari magmeryenda ay napagdesisyunan namen ni Kiara na manuod ng movie. Pumayag na din ako para malibang libang na din tong si Kiara. Nakalimang movies ata kame bago kame nakapagpasya na matulog na. Pero syempre nagdinner muna kame. Tapos yun nga pagkadinner namen dumiretso na si Kiara sa guest room tapos ako naman dumiretso na din sa kwarto ko. Pero nde talaga ako mapakali. Sure naman kase akong nde pa matutulog yung si Kiara eh. Aish! Kaya naglakad ako papunta sa guest room hanggang sa makadating na ako sa tapat ng pinto ng makarinig ako ng mga hikbi na alam mong pinipigil. Hayyy ayokong ganito si Kiara. Ayokong magaya sya saken na nasasaktan. Pero kahet ganon magkaiba naman kame ng dahilan kung baket kame nasasaktan. Sya niloko. Ako iniwan pero alam ko babalik sya. Alam ko na babalikan pa nya ako. Naalala ko yung quote na nakaipit dun sa diary ko. Agad na tumakbo ako papunta sa kwarto ko at kumuha ng papel at nagsimula ng magsulat. Pagkayari ko ay tinupi ko yun tapos nagpunta na ako sa tapat ng guest room at inilusot yun sa ilalim. Kilala ko si Kiara pagka humihiga sya sa kama nakaharap sya sa pinto kaya sigurado ako na makikita nya to.

Kiara's POV

Kasalukuyan ako umiiyak ng may nakita nalang ako na papel na lumusot galing sa ilalim ng pintuan. Kaya agad akong tumayo sa kama at pinulot yun. Tapos bumalik na ulit ako sa kama tsaka umupo dun para basahin kung ano yung nasa papel.

"Huy! Insan? Wag mo kako iniiyakan yung manloloko na yun diba? Pero sigee ngayon papayagan kita na iyakan yun. Para naman mabawas bawasan yung saket jan sa puso mo kase alam ko din kung ano yung pakiramdam na saket na saket ka na pero pinipigilan naten umiyak dahil ayaw naten magmukhang mahina. You're tough but inside you're very fragile just like me right? Trust me. Malalampasan mo to kase pagsubok lang to ni God okayy? God has plan for us. Pinagbreak nya kayo? Kase siguro merong dadating na mas better para sayo. God heals the broken heart and binds up their wound"

Yan yung nakasulat sa papel na mas lalong nagpaiyak saken. Xandra really cares for me. Okayy lang sakanya na sya nalang yung maging malungkot wag lang kame na mga mahal nya. Hayss. Thank god kase nagkaroon ako ng pinsan na katulad nya :)

----------

Chapter 3 is done! Dont forget to vote ;)

He's backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon