Chapter 11

31 8 0
                                    

Alexandra's POV

Sya nga pala si Alfie Scott. Pinakilala sya saken ni Kiara nung 1st yr college kame dahil isa sya sa mga naging classmates namen. Last yr dun sya nag aral sa ibang bansa kase may inano sakanya yung daddy nya. Pero next yr dito na ulit sya. It means na dito sya gagraduate. Yung school kase namen meron din sa ibang bansa kaya ganon. Tapos don mas maaga natatapos yung school year kase mas maaga nagsisimula dun. Kaya ngayon andito na tong si Alfie. Naging close kame agad kase dati nakita nya ko na umiiyak tas ayun tinanong nya kung bakit tapos kinwento ko naman sakanya lahat yung nangyari tutal kaibigan naman na sya namen. Tsaka sabe naman ni Kiara mabait sya kaya pinagkatiwalaan ko naman sya. Tsaka nde naman masama siguro na ishare mo yung problema mo sa iba dahil nung nakwento ko sakanya ay gumaan kahet papano yung loob ko kahet na napakasakit ng nararamdaman ko nung araw na yun. Kaya sabe nya simula ng araw na yun ay nde na nya ko hahayaang umiyak ng umiyak at papagaanin nya yung loob ko at pasasayahin. Nagawa naman nya yun. Ang problema lang kapag nde ko na sya kasama bumabalik lahat. Naalala ko lahat. Lahat ng lahat ng nangyari saken, samen dalawa ni Zach. Kaya nahihirapan pa din ako. Pero nde ko na pinapakita pa sakanya yun. Dahil iisipin nga nya na nde pa din nya ko napapasaya. Na fake lang lahat ng tawa at ngiti na pinapakita ko sakanya. Pero nde, totoo na napapasaya at napapangiti nya ako. Kaya nde ako nagkamali na pagkatiwalaan, gawin syang kaibigan at higit sa lahat ay ang papasukin sya buhay ko. Kaya sobrang thank you ko kay Kiara dahil pinakilala nya saken tong si Alfie tsaka na din yung pinsan nyang si Feud.

"Andito na tayo" Sabe nya saken

Nilibot ko naman ang mata ko at napagtanto ko na andito kame sa lagi namen pinupuntahan at tinatambayan sa likod ng school namen.

"Kailangan talaga pagbubuksan ng pinto bago bumaba? Haha!" Sabe nya habang tumatawa pa rin sya.

"Sira. Tinignan ko lang kung asan tayo. Baka mamaya kung san mo na ako dinala" Sabe ko tsaka bumaba na ng kotse.

"Hi po ateee" Bati ni Alfie sa nagtitinda

Kaclose nya si ate eh kaya ganyan. Bumili na kame ng kwek kwek at kung ano ano pa tsaka syempre bumili din kame ng inumin. Ala namang hayaan nameng mabulunan sarili namen kung may pambili naman kame diba? Hayss. Nagkwentuhan lang kame ni Alfie at kung ano ano pa. Andame namen napag usapan. Lahat ng nangyari nung wala sya. Pero nde ko pa rin nasasabe sakanya ang nangyari nitong linggo. Ayoko magsinungaling sakanya. Pero alam kong mag aalalala sya saken at baka hanapin nya pa si Zach at yung babae na kasama nya. Mahirap na baka kung ano ang gawin nya at sabihin nya. Pero nde naman ibig sabihin nun na ayaw ko din makita at makausap si Zach. Siguro kase nde pa ngayon. Nde pa siguro ngayon ang tamang panahon para jan. Kung magkikita man kame? Tadhana na ang bahala dun. Yun nalang siguro ang hihintayin ko. Hihintayin ko ang tadhana na ang magtagpo ulit saming dalawa dahil sya din ang naglayo samen. Kung kame talaga kame. At magkikita kame. Pero kung nde. Siguro nga huli na talaga yun. At dapat na tigilan ang pag asa para sa wala. Dahil masaket.

"Busog ka na?" Tanong saken ni Alfie tsaka uminom ng tubig.

"Oo. Dami ko ngang nakain eh. Haha!" Sabe ko naman

"Muntik na nga maubos tinda ni Ate eh. Haha!" Sagot naman nya

"Oh? Ano? Tara na uwi? Papadilim na din o" Sabe ko sakanya

"Oo nga no. Haha. Sigee. Tara" Sabe nya tapos lumingon sya kay ate tindera.

"Ate! Uwi na po kame!" Sabe nya habang kumakaway pa.

"Osige iho at iha. Mag iingat kayo papauwi!" Sigaw naman nya at kumaway din samen.

Pumasok na kame sa kotse at nagdrive na si Alfie papunta sa bahay namen para ihatid ako. Ilang sandali lang din ay nakadating na kame sa bahay ko. Nilingon ko sya.

"Salamat. Thank you kase andito ka na ulet. Gusto mo bang pumasok? Tara pasok ka muna" Pag aaya ko sakanya

"Wala yon. Ah nde na gabi na din eh. Papahinga na ko. Kakadating ko lang din kaninang umaga eh" Sabe nya

"Ah ganon ba? Osigee. Ingat ka sa pagdrive. Take care. Bye Bakla!" Sabe ko at tumakbo na palabas ng kotse nya. Haha!

Pumasok na ako ng bahay at dumiretso na sa kwarto ko. Nde na ako magdidinner nabusog ako ng sobra kanina. Kaya nagshower na agad ako at pagakatapos ko naman ay nagsuot na ako as usual ng pajama ko tsaka na ako humiga sa kama ko. Hayss. Salamat talaga kay Alfie at kahit sa sandaling yon nakalimutan ko ng panandalian kung ano ang meron sa araw na to. Hayyy!

----------

Enjoy reading guys. Dont forget to vote!

He's backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon