Chapter 25

11 1 0
                                    

Alexandra's POV

"Hi guys" Rinig kong boses mula sa pinto dito sa kusina. Whaaat?! Anong ginagawa niyan dito?!

"Sorry kung hindi ko nasabi sa inyo kahapon. Inaya ko nga pala si Ate" Sabi ni Melina

Nagkatinginan lang kaming lahat (ofcourse pwera kila Zain, Melina at Brianna) at hindi na kami sumagot. Parang nafeel naman nila Melina yung tension dito sa kusina.

"Sorry kung hindi ko nasabi" Sabi ni Melina at yumuko

"Ayos lang" Sabi ko nalang

Pagkayari namin mag umagahan ay agad na kaming sumakay sa van. So ganito yung pwesto namin sa loob. 3 lane seats naman yung van na sasakyan namin so ganito yung pwesto namin. Si Zach yung nasa driver seat and ofcourse ako yung nasa shotgun seat. Tapos sila naman sa likod ganito.

Second lane --> |Blake|Cecille|Kiara|Kurt|
Third lane -----> |Brianna|Melina|Kurt|

So ayan yung ayos namin. Chit chat chit chat lang kami kami. Si Brianna naman tulog buong byahe kaya hindi naman ganon ka awkward yung atmosphere kanina habang nasa byahe kami. So yeah after how many hours were finally here in Tagaytay. Yipee! Binaba lang ng mga boys yung gamit namin tsaka pinasok sa loob ng rest house. At dahil sa lima lang yung kwarto dito tapos yung dalawa pa ay nakalock. Dahil kwarto yun nila Mommy at Daddy tas yung isa naman kay Kuya. So bali yung kwarto ko nalang yung available plus yung 2 guest rooms. Bali sa isang kwarto magkakasama yung mga boys malay ko kung panong ayos gagawin nilang apat don. Eh sabi naman nila ayos lang sakanila kaya yung medyo mas malaking guest room na yung pinaubaya namin sakanila. Tapos yung isa naman sa magkapatid na sina Melina at Brianna. Tapos kaming tatlo nila Kiara naman dito sa kwarto ko. Alaskan king bed naman yung pinalagay nila Mommy at Daddy dito kaya kasya lang kaming tatlo dito. Dagdag mo pa yung napakapayat---sexy daw sila kaya kasya lang kaming tatlo.

Iniwan namin muna yung mga gamit namin sa kwarto at dali dali kaking bumaba na tatlo para mapanood ang pagsikat ng araw. Haaaay. Napakaganda. Hindi ko papalagpasin ang kaganapang ito kaya agad agad kong kinuha ang aking cellphone at pinicture-an ko nga isang napakagandang view na nakikita ko ngayon.

"Napakaganda" Bulong mula sa likod ko. Tinignan ko naman kung sino yun, si Zach lang pala. Nginitian ko naman siya tapos siya naman ay umupo sa tabi ko

"Pero mas maganda ka pa din sa kung ano ang nakikita mo ngayon" Sabi niya sakin. Tinignan ko siya at ngumiti na parang ewan. Enebe kinikilig akez hahaha.

Bukas pa ang start ng program kuno namin kaya eto kami chill chill lang haha. Hindi ko pa nga alam kung ano ba gagawin ko ngayon eh. Hays. Pagkasikat ng araw ay nagkayayaan na kaming pumasok sa rest house dahil papainit na din. Habang yung iba ay kumakain andito naman ako sa sala nanonood ng Tv. Yung iba hindi ko na alam. Maya maya kakanood ko ay bigla naman akong dinalaw ng antok. Zzz

Kiara's POV

Kung ako tatanungin at pagpapasyahin hindi ko hahayaang isama yang Brianna na yan eh! Nakakaasar ha! Nanggigigil ako. Hmp! Nararamdaman ko na may masamang balak yan kaya sumama eh. Ala namang sasama siya ngayon dito samin para lang bwisitin si Xandra ng pagmumukha niya? Aba grabe naman siya mag effort sa pangbibwisit kung ganon. Aba! Hay nako nako. Pagtripan ko kaya no? Tabunan ko ng buhangin buong katawan? Ilibing ko ng buhay? BWAHAHAHA! Parang maganda yun ah? Pero syempre kahit maganda yun hindi naman ako ganon kasama no.

"Oy Kiara? Si Xandra?" Sabay na tanong ni.. Uh? Ni Zach at Alfie. Nagkatinginan naman sila ng masama. Uh oh. I smell trouble? Aish! Dont mind them nga Kiara! Malay mo naman hindi makatotoohanan yang iniisip mo diba? Shut up ka nalang

"Uh. Hindi ko alam eh" Sabi ko nalang. Agad naman silang umalis.

Brianna's POV

Ohhh. So finally nagka-POV din ako Ms. A huh

[Shut up. Pasalamat ka nga may POV ka eh]

Nayari na nga at lahat yung isang book nang wala akong POV eh. Tapos ngayong book 2 kung kailan kalahati na? Tsk!

[Tumigil ka nga. Oh sige wag ka na mag POV]

Ay! Hindi eto na no. Ewww.

Brianna's REAL POV

So eto na talaga yon. Hi btches. Miss me? Ofcourse. Kahit NGAYON LANG AKO NAGKA-POV alam kong miss na miss niyo ang kagandahan ko *winks*

[Ew. Hell no!]

Oh shut up

[Aba bas--]

Bastos? I dont care. Atleast Im pretty unlike you. Ew. Okay so Im with Melina at the moment and she kept on saying me these words.

"Ate stop being so btchy. And please, maging mabait ka naman. Alam ko namang mabait ka eh. Bat hindi mo pairalin hanggang sa kanila diba? And please I know what's between you and Xandra. Please FIX IT. Move on Ate. Alam mo naman simula't sapul si Xandra ang gusto ni Zach" Sabi niya

"Shut up Melina! You dont know anything. Kaya pwede ba? Tumigil ka kakasalita jan. Dahil kahit anong sabihin at gawin mo. HINDI KO SUSUNDIN. Ako ang ate dito. Kaya wag kang magmarunong jan at pakialamanan ang mga ginagawa ko" Yan nalang ang sinagot ko sakanya

----------

Laaame! Hahaha. Please vote if you like this chap. Thankyou!

He's backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon