PROLOGUE

40 4 0
                                    

Sabi nila, habang naanjan pa ang taong mahal mo, sabihin mo sakanila kung gaano mo sila kamahal habang hindi pa huli ang lahat. Dahil laging nasa huli ang pagsisisi.

Kasi kung Mahal mo talaga, hindi mo hahayaang mawala siya sa'yo.

Sabi nga nila, Kapag nagmahal ang isang tao, nagiging Selfish sila, nagiging martyr at nagiging tanga.

Kadalasan sa nagmamahal, nagpapakamanhid. Nagpapakamanhid kahit nasasaktan na ng sobra.

Ngumingiti, kahit gusto ng umiyak.

Tumatawa ng malakas, kahit na gusto na lang mamatay sa sobrang sakit.

At nagiging best player, sa larong tagu-taguan ng feelings.

Kapag sobrang mahal mo ang isang tao, kapag may nagawa siyang mali, hindi mo kayang magalit sakanya ng matagal, at isang sorry niya lang huhupa na agad ang galit mo.

At kapag nagmahal ka, gagawin mo ang lahat mapasaya mo lang siya kahit magmukha ka ng tanga.

Pero hindi lahat ganun.

Dahil may taong nagmamahal na marunong din mapagod. Mapagod na masaktan.

At ang totoong nagmamahal, kapag napapagod ng masaktan marunong magpahinga.

Kasi alam nila na kapag sila ang unang bumitiw, mas lalo lang silang masasaktan.

Pero paano kung ang pagbitiw mo ang tanging paraan para sumaya ka ulit?

Paano kung pilit mong pinipigilan na bumitiw pero siya nakabitiw na pala?

Will you stay in that position, or you will let it go?

~~~~~~~~

Hi readers! Favor naman. Sa mga marunong gumawa ng Cover, Sana magawan niyo ito ng Cover. Gusto kong background ay Clouds or Galaxy. If may makakagawa, pm niyo ako. Thank you in advance! Love lots!

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon