CHAPTER 3

22 3 0
                                    

Nakapag-UD rin! Nawalan ng internet eh. Sana mag enjoy kayo! :* Thank you for reading my story! Love lots <3

~~~~~~~~~~~~

-_____- ganyan ang mukha ko ngayon. Ikaw ba naman ang mapag tripan ng gwapong nilalang, tapos na interview ka pa at nalaman pa niya ang Secrets mo! Ewan ko lang kung hindi ka maloka!

Matu-turn on na dapat ako eh, kaso tinamad ako. Kaya wag na lang pala.

Tapos kung kelan pa nag May tsaka ako na April Fools ng bwiset na gwapoging 'to! Ugh.

Dagdag mo pa itong isa na siya pala ang mag i-interview sakin. Ang pinaka kinamumuhian ko sa lahat.

Si Xian Lim este Charles Sy. May pagkakahawig kasi sila eh.

Crush ko sana siya, kaso nung bata pa kami lagi niya akong Binubully. Tapos Crush na Crush niya si Ate Kristine. Kasi nga si Ate matured na mag isip maliliit pa lang kami. Eh ako? Hindi! Bukod sa gusgusin, at maldita, amazona pa! At siya ang lagi kong kinakapul.

One time nga, tinulak niya ako sa kalsada kasi inasar ko siyang bakla, kaya nagkasugat ako sa tuhod ko. Bilang ganti, inabangan ko siya sa kanto namin at binato ng Lobo na may Tubig na may Uod sa loob. Dahil anak mayaman, sobrang nanghina siya at nandiri ng makakita siya ng uod. Agad siyang nilapitan nun ni Ate Kristine at tinulungan niyang tanggalin ang uod sa katawan ni Charles. Hinatak pa ako ni Ate para magsorry sa hinayupak na yun. Kaya lagi kaming War ni Charles.

One day, nanghiram ako ng damit ni Ate kasi di pa nakakalaba si Mama ng damit ko. Dahil dungisin ako, ako ang mabilis maubusan ng damit.

Isa sa patalandaan ng lahat samin ni Ate, kapag naka Pink si Ate yun at kapag Purple naman ako na.

Kaya Pink na Pink ako ang suot ko nun. Nakita ako ni Charles at hinatak. Naka ngiti ng sobrang lapad ni Charles habang hawak ang kamay ko. Bigla akong nag blush, ang bata bata ko pa pero kinikilig na ako.

Huminto kami sa likod ng bahay ni Charles, dinala niya ako dun at may nakita akong lamesa na may dalawang upuan, kumbaga candle light date ang peg. Sobrang kinilig ako.

Mag so-sorry kaya siya sakin? Kasi lagi niya akong binubully? Tapos narealize niya na gusto niya lang pala ako. Hihihi! Nasabi ko sa isip ko nung bata pa lang ako.

Hinawakan ni Charles ang kamay ko nun at pinaupo sa upuan.

"Upo ka" sabi ni Charles.

Umupo ako at umupo din siya sa upuan sa tapat ko. Nakangiti lang siya at titig na titig saakin.

"Kain ka lang. After natin kumain lakad tayo or sayaw tayo yung Sweet dance tulad ng ginagawa nila mom at dad" nakangiti lang si Charles habang kumakain. Kaya napapangiti din ako.

After namin kumain, naglakad lakad kami ni Charles. Napahinto ako ng bigla niyang hawakan ang aking kamay at sabay ngiti saakin.

"Can i hold your hand while we are walking?" Tanong sakin ni Charles habang nakangiti. Nag nod na lang ako as my yes answer. Ng mapagod na kami maglakad, umupo kami sa isang bench. Biglang may tumugtog na instrumental na ang sweet pakinggan. Tumayo si Charles at hinatak ako. Inilagay niya ang mga kamay ko sa braso niya at humawak siya sa bewang ako at nag sway. Alam kong magsasayaw kami kaya sinundan ko lang ang galaw niya.

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon