Ang buhay parang Seasons, sobrang magulo.
Parang Fall Season, tahimik at nakakarelax.
Parang Summer Season, may mainit ang ulo at parang laging galit sa mundo.
Parang Winter Season, Cool lang at sobrang saya kahit bihira lang maranasan pero sapat na kasi masaya ka naman.
At parang Rainy Season, tipong nakakarelax ka pa kasi ambon na problema lang yan. Pero kapag bagyo na? Halos mataranta ka at di mo na alam ang gagawin mo sa buhay.
Pero opinyon ko lang yan, gawa kasi kayo ng sa inyo. Sabi nga nila, walang basagan ng trip.
Haaayyysss! Napahugot ako ng sobrang lalim na paghinga. Kinakabahan kasi ako. Maghahanap kasi ako ng Company para sa OJT ko. At ang Season ko ngayon ay Rainy Season de Bagyo! Korak! Tama ang nababasa niyo! Nakakaloka kasi, nakaka-kaba! Sana makapasa ako, at tanggapin ako sa Company na'to. Di pa naman ako sobrang talino at mahina ako sa Math! Ang utak ko? 60-40! 60% na kabobohan at 40% lang na katalinuhan. Haayysss jusko! Bakit ba kasi kailangan pa ng ganitong kaek-ekan. Pwede namang mag focus na lang sa Pag-aaral tsaka na mag isip ng work.
Ito ako ngayon, nasa girl's comfort room at nakaharap sa salamin. Konting Retouch at pinapakalma ang sarili. Tinatanong kung okay na ba ang ayos ko? Wala bang gusot ang suot ko? Matibay ba ang Heels? Baka matapilok ako at mabali pa, pahiya ako nun pag nagkataon. Make up? Ay pulbo at lip gloss lang sapat na ko. Confidence? Ayun kainis! Naglakwatsa iniwan ako dito kaloka!
Palakad lakad ako sa loob ng Comfort room at nagrerelax ng kaunti.
"Kaya ko ito. Fight!" Nasabi ko sa sarili ko at tumingin sa phone ko. Halos mapaupo ako ng makita ko ang oras.
"Shit! 1:59pm na!" Dali dali akong lumabas at nagtatakbo para makaabot sa Office. 2pm kasi ang interview ko at dapat hindi ako ma-late.
At kakatakbo ko nga, hindi ko na napansin ang dinadaanan ko...
"Ouch! Miss, kindly watch your Steps and Don't run"
Sabi nung Koya na nabunggo ko. (PS: i know na Kuya, trip ko na Koya eh #SoShutUpKaNaLang)
Nabunggo ko nga si Koya, pero ako ang nadapa. Jusko naman po! Kahiya-hiyang kalampahan ito. Dear marble floor, kainin mo na ako huhu!
"Hey, Let me help you!" Inoffer niya sakin ang kamay niya para tulungan akong tumayo. Halos hindi ako makatingin sakanya sa sobrang hiya, pero para hindi siya mangawit, iniabot ko agad ang kamay niya at inalalayan niya akong tumayo.
"Ah eh tha-thank you po! At so-sor---- KYAAAAAHH!" na out of balance ako dahil hindi nga ako nagkamali, nabali ang heels ko!
Iiyak na sana ako ng bigla niya akong hinawakan sa waist ko para hindi matumba ng tuluyan sa sahig. At ako naman napakapit sa malapat niyang balikat.
Biglang nag slow motion ang paligid at tanging tibok lang ng puso ko ang naririnig ko. Sobrang bilis at parang gustong lumabas sa dibdib ko
Napatitig ako sa kanyang mukha na sobrang kinis. May makapal siyang kilay na bumagay sa Mapungay at brownish eyes niya na may pagka-curl na Eyelashes. Ang tangos ng kanyang ilong at ang kanyang labi na natural red ang color. May kalakihan ang kanyang panga na talagang bumagay sa kanya. In short, SOBRANG GWAPO NIYA!
Siya na ba si Mr.Right? Ang icing sa ibabaw ng Cupcake ko? Charot!
*dug dug* kabog ng puso ko ng malaman ko na nakatitig din siya sakin. Bigla akong nakaramdam ng sobrang kaba! Nagandahan kaya sakin? Hehehe.
"Ahmm, Miss are you alright?" Tanong niya sakin habang nakangiti.
"No, My name is Kristine Jane Chui" sagot ko sakanya habang pinagsasawaang titigan ang gwapo niyang mukha. Pero tingin ko hindi ako magsasawa na titigan siya. Ahihihi landi ko!
"Hahaha! You're so funny. I mean is, okay ka lang ba?" Tanong niya ulit sakin na ikinapula ng mukha ko. This time, hindi dahil sa kilig kundi dahil sa kahihiyan. Kainis! Nakaka star struck kasi ang sarap itanan!
"Ah, okay lang ako. Yung heels ko ang hindi kasi nabali" halos masapo ko ang mukha ko sa naisagot ko. Sobrang nakakahiya!
Bigla akong nakaramdam ng awkward feelings kasi nakakapit pa rin pala ako sa kanya at nakahawak pa din siya sa maliit kong bewang.
"Ah eh, thank you po sa pagsalo sakin. Mejo awkward lang po, excuse me po ha?" Pag excuse ko kahit na tutol talaga ako sa gagawin kong pagbitiw sa kapit ko sakanya. Baka isipin nito na basta basta akong babae. Sabihin niya lang kung type niya ako at "i do" agad ang sagot ko. Charot! Hehehe.
"Sorry. Sit here first" inalalayan niya akong umupo sa waiting area. Nakakakilig kasi naman, bukod sa gwapo siya ang gentleman niya din. Nakakaakit ka po koya! *heart eyes* hihihi.
"Thank you ha?" Napatingin ako sa kamay niya, at kinuha ko ng mapansin ko ang oras sa relo niya 2:05pm na! "Oh Syete de mayo! Late na ko!"
Agad kong hinubad ang heels ko at patakbo na sana, kaso binalikan ko si koya then grab this opportunity.
Kiniss ko siya sa Cheeks at "Thank you! Magkita pa sana tayo! Bye bye!" Tumakbo ako at nag flying kiss pa sakanya. Yes! Naka chansing ako kahit papaano. Narinig ko pa siyang tumawa ng malakas bago ako tuluyang makalayo sakanya.
Lumapit ako sa table ng Secretary ng Office para tanungin kung dumating na ba ang mag-iinterview sakin ngayon.
"Hindi pa Miss Chui. Wait mo na lang po siya sa loob, parating na po si Mr.Sy" sabi sakin ng Secretary at pinag open pa ako ng Office Door.
"Thank you po" sabi ko sa Secretary at nginitian niya naman ako. Umupo ako sa mini sofa at nag retouch ulit. Kinuha ko sa bag ko ang doll shoes na dala ko. Buti na lang at ready ako sa ganitong klaseng kahihiyan.
Inhale, Exhale. Habang hinihintay ko ang Boss nila, nilibang ko muna ang sarili ko sa View ng Office. Black and White ang theme color, at halatang luxury lahat ng gamit dito. Sobra akong namangha sa designs ng office. Dahan dahan kong nilapitan at hinawakan ang mga gamit. Grabe! Killing Spree ito sa bulsa! Amazing!
Napagawi ang tingin ko sa Side table at pinag masdan ang mga Picture sa Picture Frame. Ang cu-cute naman! Sarap iuwi eh.
Bigla akong napatitig sa isang picture ng tatlong bata, yung isa ay babae na ubod ng ganda na mas lalong gumanda dahil sakanyang matamis na ngiti habang nakaakbay sa dalawang Cute at Gwapoging dalawang little boy. Ang isa naka-peace sign at chinito ang dating. At habang ang isa naman ay naka-ngiti lang. Nuks! Bata pa lang cool na tignan!
Napahinto ako sa ginagawa ko ng biglang magbukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki na nagpalaki sa mga mejo singkit kong mata. Pakiramdam ko sobrang pula ng mukha ko ng makita ko siya! WATTUDU? Marble floor kainin mo na ako! TT^TT
~~~~~~~~~~~~~~
Hi readers! Dito muna ako magfofocus sa Story ko na'to. Mejo na blank ako sa "Last Christmas" kasi ang tagal ko ng hindi naa-update yun dahil super busy ako. So sana subaybayan niyo ang New Story ko na "Stay" at matulungan niyo ako sa magiging cover ko dito. Thank you and i hope na nag enjoy kayo sa pagbabasa! Love lots :*
Ps: Comment na lang po sa gustong magpa-tag sa kada Chapter ko. Thank you again! :*