Late na nakapag-Update. Thank you sa mga naghintay :) Enjoy Reading!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
1:00am na pero gising na gising pa din ang diwa ko. Hindi ako makatulog ng maayos, kasi naman hanggang ngayon iniisip ko pa din kung tama ba ang ginawa ko?
Ang hirap pala huminga kapag nagsinungaling ka sa taong mahal mo.
Pero yun lang ang tanging paraan ko para mahalin niya din ako. Diba pag nagmahal ka gagawin mo ang lahat para sa taong mahal mo? Kaya ko 'to ginagawa kasi Mahal ko siya, kahit na alam kong nasa maling paraan ang ginagawa ko.
Kapag nagmahal ka talaga,nagiging Selfish ka.
"Ano ba Kristina? Stop thinking about that! This is for your own Happiness." Halos mapasabunot ako sa sarili kong buhok at sumipa sipa sa kama na hinihigaan ko. Kapag nabablanko naman ang isip ko, pagulong gulong naman ako sa higaan ko. Nakakainis naman! Leche flan kang problema ka ayaw mo akong tantanan! Wag kang papakita sakin kung ayaw mo mapektusan ka!
"Ano ba Tintin! Kung di ka makatulog dahil sa kilig mo kanina, pwes magpatulog ka! Nayuyugyog ang higaan ko dito sa taas" Ay? Nakakaistorbo na pala ako sa tulog. Kasalan 'to ni Trillanes eh Hahaha! Joke!
"Sorry naman beh! Kasi naman ano"
"Ano?" Naka-poker face niyang tanong sakin.
Ike-kwento ko na sana, kaso nung nakita ko mukha niya tinamad na ko.
"Wala, Nevermind na lang" pang i-snob ko sakanya. Buti na lang kalahating isnabera ako. Hahaha!
Maya-maya bigla kong sinipa yung higaan niya.
"Ano ba? Bakit ka naninipa Kristine? Istorbo ka talaga eh!" Bumangon siya sa Higaan niya at Bumaba tsaka ako sinabunutan.
"Aray ko Rhiz ha! Ikaw pa galit? Ikaw na nga ng istorbo at nanira ng Moment ko" bigla siyang napasapo sa mukha niya na akala mo ako pa ang mali sa sinabi ko.
"Ewan ko sayo Kristina. Sarap mong iumpog sa Pader para makatulog ka. Ano ba kasi yang iniisip mo at pati katawan mo sobrang gulo?"
Umupo si Rhiz sa tabi ko at nag finger comb. Kaso bigla akong natawa kasi may sabit ang buhok niya! HAHAHAHA!
"Anong tinatawa mo jan? Mukha mo ang suklayin ko nitong daliri ko eh." Naka poker face na naman po siya!
"Hehe, epic ka kasi Rhiz. Hayyss!" Napabuntong hininga na lang ulit ako at seryosong nakatulala ng bigla naman niya akong tapikin.
"Ano ba kasi yang iniisip mo? Si Charles ba?"
Napatango na lang ako bilang sagot sakanya.
"Iniisip mo ba na kung tama ba na magpanggap ka bilang si Kristine na mahal niya?"
Tumango na lang ulit ako bilang sagot. Si Rhiz kasi, alam niya ang Kwento ng buhay ko. Dahil siya ang kasama ko simula bata pa lang kami, bukod kay Ate Kristine siya din ang naging Bestfriend ko kapag busy si Ate Kristine sa pag-aaral. Siya ang kalaro ko at siya yung iniiyakan ko kapag nagseselos ako pag dating kay Ate Kristine. Naaalala ko pa na lagi ko daw tandaan na.. "Wag kang mainggit kung anong meron sila na wala ka, dahil meron ka din na wala naman sila. Hindi mo lang alam kung ano yun. Okay?"