Thanks to Alliah Marie for my Story Cover Photo! :*
~~~~~~~~~~~~~~
Halos magulantang ako sa nakita ko. Siya? Siya ba ang mag iinterview sakin? Grabe! Unlucky day ko ba ngayon?
"Hi Miss Flying kiss" sabi nung Perfect guy na nakabunggo ko at nilandi ko kanina.
Feeling ko yung mukha ko mas mapula pa sa Color Red sa sobrang kahihiyan! Huhuhu. Kung mamamatay lang din naman ako, sana ngayon na! Kainis kasi, kumerengkeng na naman ako at sakanya pa.
"You're so cute when you are blushing baby" sabi niya sakin gamit ang husky voice niya. Syet ng Dekada sitenta naman oh! Parang si John Lyod Cruz lang nung nag I love you too siya kay Jennelyn este sa baby, sa palabas nilang Just the 3 of us.
Gusto ko sanang kiligin kaso tinamad ako dahil nahihiya pa din akong harapin siya.
"Hey! Kausapin mo naman ako. Don't be shy baby!" Fruta! Nag wink siya <3 Bibigay na ba ako? Isusuko ko na ba ang bandera ng Bataan? Charot!
"Eh, huhuhu! Sorry Sir sa inasta ko kanina. Nadala lang po kasi ako sa kakisigan niyo, nakakaakit ka kasi Sir. Ay jusko pong bunganga ka ang daldal mo! Sorry ulit Sir!" Halos hingalin ako sa mga sinasabi ko kay Perfect guy! Kasi naman nakatitig siya sakin at nakangiti.
"Sir? Mukha ba akong Clown? Kasi para ka pong tuwang tuwa sakin eh. Huhu! Sorry na kasi Sir. I-interview-hin mo pa po ako diba? Pero pwede wag pong English? 1st Honor kasi ako jan eh"
Bigla niyang pinakawalan ang tawa niya na kanina pa niya ata pinipigilan. Grabe! Iniinsulto nya ata ako pero kinikilig pa din ako. Jusko!
"HAHAHAHA! Woooh! Nakakatuwa ka talaga, sarap mong kausap. HAHAHA!" Naglabas siya ng panyo at nagpunas ng pawis niya sa noo. Napagod kakatawa sakin. -____-
"By the way, mag start na tayo. Give me your Resume and take your sit" inabot ko sakanya ang Resume ko. At ininterview na niya ako about sa Course ko, School, and so on. After ng ilang minutes, binabasa basa niya ulit ang Documents ko at pangiti ngiti pa! Naakit tuloy ako.
"Hmmm... Ms. Kristen Jane Chui huh? Very interesting" Sabi niya habang nakasandal sa Office Chair niya at todo titig sa Resume ko, or baka sa Picture ko? Hehehe joke!
"Ahmm Sir, makakapasa po ba ako? 5 months OJT lang po Sir" saglit niyang binitiwan ang Folder ko at hinarap ako.
"By the way, My name is Edward Sy" inilahad niya ang kamay niya, inabot ko iyon para sana i-shake hand kaso bigla niyang hinalikan ang kamay ko. Huhuhu! Feeling ko sasabog na ko este sabog na ako sakanya! Nakasinghot ako ng Perfume niya kaya naaddict na tuloy ako ng Sobra! Bigla kong hinila ang kamay ko palayo sakanya, nakaramdam kasi ako ng Awkwardness eh. Type ata ako ni Sir hehe joke ulit!
"Sir Edward, tapos na po ba ang Interview niyo sakin?" Tanong ko kay Edward Babe ng hindi makatingin kasi feel ko na nakatitig siya sakin. Nakakainis lang kasi hindi pa rin lumalayas ang kilig ko, kapal ng mukha! Kaso wala nga pala silang mukha kaya Nevermind na lang.
"Nope, we're not done yet. May tanong pa ako sayo" Umayos siya ng pagkakaupo at Seryoso ng nakatingin saakin. Ako naman? Ayun! Ginaya ko siya, umayos din ako ng upo at seryoso ng tumingin sakanya.
Kaso natalo ako sa Titigan kaya tinawanan na naman niya ako. Nakakaloka na ha!
"Ms. Chui, bakit mo kinuha mo ang course na Culinary? Diba sabi mo may kaya lang kayo sa buhay? Madaming gastos ang ganitong Course. Anong reason mo at ito ang pinili mo?" Seryoso niyang tanong sakin. Napakadali naman!
"Simple lang po Mr.Sy, Dahil Single Mom ang Mama ko at siya ang Inspirasyon ko" Nakangiti kong sagot sakanya.
"Huh? Di ko makuha. Pwede mo bang sabihin sakin ng malinaw?" Alam kong naka focus na siya ngayon sakin. Kaya bago ko siya sinagot, huminga muna ako ng malalim.