Dahil sa request moh... ayann Naa...dedic sayo. .chooss!
On this special day, we wish you all the very best, all the joy you can ever have and may you be blessed abundantly today, tomorrow, and the days to come! May you have a fantastic birthday and many more to come. Happy Birthday Bukkie !!
(From your Pretty, Hot and Sexy Baliwag Family, Lovelats)
Enjoy reading! Hop yah like it :*
_____________________________
Chapter 05: The Moves
Jade's <POV>
Nagpasya ako na hindi na lang muna umuwi. Sinimulan ko na lang na ayusin ang mga gamit na ililipat ko sa bagong opisina ko, dapat kasi kahapon ko pa ito inaayos kaya lang naging busy kami at nag-atend pa sa farewell party ni Mrs. Perez..
Sinipat ko ang likuran ng CPU para tingnan kung saan ko ikakabit ang mga wirings nang maramdaman kong tila may nagmamasid sa aking likuran.
Paglingon ko ay nagulat ako nang makita si Julian. Nakahalukipkip ito at nakasandal sa hamba ng bukas ng pinto.
"Oh, God, you scared me!" bulalas ko nang mapasandal sa dingding. "How long have you been there?"
" I'm sorry, limang minuto na rin siguro akong nandito, napansin ko kasing may ilaw pa rito sa opisina, baka 'kako nakalimutang i-off kaya bumalik ako rito." humakbang na ito palapit sa kanya. "Akala ko ba'y umuwi ka na?"
Paki mo buh? nagpapalipas lang ng sama ng loob ko sayo. Psh, magpapaalam sana ako sa kanya kanena pero ng pumasok ako sa opisina niya isang kahabag-habag na eksena ang nadatnan ko. kainis lang talaga.
"Naisipan kong mag-ayos na lang muna rito, tutal wala naman akong gagawin sa bahay ngayon," sabi ko nalang sa kanya.
"Do you know that you look more charming kapag sa mga hindi inaasahang pagkakataon na nakikita kita?" ngiti-ngiting sabi nito.
Napatingin ako sa kanya. Huling-huli ko siyang hinahagod ako nito ng tingin. Biglang nag-iinit ang aking mukha. Wala sa loob na napasulyap ako sa salamin ng cabinet na nasa tabi namin. Charming? sa tingin ko nga sa sarili ay para akong labandera nang mga sandaling iyon. Nawala na sa ayos ang pagkakapusod ng aking buhok at ang ilang hibla niyon ay tumatabing na sa aking mukha.
"Come on, I'll help you," prisinta nito. Pinaisod siya nito para ito ang mag-aayos ng computer. "Kumusta ang farewell party ni Mrs. Perez?"
"Maayos naman. 'yong iba ay nag-iiyakan dahil hindi akalain na aalis na siya sa kompanya."
"And were you one of them?"
Hindi ko napigilan ang ngumiti. "I'm not a sentimental person".
Ilang sandali pa ay naikabit na nito ang wirings ng computer. Ini-on nito iyon. Ngumiti pa ito sa kanya nang gumana iyon.
"Hindi ka pa nagdidiner?" tanong nito habang nakatingin sa sandwich at mineral water na hindi pa ko pa nagagalaw na nasa ibabaw ng mesa.
"Ah-eh, tinatapos ko lang ang mga ito at saka di pa naman ako nagugutom eh!"
"Sure ka, kung gusto mo ibi---"
"Hindi pa ba tayo aalis, Julian?" tinig iyon ng isang babae.
Sabay kaming napalingon mula sa pintuan.
"Oh, I'm sorry. Hindi ko alam na may kausap ka pala," hinging-paumanhin ng babae. Tinalikuran ako ni julian at lumapit ito sa babae.
"May pinag-usapan lang kami tungkol sa trabaho. anyway, si scarlett ang bago kong Executive Assistant, si Liz," pakilala nito sa kanilang dalawa.
