France's POV
Nandito kami ngayon ni Kyle sa Hillsville. Sa subdivision namen.
Nakaupo kaming dalawa sa swing.
"France, aminin mo nga. May gusto ka ba sa bestfriend mo?" tanong nya.
Nagulat naman ako.
Naalala ko tuloy ung kanina.
Papayag na sana ako na sumama sa kanilang dalawa ni Cath pero nung makita ko ung kamay nila na magkahawak, may biglang kumirot sa puso ko.
"France." siko sakin ni Kyle.
"Ha?" tanong ko.
"Sabi ko, may gusto ka na ba sa bestfriend mo?" tanong nya uli.
"Ha? Wala ah!" tanggi ko.
Mahal ko ba talaga ung bestfriend ko?
"Weh?" sabi nya.
"Halata ba?" bigla na lang lumabas sa mga bibig ko un.
Hala!
"Sakin, oo." sabi nya..
Bakit ba ganito siya?
Di ba siya nasasaktan sa ginagawa nya?
"Ewan. Siguro nga mahal ko ung bestfriend ko." sabi ko.
Hinagod nya lang ung likod ko.
Sakto namang nakita ko sina Cath at Chris.
Nasa di kalayuan samen.
Hinalikan nya si Cath.
Aray..
Ang sakit!
Ayoko na!
Please! Ilayo nyo sila!
Napahawak naman ako sa puso ko.
Ang sakit talaga.
"Wag ka ng tumingin." sabi sakin ni Kyle na nakatingin din pala sa kanila.
"Ang sakit, Kyle." sabi ko.
"I know. Ang sakit nga din sakin eh." sabi nya.
"I'm sorry. Pinaasa kita." sabi ko.
I feel guilty.
BINABASA MO ANG
Seatmate kong si Ms. Suplada ;) [FINISHED]
Teen Fiction(FINISHED) Pag-ibig ang siyang nagpatagpo sa kanilang dalawa, ito rin ba ang maghihiwalay sa kanila? Sino ang magpaparaya at sino ang magiging masaya? Kaya mo bang isakripisyo ang LAHAT para sa taong mahal mo kahit na ang kapalit nito ay ang paglimo...