#2

510 5 0
                                    

Christian's POV

Nandito ako ngayon sa field. Naghahanap kasi ako ng club na sasalihan ko. Hmmm... ano kaya? Ah Basketball club na lang. May try out daw mayang 5pm. Great! Ang saya neto. Naglibot libot muna ako, tamad pa kong umuwi eh. Nakita ko din ung booth nila Tricia. Cheerleading club. Lame. Puro pacute lang naman sila eh. 

"Aray!" hala! May naapakan ata ako.

Tumingala ako para tingnan kung sino un. Si France?

"Sorry." maiksing sabi ko.

Tumingin lang sya sakin. Nakakamatay na tingin. 

Suplada nga tas pacool pa. Psh. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Nang may marinig akong matinis na boses. Tsh. Sina Tricia.

"Well, well, well. Look who's here? Ms. Mang-aagaw. She's so pathetic and loser! EWW!" sabi nya pa.

"Trash people. Tsk." sabi nya na lang. 

"WHAT DID YOU SAY TO US?!! TRASH?!" galit na galit si Tricia. 

"Yes. Trash. Are you deaf?" matapang na sabi ni France.

"How dare you!! Etong sayo---" akma sana nyang sasampalin si France pero napigilan nya to.

"Don't you ever, EVER, hurt me again. Or else di ako magdadalawang isip na saktan kayo. mahinahong sabi sabi nya. Tinginan lahat ng students mapa-lower years man o higher years. Rinig kasi ung mga sinabi nya.

"HMP!" sigaw nila sa kanya.. 

Patay malisya na lang ako. At nagpatuloy na naglakad. Uuwi nako.

----

Nasa jeep nako. Top 2 ako straight simula gr.6 hanggang 1st year. Siguro ganun din ngayong 2nd year. I like to do things on my own. Kaya nga kapag groupings lagi ako ang ginagawang leader. At sa mga members ko naman, konti lang ang nakikipagcooperate. Siguro kung 10 kami, 3-4 out of ten lang ang talagang tumutulong. Saya no?

"Manong bayad po." may babaeng nagpaabot ng bayad  nya. Kinuha ko ung bayad nya napansin ko ung i.d. nya na taga-Walshton. Tumingin ako sa kanya at nalaman kong si France pala. Tsh. Ano ba to? Nakasabay ko na naman sya. 

"Bayad daw." sabay alis ko ng tingin ko at inaabot na ang bayad nya. Nag-abot na  din ako ng bayad ko. 

"Saan to?" tanong nung driver.

"Sa Hillsville po." sabay kami nung isang babae. Napatingin tuloy ako sa likod ko. Si France. Ha? Pareho kami ng subdivision na tinitirhan? 

Nagtinginan tuloy ung mga pasahero. 

"Hillsville po manong." sabi nya. Ako? Nanahimik na lang ako. Ang awkward.

--

"Para po." sabay na naman kami magsalita. Hsh. 

Bumaba na lang ako at naunang maglakad.

--

Haay. Pagod. Ang weird talaga na pareho kami ng tinitirhan. Pero on the other side, wala namang weird dun kasi di lang naman ako ang pedeng tumira dito. Di ko gusto ung ugali nung mga babaeng kaklase ko. Ung tumili pa habang nag-iintroduce ako. Parang di mga babae. Hanga din ako dito sa katabi ko sa room. Ang tapang nya rin. Tsh. 

Naglalakad pa ako. Bago lang kasi ako dito sa subdivision na to. Ako lang ang nakatira dun sa bahay ko. Nasa states kasi sila Mom and Dad. Habang naglalakad ako, tinginan ung mga babae sa may tindahan, tapos ang lagkit ng tingin sakin. Mga naka-maigsing shorts pa. Ka-turn off. 

"Hi kuya. I'm Kaye." pakilala pa nya. 

Nilampasan ko lang sya at sumigaw sya:

"Ang yabang mo!" 

Manigas ka dyan. Naglalakad ako habang nakalagay ung dalawa kong kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon ko. 

--

Dito na ko sa bahay. Bukas kagad ng t.v. at sabay patong ng paa sa table.

France's POV

Ang weird naman. Kapitbahay ko lang pala sya. Pero ewan, basta ang weird lang. 

"Oh, anak. Musta ang first day?" masayang tanong ni Ma.

"Ok lang, Ma." maiksing sagot ko. "Ma, akyat na po ko." paalam ko. 

Kaantok kasi eh. Haay. +__+

--

--

Napakulit nung Christian na yun. Pero infairness, masaya ako kapag napapahiya sina Tricia. Badtrip talaga ung grupo na un. Daming pasakit sa buhay ko. 

Nasa classroom nako, and as usual, naka-earphones pa din and studying the biography of Manuel L. Quezon and Jose Rizal. Sarap kasing basahin. Kakaaliw! :D

Di ko namalayan na nandito na pala tong transferee nato.

"Good morning France!" bati nya sakin na may malapad na ngiti.

Inisnob ko lang. Kulit kasi.

"Sungit? Pero Hi again :D" sabi nya. Tsh.

At sa pangalawang pagkakataon, inisnob ko lang din uli sya.

"Acting so suplada, para magpa-cute. Ayos din ung style mo ha? Right girls?" entrada nilang tatlo. 

"Yeah right! So pathetic! Gosh! So EWWWIE!" arte pa nila. Wala na din akong pakielam. Bahala sila.

"You three flirts. Yeah you. What's your problem with France?" tayo ni Christian. Nagulat ako. ^o^

"What? Oh come on Chris! You actually like that loser girl over us?" sabi pa ni Tricia. Aba! Sumosobra na to sa kaka-loser nya. Uupakan ko na talaga to.

"What if I said yes. I like her. Happy?" sabi nya. WTH?! Like me? Oh come on! You gottta be kidding me!

"HUH?! OMG!!! THIS AIN'T HAPPENING!" halos mahimatay na sya. WTH?!! This is not true.

"What the---?" napasalita na lang ako.

"Wag ka ngang mag-maang-maangan pa. I know you already knew that he likes you kaya panay pacute mo. ARRGH! You always get everything." sigaw nya sakin.

"Will you please just shut up?!" sigaw ni Christian. Tsh. Kasalan mo lahat.

Tumahimik naman si Tricia at lumabas ng room together with her assistants. Duh.

Umupo na lang sya. At ako naman na-aawkwardan.

Tahimik lang sya. Magsasalita na sana ako nang---

"Uh, about dun sa kanina. Di totoo un. Sinabi ko lang un para tigilan ka na nila." diretsong tingin nya.

"Hell. Alam mo bang dahil sa ginawa mo, lalong di nila ako titigilan! Nag-iisip ka ba?!" galit na sabi ko.

"Sorry." sabi nya lang.

"Sorry?! That's nonsense. The damage has already been done." sabi ko. "From now on, don't ever speak to me again!" pahabol ko pa.

Diretso lang talaga tingin nya. Napangiti lang. Nang-aasar ba to?! 

Seatmate kong si Ms. Suplada ;) [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon