#3

380 2 0
                                    

Christian's POV

Nasa room nako. Grabe! Nakaka-pagod ung try out kahapon sa basketball. Pero ok lang ang saya naman tsaka nakapasok ako. 

Dumating naman si France. 

Umupo lang sya sa tabi ko tas saksak ng earphones sa tenga. Weird. Pareho kami ng gawain. Haaay! Ano ba yang iniisip ko? 

Di ko matiis ang di kausapin ang babaeng to, nag-Hi ako.

"Hi!" bati ko. Pero sa katangahan ko, naka-earphones pala. Napahiya man ako duun. 

Ilang minuto pa, nagtry uli akong mag-Hi. 

"Hi!" sabi ko at sa di sinasadyang pagkakataon, naatsingan ko sya. Naman! Kahiya man uy.

Napalingon at tinanggal ang earphones nya, at tumingin sakin. Parang papatayin ako ng mga titig nya. Katakot naman to.

"Sorry. France." paumanhin ko. Tiningnan nya lang ako at sinasaksak uli ung earphones nya. Suplada? Kahiya talaga un!

Naman! "__"

--

--

Breaktime namen. Hinanap ko tlaga si France para iabot ung sandwich ko bilang peace and sorry offering.

Nakita ko sya sa isang table na mag-isa lang sya.

"Hello uli. Ah sorry nga pala kanina. Eto oh." nakangiting abot ko sa kanya nung sandwich. ^_^

Umalis sya sa table at inignore ung sandwich. Grabe naman! Ganun ba kalaki kasalanan ko para di nya tanggapin? Ang sama ah?

Umalis na lang din ako. Kesa naman damdamin ko ung pag-isnob nya sakin.

Naglakad lakad muna ako sa school. Pumunta ako sa likod na garden ng school. Maganda dun at tahimik. Ako lang na ata ang nakakaalam nung place na un.

Pagdating ko dun, may nakaupong babae dun sa may swing. 

Lumapit ako para tignan kung sino un. At si France pala.

Tumingin lang sya sakin. Nailang tuloy akong tumingin din sa kanya. 

"Sorry uli." sabi ko.

"Ang kulit mo. Alam mo ba un?" inis na sabi nya. Grabe!

"Eh kasi di ka nagsasalita dyan kung forgiven ba talaga ako o hindi." depensa ko naman.

"Ok na. Masaya ka na?" sabi nya sabay tayo at umalis sa garden. Hmmm... Nakaka-challenge tong France nato. Mahirap patawanin, gagawin ko nga tong special mission ko. 

--

Nasa classroom nako, nadatnan kong andun din sya. Naka-earphones na naman.

"Hi!" gulat ko sa kanya. Trip ko sya eh. Minsan lang naman sa buhay ko ang mantrip.

Tumingin lang uli sya sakin ng nakakatunaw na tingin. 

Umupo na lang ako tsaka nagsalita uli.

"Nova, gusto mo?" alok ko sa kanya.

Di nya ko pinapakinggan. Ang hirap naman niyang kausapin.

"Anong favorite food mo? Ako kasi adobo." sabi ko.

Tumingin lang uli sya na nagpapahiwatig na "tigilan mo nako, please lang. ang kulit mo" na tingin.

Tumahimik na lang ako tas maya maya ay nagsalita uli.

"Masaya ba dito sa Walshton?" tanong ko sa kanya.

"Tsh." she sighed. Weew! Ang hirap ah?!

"Mukhang masaya!" masayang sabi ko pa. Mukha nakong tanga.

Wala namang sagot. Tsh. Hirap mo namang kaibiganin. 

Dumating na naman ang mga linta.

France's POV

Grabe naman tong lalaking to. Ang kulit grabe. Tanong ng tanong. Nakakarindi. Tsh. Di ako makapagrelax dahil sa kanya.

"EWW! So pathetic! Nagpapansin ka lang naman kay Christian para malason mo naman isip nila. Ang selfish mo talaga!" entrada naman netong mga to.

"Right!  Christian, gusto samin ka na lang tumabi. Di dyan sa Nerd and Loser na yan!" yakap pa ni Tricia kay transferee. Tumayo siya dahilan para bumitaw sya sa kanya. 

"Alam mo para kang linta, dikit ka ng dikit." sabi ni Christian. Narinig ng buong classmates ko sa room. Kagulat to.

Tawanan silang lahat. Ang tagal na sigurong di napapahiya netong mga to.

"Tse! Kasalanan mo to, France!" sigaw nya. Isisi ba daw sakin? 

Nag-earphones na lang uli ako.

"Nice one. Tinuruan mo sila ng leksyon." ngiti ko sa kanya. Gwapo pala sya eh. Walang malisya.

Tiningnan ko lang sya tsaka sinasaksak uli ung earphones ko.

Seatmate kong si Ms. Suplada ;) [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon