#38

171 0 1
                                    

Christian's POV

Nasa isang nipa-hut-look kami ngaun nagste-stay. Di ko nga alam kung ano ginagawa ko dito sa Cebu pero alam ko para kay France to.

Di ako masyadong kinakausap ni France.

Awkward nga naman.

Bestfriend mo, nainlove ka.

Nabubwiset ako dun sa Dirk na yun. Oo na, selos nako. 

Ang hangin kasi. Kala mo kung sino.

Pero sila kaya ni France? Sana di naman..

May kainan dito sa labas.

Mga kaibigan siguro to ni France dito.

May mga lumapit naman sa kanya na mga bata.

"Ate France!!" sigaw nung mga bata at hatak sa kanya.

"Miss nyo ko? Miss ko kayo!" masayang sabi nya.

Still jolly as ever.

"Opo!!" sagot nila.

Ang cute naman nila.

"Ate France, san na po si Kuya Dirk? Miss ko na po siya!" sabi nung batang babae. Tss. 

"Ate France, sino po siya?" turo sakin nung batang lalaki, tantya ko mga nasa 5 o 4 na un.

"Ah.. Siya si...ah..." di nya mabigkas pangalan ko.

Sa buong araw na magkasama kami, bihira nya lang banggitin ang pangalan ko.

"Ah.. Ako si Kuya Christian. Nice meeting you all ^_^" nakangiting sabi ko.

"Hello po, Kuya Christian!" sabay sabay nilang bati.

Ngumiti lang ako at pumunta na sila sa kainan.

"Mahilig ka pa rin sa bata." naghalf smile siya.

Wow.

Un na ata ang unang maganda at maayos na pagkausap nya sakin.

Pumunta nako sa kainan, bonfire pala.

Umupo na lang ako sa may malapit sa kanya.

"Fransya! Pakikilala mo naman tong kasama mo." parang nanunukso ung babae.

"Aling Freda, siya po si.. si.. Christian Elizalde." parang kabado siyang binanggit pangalan ko.

Seatmate kong si Ms. Suplada ;) [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon