Nagising akong wala na sa tabi ko si Alexander..siguro pumasok na sya sa office kasi 9 o'clock na rin kasi
Bumangon na agad ako ng kama at tumongo ng banyo para maghilamos.
"Waaaaaaaaaah!" sigaw ko nung makita ko ang aking sarili sa salamin...Omy ghad ang laki ng eye bags ko! And I look so losyang!
Kaya agad kong kinuha ang make up kit ko at inayusan ang sarili...but when I've look at my hands ay nakita kong parang kumulubot ito....huhuhu my poor hands! Kalerki naman oh!
Makapunta nga muna sa spa at magpapasalon na rin ako.Tawagan ko muna si Jasmine at magpapasama ako sa kanya. Hindi na rin kasi kami nakakapaghang-out simula nung kinasal na ako.
-Jaz! samahan mo ako
[Where?]
-Amputa! Hindi lang tayo nagkita ng ilang linggo nag-eenglish kana!
[Char lang! Saan ba yan?]
-Magpapa-spa ako at magpapa-salon....at magshoshopping na rin tayo
[Omygosh! Taralets! Go na sunduin mo ako]
-Okies
[Sama natin si Jace]
-Ah oo nga pala! Sige tawagan mo sya.
[Ok bye...see you later!]
Nung maibaba ko na ang telepono ay agad na akong tumungo ng kwarto para maghanda.
"Scarlet!!" Tawag sa akin ni mommy nung pagpasok ko ng bahay namin.
"Mom?!! Mom!!" Agad akong tumakbo sa kanya at niyakap sya.
Namiss ko talaga si mommy.....Syempre si Dad namiss ko yung kasungitan nun
"Join naman ako dyan!" tumakbo si Jasmine pababa ng hagdan atsaka sya nakisali sa yakapan namin ni mommy
"Naku anak look at you. Parang hindi ka na nag-aayos ng sarili mo" sabi nya atsaka inayos ang nakaharang na buhok sa aking mukha "Are you pregnant" what?! Pregnant agad?! Hindi ba pwedeng wala lang time mag-ayos? Hindi pa nga kami nanakapag-honeymoon ng papaloves ko!
"No,I'm not!"
"Sige tita alis na kami" pagpapaalam ni Jasmine kay mommy at nagbeso at ganun rin ako
"Bye mom!" ako
"Bye girls! Take care!" mom
_______
"Saan na ba yung baklang yun!" naiinip na sabi ni Jasmine....Yeah! kanina pa kami naghihintay kay Jace mga 30minutes na siguro
"Baka humanap pa ng papa!" sabi ko at sabay kaming nagtawanan...hahaha
"Hey! Ako nanaman ba ang pinagtatawan nyo dyan?!" oh there he is! Sabay beso nya samin
"Ambisyosa!" sabi ni Jasmine dahilan kung bakit pinandilatan sya ni Jace "Charr lang! Ano ka ba naman! Parang hindi mabiro" sabay pout....eww! parang bibe sya magpout,seriously! hahaha
"Tara na nga!" pag-aaya ko sa kanila
"Gora!" Jasmine
_______
"Good morning mam,sir" bati samin ng manager ng Salon and Spa
Syempre deadma lang ang chararat at dumiretso nalang sa loob
"Complete Package for 3" sabi ko dun sa manager na naka sunod samin
"Aye! Aye! madam" sabi nya atsaka kami inasikaso
"Libre mo toh Scarlet ha?! Waley akong pera ngayon!" echosera talaga toh! Pero keri lang naman
"Don't worry treat ko toh sa inyo" naka-rinig lang ng 'treat' nagliwanag na agad ang mga mata nila
"You're the best Scarlet!" yaaah I know! charr!
"Anong hairstyle po mam?" sabi ng parlorista
"Subukan mo kayang kalbuhin!" sabi ni Jasmine dun sa parlorista
"Don't mind them" sabi ko
_______
"New look!" sabi ni Jasmine "Bagay sayo yang short hair mo girl!"
"Hindi kana losyang!" Sabi ni Jace at agad silang nagtawanan ng baliw kong pinsan!
Ako na nga ang ng libre ako pa ang aasarin?! Sige! Sige! Buti alam natin! Sige! Charr lang
"Maganda pa rin ako!" sabay flip hair at pumunta ng counter para magbayad "How much?" tanong ko sa cashier habang kinukuha ang atm card ko sa wallet
"15,000 po mam complete package for 3" sabay abot ko ng aking atm
.
.
"Sorry mam but your atm card is invalid" what?! pano naging invalid? marami kaya ang laman nun!"Try this one" sabay abot ko sa BDO atm
card ko
.
.
"Pareho din po" shit! pano nangyari toh? Last time I've checked my laman pa toh!Sinubukan ko na lahat ng atm cards ko pero wala pa rin kaya tinawag ko sina Jasmine at Jace na naka-upo sa sofa.
"What's going on in here?" sarap batukan tong pinsan kong toh! Ang sarap talaga!
"May prayer meeting kami...kaya hindi ka pwede dito!" with hand gesture pa na parang pinapaalis
"Charr lang! Ano bang problema?" tanong nya at agad namang lumapit si Jace
"Invalid daw ang atm cards ko" nanlulumong sabi ko
"What?!" they said in unison kaya nag-nod nalang ako
"Mam?" sabi ng cashier
"Shut up ka muna ate! Wag ka munang lumusot" sabi ko dun sa cashier sabay roll eyes...charr! suplada lang ang peg! Huhu pano na toh? Wala akong cash dito ngayon.
"Let me pay for it" sabi ni Jace na agad na kinuha ang wallet nya
"Naku Jace wag na!" pagpigil ko
"Ok,So bayaran mo na yang utang mo dyan..Bye!" aalis na sana sya kaso pinigilan ko lang nung marealise ko na wala akong pera kahit singko...hehehe...parang hindi mabiro! Purita ako ngayon so dapat wag ng tumanggi sa grasya
"Joke lang,Ano ka ba! Sige na bayaran mo na.....Bayaran nalang kita kapag na ayos ko na toh" I need to find out kung sino man yung nagblock ng account ko
.
.
.
"Huhuhu! Salamat talaga Jace! Salamat!" sabi ko nung makalabas kami ng salon"Wala yun!" ang bait talaga neto! Walang kupas!
"Shopping na tayo dali!" Sabi ni Jasmine habang hinihila ang kamay ko
"Hoy lokaret! Hindi na nga ako nakabayad sa Salon...Magshoshopping ka pa?!" nasasarapan na yata toh sa buhay libre ee!
"Charr lang! Tara uwi na tayo" si Jasmine
"Wag na muna" pigil ni Jace na agad namang lumiwanag ang mga mata nitong loka-loka kong pinsan "My treat for the day" nakakahiya man pero keri lang! Wag tumanggi sa grasya ika nga! Bwahahahaha....shopping time here we go!
BINABASA MO ANG
Someday
RomanceThere he stood with his cigarette in his mouth, a beer bottle in his right hand and other arm wrapped around me. I shut my eyes, as a tear rolled down into my cheeks, I heard him chuckled his sweet stupid chuckle with his drunken friends about somet...