CHAPTER 5- Lomi

1 0 0
                                    

ALEXANDRIA~

Ugh, ang sakit ng ulo ko! Ano bang oras na? Agad kong kinuha yung cellphone ko at tinignan ang oras. 11:38?! Ang haba naman ata ng tulog ko. Tsaka.....gutom na ko!

Kahit labag sa katawan kong tamad, nagmaneho na ulit ako at nagtingin ng kainan.

Zopheng-pheng Lomi Hauz?

Hanudaw?

Kainan ba 'to? Bat ang panget ng pangalan.

No choice, gutom na ko kaya pinark ko na ang kotse ko malapit dun.

Wow ha, ang ganda ng loob. Old style pero napaka elegante.

Umupo ako dun sa table for two. May nakita naman akong menu dun sa ibabaw ng lamesa.

Lomi

Regular~

Special~

Jumbo~

SuperJumbo~


Tas may mga pansit pa, umagahan, at kung ano ano pa. Nacurious naman ako sa Lomi, buong buhay ko ngayon lang ako narinig ng salitang yun. Kaya yun na lang ang o-orderin 'ko.

May lumapit naman sa'kin na isang babae, mga 17 years old na sya. Maputi, matangkad, makapal ang kilay pero bagay naman sa kanya, ang taray tumingin parang Biyernes Santo ang aura.

"Order?" Matipid nyang tanong sakin with matching taas ng isa niyang kilay.

"Uhmmm, Lomi! Special. Special Lomi!" Masayang sagot ko.

Pag kasi Regular baka bitin kaya Special na lang. Lomi sounds yummy naman.

May bigla namang nag lapag ng sibuyas, kalamansi, lutong bawang, sili, kubyertos at platito. Hindi ko naman pinansin.

Ilang minuto ako nag-intay bago dumating yung Lomi na inorder ko. Yung noodles nya ay makapal, may sabaw na malapot, may egg na lahok, at toppings na hindi ko alam ang tawag. Yung may mahaba at may bilog bilog, bola bola?

"Ma'am gusto nyo ho ng chicharon? Mas masarap ho iyan kung mayroong chicharon." Nakangiting  sabi nung lalaking naghapag ng pagkain ko.

"Sige, isa lang." At umalis na yung lalaki sa harapan ko para ata kumuha ng chicharon na sinasabi nya.

Sinimulan ko namang kumain.

"Aray ko po! Ang ineeeet!!!" Putapets, mainit pala yun. Di naman ako na-inform na mala-impyerno ang inet nito. At kamalas malasan, walang tubig!


"Ma'am! Ma'am okay lang kayo? Tsk. Tsk. Kukuha lang po ako ng tubig nyo." Whoooo! Buti na lang dumating si Kuyang Chicharon.

"Oh." Sabay abot sakin ng baso na may tubig. May nilapag naman syang pitsel sa lamesa ko. Ininom ko naman yung tubig kahit na hindi ako sigurado kung malinis ba 'to o hindi.

"Thanks." Saad ko pagkatapos kong uminom. Sumubo pa 'ko ng mga tatlong beses pero syempre hinihipan ko muna.

"Ma'am ganto po kasi yan. Etong bawang, sibuyas, kalamansi, sili at toyo......" tas tinuturo turo nya pa bawat isa "..... ipagsasama-sama. Gagawing sauce kumbaga. Para magkaroon pa ng lasa. Tinignan nyo ho ang gagawin ko."  Tas pinagsama sama nya. Dapat tansyado.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Alexandria KassandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon