Papunta ako ngayon sa resthouse namin sa Batangas to spend my weekend there.
Masyadong nakaka stress dito sa City kaya napagpasyahan kong doon muna mag stay.
Nakarating ako doon around 12pm na. Sumalubong sakin yung care taker na si Mang Din.
Ganon parin yung ayos ng bahay.
Merong dalawang palapag tong resthouse namin na may 4 na kwarto sa 2nd floor.
Sa harap din sya ng beach. Gawa halos sa glass yung mga ding ding kaya kita mo yung ganda ng dagat dito palang sa loob.Wala parin nagbago.
Sa may sala andon parin yung napaka laki naming family portrait. Mukha kaming sobrang saya dito.
High school palang ata ako ng kinuha tong letratong to.
Naka display rin yung mga pictures naming magkakapatid. We used to be close with each other.
Tatlo kaming magkakapatid. The Oldest among us is Kuya Marco. He is happily married with two kids.
Nasa Canada sila nakatira. He is the one who petitioned mom and dad para dun tumira sa Canada.
Then my Ate Valerie. Nag migrate na din sya sa Canada.
As i've said before ako nalang yung natitira dito.
Ang sabi nila sakin after i graduated doon narin ako titira but feeling ko malabo na yon.
I'd rather live here in the Philippines alone.
Pumunta ako sa may beach front at naupo don sa may lilim.
Ang lakas ng hangin at rinig na rinig mo yung hampas ng alon.
It's so refreshing to be here.
How i wish i could live here forever.
Pero pinag isipan ko narin yon.
After i graduated baka dito nako titira. Simple life. That's it.
Ako na rin naman yung mag mamanage ng Beach Resort namin malapit lang dito.
Humiga ako dito sa may hammock na nakasabit sa may puno. Ang dami kong naaalala.
Childhood memories.
Also memories with him.
Sa dami kong iniisip di ko napansin na nakatulog na pala ako.
Nagising nalang ako ng may kumalabit sakin.
Pag mulat ko nagulat ako dahil hindi pamilyar tong lalaking nasa harapan ko.
"Who are you?" Nagtataka kong tanong sakanya. Nakangiti naman siya sakin.
"Hi I'm Troy anak ng care taker dito. Ang sabi sakin magpapasama ka raw sa bayan? My Father can't bring you there. Marami syang gagawin so ako nalang."Sabi nya na may malaki paring ngiti.
Nakakahawa naman yung ngiti nya kaya napatawa nalang ako.
"Why are you smiling?"Nagtatakang tanong nya.
"Nothing. Nakakahawa kasi yang ngiti mo."Natatawa kong sabi.