Nagising ako na wala na siya sa tabi ko.
What do you expect Fille? Inaasahan mo ba na sasamahan ka talaga niya?
Tumayo na ako at nag ayos. Nag decide ako na papasok na lang ako.
Sinat na lang naman ang meron ako. Kapag mas inalagaan ko tong sakit ko baka mas lalo pang lumala.
Kinuha ko na yung susi ng kotse ko saka bumaba na.
Dumating ako dito sa campus saktong time na.
Now Fille, You are dead again. Im sure papagalitan ka nanaman ng supladong yon.
Nagmamadali akong umakyat. Agad kong binuksan yung pinto ng room.
Tahimik yung buong klase while nagchecheck sya ng attendance.
Napatigil rin sya sa roll call ng makita nya ko. Kitang kita kong nagsalubong yung kilay nya.
Napayuko ako inaantay ko nalang na sigawan nya ako.
"Diba sabi kong wag ka na pumasok dahil may sakit ka pa?" Nagaantay ako ng sigaw pero mahinahon ngunit nakakunot yung noo nya habang sinasabi yon. Halatang naiirita.
Napatingin naman ako sa buong klase lahat sila nakatingin sakin.
Yung mga kaibigan ko naman ang lalaki ng mga ngiti na mukhang nangaasar pa.
Tinignan ko lang sya. Halatang naiirita dahil sa presensya ko.
"Im okay now sir."Yun lang yung naisagot ko, marami akong gustong sabihin.
Gusto ko sanang mag pasalamat kaso mukhang di ito yung tamang timing para don.
"Maupo ka na" Sabi nya saka tumuloy sa pag check ng attendance.
Agad naman akong dumeretso sa upuan ko. Malalaking ngiti naman yung sinalubong sakin nila Dianne.
" What's with the faces?Stop that. It's creepy."Bulong ko sakanila.
Naghagikgikan naman sila ng malakas.
Napatingin naman samin yung buong klase including Gian.
"What's the catch between you 4? Mind to share with everybody?"Sarkastikong sabi nya.
"Nothing. Sorry." Sabi ni Dianne sabay peace sign sa buong klase.
Natahimik naman na sila.
Nag discuss lang yung mga remaining groups.
Then nag pa dismiss na sya.
Maaga siya nag dismiss. Mukha kasi syang bad mood.
Dahil ba nandito ako?
Kami nalang lima yung natitira dito sa room. Inaantay ko pang mag ayos tong mga to.
Palabas na rin si Gian pero bigla syang huminto sa pwesto namin.
"Diba sabi kong wag ka ng pumasok?"Nakatingin sya sakin ng diretso. Mahinahon pero kita mo yung pagkairita sa mukha nya.