I woke up too early a while ago kaya maaga ako ngayon pumasok sa campus.
Ayaw ko man wala naman akong magawa sa unit ko.
Pagka park ko ng kotse ko, agad akong lumabas.
Napatigil naman ako ng makita kong palabas rin sya ng kotse nya.
Nagtama yung tingin namin, agad rin akong umiwas tsaka naglakad.
Medyo nasa harap yung parking nya kaya madadaanan ko talaga sya.
Dirediretso lang ako hanggang sa makarating ako malapit sakanya.
Pilit kong diniretso yung tingin ko at naglakad lang.
Nakalagpas na ako ng kaunti ng magsalita siya.
"You're too early."Diretso nyang sabi.
Tumango lang ako ng hindi lumilingon sa kanya at saka dire diretso ng maglakad uli.
Ayaw kong maging rude pero wala i need this.
Dumeretso ako sa kiosk dahil di rin akong kumain ng breakfast.
I ordered my favorite ham, bacon and egg sandwich with hot fudge choco.
Naupo ako rito sa may bandang gilid na bihirang upuan ng tao.
Dito sa puwesto ko, kitang kita mo yung field na pinag practice.an ng mga varsities.
Parami na ng parami yung mga estudyante.
Kinain ko lang yung masarap kong breakfast while sipping my hot choco.
Medyo maulan ngayon, malamig yung panahon tamang tama.
Habang nakatingin ako sa mga estudyante sa labas may biglang tumikhim sa harap ko.
"May i seat with you?"Pagtatanong nya.
Napakunot naman yung noo ko tsaka tinignan yung paligid.
Medyo puno narin pala tong kiosk.
"Ok po sir. Patapos na rin po ako."Umupo na sya sa upuan sa tapat ko.
Meron din syang sandwich and coffee i think.
Hindi ako nagsasalita. Nakatuon lang yung pansin ko sa kinakain ko.
I don't feel like talking to him.
Pero siya na rin mismo yung bumasag ng katahimikan sa pagitan namin.
"Yan parin pala yung favorite mo? same old sandwich partnered by hot choco." Diretso nyang sabi.Seryoso parin yung mukha nya.
Maybe ganon na yung nature nya. Serious.
"Yap."Yun lang yung tanging nasagot ko.Binibilisan ko na rin yung pagkain para narin makaalis na ako rito.
"Dahan dahan maaga pa." Sabi nya lang sabay inom ng kape nya.
Nakatuon lang din ngayon yung pansin nya sa ipad nya.
"Gotta go sir."Tumayo na ako sa puwesto ko at akmang aalis na.
"Oh, too early pa for the class. Iniiwasan mo ba ako?"Diretso nyang tanong habang matalim na nakatitig sakin.