The Announcement

9.2K 210 10
                                    

Lahat ay abalang-abala sa paghahanda ng ikalabing-walong kaarawan ng nag-iisang heredera ng pamilyang Suarez. Ang gabing hinihintay ni Nicole. Excited na ang lahat sa mangyayaring kaganapan sa kanyang kaarawan.

Kahit si Nicole ay excited na sa mangyayari ng gabing iyon. Si Theo kasi ang napili ng kanyang mga magulang na tumayong escort para kanyang kaarawan. Mukhang dininig ng Diyos ang kanyang mga dalangin.

Isang magarbong pulang kasuotan ang suot nya ng gabing iyon. Nakataas ang kulot niyang buhok sa likod. Napakaganda rin ng pagkakaayos ng kanyang make-up. Sinigurado nya talaga na maganda sya sa kanyang kaarawan. Ngayong nasa tamang edad na siya ay magagawa na niyang maakit si Theo.

Naghahanda na siya sa paglabas sa kanyang kwarto ng makarinig ng katok sa pinto.

" Sino yan?" sigaw niyang tanong habang nakatingin sa pinto.

"It's me." maikling pagpapakilala ng lalaking nasa likod ng pinto.

"Bukas yan. Pumasok ka na lang." naiirita niyang dagot.

Bumukas ang pinto at pumasok si Mikael. Nakasuot ito ng pulang polo na napapatungan ng itim na tuxedo. Nakasuot din ito ng itim na slacks at sa ayaw man niyang aminin ay bagay dito ang suot.

"Anong ginagawa mo dito?" mataray niyang tanong.

" Happy birthday, Goldilocks." magiliw nitong bati imbes na sagutin ang tanong ko.

"Salamat." Nasaan si Theo? Di mo ba sya kasama?." tanong niya dito.

"Kasama ko siyang dumating. Nasa opisina siya ng papa mo at may pag-uusapan atang mahalagang bagay dahil kasama din nila si Tito Alfredo." sagot nito sa tanong niya. Si Tito Alfredo ay ang kasalukuyang mayor nang kanilang lugar at ama ni Theo.

"Ano naman kayang pag-uusapan nila? About politics na naman siguro. Mabuti pa, samahan mo na lang akong bumaba." nakangiti kong sabi sa kanya sabay lapit at hawak sa braso niya.

"Hoy! Goldilocks, hindi porke't 18 years old ka na, eh, may karapatan ka nang hawakan ako." pang-aasar nito.

"Naiinis na inalis ko ang pagakahawak sa braso niya pero kinuha niya rin ang kamay ko at ibinalik sa braso niya."

"Baliw ka talaga! Magrereact ka na humawak ako sayo pero ayaw mo rin naman na tanggalin ko."

"Birthday mo kasi ngayon kaya hahayaan kita na tuparin ang pangarap mo na hawakan ako." nakangisi nitong saad sa akin.

"At sinong maysabi sayo na gusto kitang hawakan?" inis na wika ko sa kanya.

"Baki hindi ba?" nangiinis a tanong nito.

 "Hindi noh?!" sagot ko sa kanya.

Isang malakas na tawa ang sagot niya sa akin. At aaminin ko, masarap sa pandinig ang pagtawa ni  Mikael.

"I just miss you so much. pagbigyan mo na lang ako." biglang seryoso na sabi nito. Mula kasi nang magkolehiyo sina Mikael at Theo ay hindi na kami masyadong nagkakausap at nagkakasama. Sa kabilang siyudad kasi sila ni Theo nag-aaral. 

"Weh? Di nga? balita ko ay iba't- ibang babae ang kasama mo?"

"Hindi totoo iyon. At kung totoo man, bakit? selos ka?" nakangising tanong niya sa akin.

"Hindi no?! bakit naman ako magseselos, Bakit si Theo ka ba?" naasar na sagot ko sa kanya.

Biglang nawala ang ngisi sa mga labi niya. Nawala ang saya sa mga mata niya. Matagal siyang tumitig sa akin bago nagsalita.

"Gusto mo ba talaga siya?" bigla niyang tanong sa akin.

Lumipas ang ilang segundo bago ko siya sinagot. "Oo, gusto ko siya. Gusto ko si Theo."

Matapos kong sabihin ang mga iyon ay nakita ko ang saglit na lungkot sa mga mata niya bago siya ngumiti sa akin. Ramdam ko na peke ang ngiting iyon.  

"Kung ganoon, ay magiging masaya ka ngayung gabi sa iyong kaarawan." Di ko maiwasan na magtaka sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong.

"Malalaman mo rin mamaya. Kaya halika na at simulan na natin ang iyong kaarawan."

Isang oras nang lumipas na ginaganap ang aking kaarawan. Nakaupo ako sa gitna ng entablado katabi si Theo  bago umakyat ang daddy ko at kinuha ang mikropono . Tumingin sa amin si Dad. Tiningnan ko si Theo ng mapansin na parang di siya mapakali sa upuan.

"Theo, iho, lumapit ka sa akin. Ikaw rin, Nicole." utos sa amin ni Daddy. Tumayo naman si Theo at inalalayan ako na lumapit kay daddy.  

"NGumiti sa akin si Dad at kay Theo bago humarap sa mga bisita. " Ladies and gentlemen, I want you to know that my only daughter, Nicole, will be marrying Mr. Theo Fuentes. Theo will become my son in law." nakangiti nitong announcement at sabay-sabay na nagpalakpakan ang mga tao.

Napsinghap ako sa narinig mula kay Dad. Puno ng gulat at pagtataka ang isip ko. Napakabilis ng tibok ng puso ko. Di ko napigilan na di lingunin si Theo. Nakangiti si Theo sa mga tao pero ramdam ko na di siya masaya. Humarap ako sa mga tao at nasagi ng paningin ko si Mikael. Sumasabay siya sa palakpak ng mga tao at nakangiti sa akin. 

Ngunit sa ngiting iyon ay ramdam ko na di rin siya masaya.   Dapat akong maging masaya dahil sa wakas ay nagkatotoo na pangarap ko na maging asawa si Theo, pero bakit ganoon, di ko magawa na lubusang maging masaya. 

"Theo, pwede ba tayong mag-usap?" lumingon siya sa akin bago tumango. Umalis ako sa entablado at alam kung sumunod siya sa akin.

Sa opisina ni Dad kami nagpunta upang mag-usap. Pagkasara niya ng pinto ay humarap ako sa kanya . 

"Kaylan mo pa alam?" tanong ko agad sa kanya.

"Kanina lang." seryoso niyang sagot.

"P-pumayag ka ?" nauutaal kong tanong sa kanya.

"I don't had any choice, Nicole. Ang mga magulang natin ang nagpasya sa bagay na 'yun."awa
"Di ba, may girlfriend ka?" 

"Yes." matipid nitong sagot.

Di ko maiwasan na di masaktan sa sagot niya.

"Then, why?  Bakit ka pumayag? Masasaktan siya kapag nalaman niya ang tungkol sa kasal."

"Ako na ang bahala sa kanya."

"Paano ako? Paano ako kapag siya ang piliin mo. Mapapahiya ako sa mga tao at masasaktan mo rin ako."

"Hindi ko hahayaan na masaktan ka Nicole. I just want you to trust me."

Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Gumanti rin ako ng yakap sa kanya. Alam kong naiipit si Theo sa sitwasyon namin ngayun kaya di ko magawa na maging masaya. Dahil alan ng puso at isip ko na hindi ako ang mahal niya.

The Millionaire's Club: MikaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon