Reasons

1.3K 40 2
                                    

These scenes happened during wedding anniversary of Mikael's parent.

35th Wedding anniversary ni mama at papa kaya halos lahat ng mga kamag-anak namin ay dumating ngayong gabi upang mag celebrate, including Theo. Ayaw ko sanang magkita sina Nicole at Theo ngayong gabi ngunit hindi ko naman siya pwedeng pigilan na hindi dumating.

Simula nang umatras si Theo sa kasal nila ni Ncole at ikinasal kami ay hindi pa sila muling nagkita. Kaya kung sakali man na dumating nngayong gabi si Theo ay ito ang muli nilang pagkikita na di ko maiwasan na di mangamba. First love never dies right? And Theo is Nicole's first and only love.

Tumingin ako kay Nicole habang papasok kami sa loob ng mansyon. Halata ko sa mukha niya ang kaba.

"Are you okay?" di ko maiwasan na itanong.

Napatingin siya sa akin bago sumagot. "Oo naman. Bakit mo naitanong?"

"Halata sayo na kinakabahan ka." Sagot ko. Halata ang pagkabigla sa mukha niya at napahinto pa saglit sa paghakbang.

"Paano mo naman nasabi? Bakit naman ako kakabahan?" tanong niya ng makabawi sa pagkabigla.

"I don't know. Maybe your expecting someone to see tonight." Hindi ko pinahalata ang inis na nararamdaman ko sa sagot ko.

Saglit na katahimikan ang lumipas sa aming dalawa bago siya muling nagsalita. "Kung si Theo ang pinapahiwatig mo, p'wes nagkakamali ka. Hindi siya darating."

Nang marinig ko ang sagot niya ay di ko napigilan ang sarili ko at nahablot ko ang isang braso niya na ikinabigla niya. "Anong ibig mong sabihin? Nag uusap ba kayong dalawa, ha?"

"Mikael, bitawan mo ako." Pilit niya binabawi ang braso niya hawak ko.

"Bakit sigurado ka na di siya pupunta? Nag-uusap ba kayo? Nagkikita kayo ng di ko alam?" ulit kong tanong habang hawak ko pa rin ang braso niya kahit anong pilit niya na bitawan ko siya.

"Hindi kami nag uusap at lalong hindi kami nagkikita. Mula nang umatras siya sa kasal namin ay hindi na kami muling nagkita pa. Kaya pwede ba bitawan mo ako bago pa may makapnsin sa ating dalawa." Inis na sagot nito sa tanong ko.

Binitawan ko na siya ng marinig ko ang sagot niya.

"My son." Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si mama na palapit sa aming dalawa ni Nicole. Ngumiti ako ng makita siya ganoon din si Nicole. Hindi halata sa aming dalawa na may tensyon na namagitan sa akin kanina.

"Happy Anniversary 'Ma." Parehong bati namin ni Nicole sabay halik sa pisingi nito.

"Salamat. Ano bang ginagawa niyo at nandito pa kayong dalawa sa labas. Nasa hardin na halos lahat ng mga bisita. Halika na at doon na tayo sa loob." saad ni mama.

"Nasaan na si papa, 'Ma?" tanong ko kay mama ng makapasok kami sa loob ng mansyon. Hinanap ng mga mata ko si papa dahil may mahalaga kaming pag-uusapan tungkol sa negosyo.

"Nandoon sa opisina at kausap ang tito Alfredo mo. Politika at negosyo na naman ang pag-uusapan ng dalawa." Sagot ni mama sa tanong ko.

Nag-aalangan akong iwan si Nicole upang puntahan ang papa ngunit kailangan kong gawin. Tumingin ako kay Nicole. "Dito ka muna. Samahan mo muna si mama. Pupuntahan ko lang si papa sa opisina niya." Tumango siya bilang sagot sa sinabi ko.

Dahil nakamasid si mama sa aming dalawa ay mabilis ko siyang hinalikan sa labi. Ang alam ng mga magulang namin ay masaya ang pag-sasama namin ni Nicole. Hindi nila alam ang sitwasyon naming dalawa mula ng ikinasal kami.

Humalik ako sa pisngi ni mama bilang tanda ng pamamaalam. "Maiwan ko na muna kayo 'Ma. Babalik din po ako agad. Kayo na po muna ang bahala sa asawa ko. Kakausapin ko lang si papa." Paalam ko sa kanya.

"Okay. Bumalik ka agad at baka mainip ang asawa mo." Saad nito.

Ngumiti ako bilang pagsang ayon at saglit na tumingin kay Nicole. Kailangan ko talagang bumalik agad dahil ayaw ko na magkita sina Theo at Nicole.

Matapos ng pag-uusap namin ni papa sa opisina ay agad kong hinanap sina Nicole at mama pero wala sila sa sala. Naisipan kong pumunta sa hardin kung saan ginaganap ang handaan. Pagpunta ko sa hardin ay katahimikan ang sumalubong sa akin. Lahat ng mga bisita ay sa isang pwesto lamang nakatingin kung nasaan nakatayo si Theo sa harap ni Nicole. Nahuli na ako at muli ng nagkita ang dalawa.

Tumigil ako sa paglalakad at tahimik na nagmasid. Gusto kong malaman ang magiging reaksyon ni Nicole sa muli nilang pagkikita ni Theo. Nakayuko si Nicole at di magawang tumingin kay Theo.

"Kumusta ka na Nicole?" tanong ni Theo. Sa katahimikan ng lahat, kahit mahina lang ang pagbigkas ni Theo ng salitang 'yun ay halos maririnig na sa buong hardin. Napakabilis ng tibok ng puso ko na tila natatakot sa maaring maging sagot ni Nicole dito.

Iniangat nito ang tingin kay Theo at matipid na ngumiti. "Okay naman ako. Ikaw?" ganting tanong nito sa huli. Walang bakas ng anumang reaksyon ang mukha nito maliban sa simpleng ngiti.

"I'm also okay." Nakangiting sagot nito kay Nicole. "Masaya akong makita kang muli Nicole."

Nakatitig lang si Nicole sa mukha ni Theo. Lalapit na sana ako sa dalawa ng makita ko ang mga mata ni Nicole. Halata ang biglang paglamlam ng mga mata habang nakatigin kay Theo. Makikita sa mga mata nito ang labis na pangungulila.

"Theo." Hindi ko namalayan na bigla kong tinawag ang pangalan ni Theo. Nalipat sa akin ang tingin ng mga tao. Nagsimula akong lumakad palapit sa dalawa.

"Mabuti naman at nakarating ka." rinig kong saad ni Tito Alfredo kay Theo. Si tito Alfredo ang papa nito. Hindi ko napansin na nakasunod pala sa akin sina tito at papa.

"Wala na rin naman akong ginagawa sa City hall at alam kong mahalaga kay tita ang okasyon na ito." Nakagiting tumingin ito kay mama na katabi ni Nicole. Tumingin ako kay Nicole at umupo sa upuan na katabi niya. Umupo naman si Theo sa upuan na kaharap ko. Alam kong walang dahilan para magalit ako kay Theo pero sa gabing iyon ay parang gusto ko siyang suntukin.

Lumapit si papa kay mama at niyaya itong tumayo upang batiin isa't isa ang mga bisita. Umalis sina papa at mama kasama si tito Alfredo. Naiwan kami nina Nicole, Theo at Lila sa lamesa.

Saglit kong tiningnan si Nicole pagkaupo ni Theo at halata ang pagkabahala nito.

"Ngayon lang ba ulit kayo nagkita ni Theo?" nakangiting tanong ni Lila kay Nicole, isa sa mga pinsan ko.

"Yes." Si Theo na ang sumagot sa tanong ni Lila kay Nicole.

"I don't want to be rude, but it is so kind of romantic." Nakangiting saad ni Lila. Inis akong tumingin dito na nagpataas ng kilay nito. "Hey! Don't be mad at me. Alam ko naman na asawa mo na siya at wala akong ibang ibig sabihin sa sinabi ko."

"Then don't said trivial things." sagot ko kay Lila.

"Okay." Saad nito na kataas pa ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. "Di na ako magsasalita."

"I hope you don't mind na pumunta ako ngayon, Mikael." Tiningnan ko si Theo.

"I don't mind. Mas maganda na rin na dumating ka para matigil na ang usap-usapan sa pamilya natin about sa inyong dalawa ni Nicole." sagot ko sabay akbay kay Nicole. Tumingin sa akin si Nicole. Di niya inalis ang pagkakaakbay ko sa kanya.

"Tingin ko naman walang dahilan para magalit si Nicole sa pag-atras mo sa kasal niyong dalawa dahil naikasal naman siya kay kuya Mikael." Saad ni Lila na kay Theo at Nicole ang tingin. Halatang masaya ang babae sa nakikita nitong tensyon sa tatlo.

Nakangiting tumingin si Nicole kay Lila pero halata ang inis sa boses nito. "Siguro naman may karapatan akong magalit sa pag atras niya sa kasal dahil reputasyon nang pamilya namin ang nasira hindi ang sa inyo. At porke't naikasal ako sa isa sa pamilya niyo ay hindi ibig sabihin na okay na ang lahat." Bigla itong tumayo. "Excuse me. I need to go to comfort room." Saad nito at umalis.

"May nasabi ba akong masama para mainis siya sa akin?" pagmaang-maangan na tanong ni Lila sa amin ni Theo.

"Dahil wala kang nasabing kahit anong maganda ngayong gabi, Lila. Tumahimik ka na lang, pwede ba?" inis na sagot ko dito at tumayo na rin upang sundan si Nicole.

The Millionaire's Club: MikaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon