Coward

3.1K 70 29
                                    


Sinundan ko si Nicole sa loob ng mansyon pero di ko siya nakita. Pinutahan ko ang dating kong kwarto kung saan kami namamalagi ni Nicole kapag nanatili kami sa mansyon upang tingnan kung doon niya naisipang na pumunta. Bahagya kong binuksan ang pinto pero nakapatay ang ilaw tanda na hindi siya dito pumunta kaya di ko na naisipan pa na pumasok sa loob.

"Nicole." Tawag ko sa pangalan niya habang isa-isang binubuksan ang bawat kwarto pero wala akong narinig na anumang sagot.

"Nakita mo ba ang asawa ko?" tanong ko sa isang katulong na padaan sa harap ko.

Saglit itong nag-isip bago sumagot. "Nakita ko po siyang pumasok sa dati niyo pong kwarto."

"Sige, salamat." Saad ko at mabilis na pinuntahan si Nicole.Nang buksan ko ang pinto ng kwarto ay nakapatay pa rin ang ilaw. Bubuksan ko na sana ng may marinig akong nagsalita na nagpahinto sa gagawin ko.

"I miss you." Boses ni Nicole. Napatingin ako kung saan nakita kong nakatayo si Nicole sa terrace at may kausap. Madilim sa kwarto pero aninag ang anino ng dalawa mula sa ilaw na galing sa labas.

"Nicole." Malungkot na banggit ni Theo sa pangalan ng kausap.

"Iyon ba ang gusto mong marinig mula sa akin, Theo? Na after all this years, hinahanap-hanap pa rin kita. Na hinahana-hanap ng puso ko kung ano man ang meron sa ating dalawa noon."


After that night, nagpanggap akong walang nakita o narinig sa pag-uusap nina Nicole at Theo. Nang bumalik si Nicole ay hindi nito kasama si Theo. Tahimik lamang ito habang kumakain at simpleng sumasagot kapag may nakikipag usap dito. Ilang minuto ang lumipas bago ko nakita si Theo at kinausap ang papa nito. Saglit itong nakipag kwentuhan kina mama at papa at namaalam na at umalis na.

Gusto kong kausapin si Nicole at komprontahin ng gabing iyon pero di ko magawa. Natatakot ako sa maari kong malaman. Ngayon lang ako natakot ng ganito sa buong buhay ko. Natatakot akong mawala siya sa akin at piliin si Theo.

Sa bawat araw na lumilipas ay iniiwasan ko siyang maka usap. Kapag nagkikita kami at nakakasabay ko siyang mag almusal sa umaga ay natatakot ako sa bawat salitang maari niyang sabihin. Ngayon pa at muli na silang nagkita at nakapa-usap ni Theo. Natatakot akong marinig na nais na niyang makipag hiwalay sa akin.

Nang umagang iyon ay maaga akong bumangon upang mag-almusal at iwasan na makasabay si Nicole. Pero ng paalis na ako ay biglang sumulpot si Nicole sa dining area.

"Good morning." Bungad nito pagkapasok ng dining area upang mag-agahan. ". Saan ka pupunta?" tanong nito ng makitang paalis na ako. Magulo pa ang kulot nitong buhok ng mga oras na iyon at halatang di pa nagsusuklay tanda na nais niya akong abutan sa umaga.

"Sa trabaho." maikling kong sagot. "Bakit?" tanong ko dito. Umupo ito sa isa sa mga upuan at humingi ng kape sa katulong.

"Anong oras ka pala uuwi?" tanong ulit nito.

Tumingin ako dito. Sa inaasal nito ay tila nais akong makausap. Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko at di maiwasan na di kabahan.

"5pm ang out ko sa office." kunot-noo ko siyang tiningnan. "Di ko alam kung matutuwa ako sa pagtatanong mo ngayon o dapat akong kabahan." Biro ko sakanya upang maiwasan ang kabang nararamdaman ko sa nais niyang sabihin sa akin.

"Masama bang itanong sa asawa ko kung saan siya pupunta at anong oras siya uuwi?" sagot nito sa tanong ko na nagpawala ng kabang nararamdaman ko.

"Walang masama sa pagtatanong mo ngayon kung normal tayong mag-asawa kaso hindi tayo ganoon. Bakit di mo na rin sagarin ang pagiging housewife mo at bigyan mo naman ako ng goodmorning kiss kahit halata sa ayos mo ngayon na di ka pa nagtotothbrush." Saad ko dito kahit alam kong malabo na gawin niya ang sinabi ko.

The Millionaire's Club: MikaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon