Chapter 2

1.2K 8 1
                                    

Naglalakad ako noon papuntang canteen ng may narinig akong tumunog na camera. Akala ko ay may kumukuha ng picture ko ng palihim pero ng lumingon ako sa pinanggalingan ng tunog ay nakatalikod lang na lalaki ang nakita ko na may hawak ng Sony na SLR sa kamay. Nakatutok ang camera nito sa mga ibon na nakatuntong sa basketball court. 'Akala ko ako.' sa isip-isip ko. Aalis na sana ako ng makita kong lumingon ang lalaki at nakita kung gaano ito kagwapo. May suot itong mga salamin sa mata at ang bihis ay mala-Vhong Navarro. Pero hindi niya kamuka si Vhong Navarro. Nasa itsura nito ang pagkaseryoso. Mukha itong matalino na may pagkaastig. Parang combination ng dalawang kuya ko. Para akong sinemento sa tinatayuan ko ng makita kong papalapit ito sa akin hindi lang yun, nakakunot pa ang noo nito habang hindi inaalis ang tingin sa akin.

"Staring is rude. Don't you know that?" Ther.

"Ah-ahm... Eh... a-Im sorry." Grabe feeling ko nanginginig na ang tuhod ko sa sobrang takot at pagkakilig dito sa lalaking kaharap ko.

"Sorry! tsk! I hate that word. Wala ka naman ng mababago kahit mag-sorryka pa." Ther.

Yun lang at tinalikuran na niya ako. Sayang. Dapat pala nag-pacute na ko ng pasimple.

------Pero siyempre hindi kaya gawin ng heroine ko yun dito sa kwento dahil ang image niya dapat ay mahiyain at masunuring nilalang.

Nagulat ako ng biglang may tumapik sa likuran ko. Si Alliah lang pala. Ang kapitbahay-classmate-bestfriend ko.

"Anong tinutunga-tunganga mo jan? Para kang nakuryente itsura mo ah!" Alliah.

"Kilala mo ba yung lalaking yun? Nagalit kasi sa akin kasi tinitignan ko yung camera niya kasi gusto ko ng ganun sa birthday ko tapos akala niya siya yung tinititigan ko. Ayun nasermunan pa tuloy ako." Syleen

-----sisingit muna ako. kahit na ayaw nyo makakasingit pa din ako dahil ako ang gumawa nito. Nagpalusot lang si Syleen jan para hindi siya tuksuhin ng kaibigan niyang prim and proper pero ubod ng pagkashowbiz.

"Hindi mo kilala yun? Si Ther de Leones yun. Campus crush kagaya ng mga kuya mo, barkada ng girlfriend ng kuya Keen mo, gwapo, mayaman, matalino at in-na-in sa  fashion. Si Meggie pa nga ang stylist niya kapag may mga social gatherings siyang dinadaluhan. Siya din ang tagapag-mana ng advertising company ng pamilya nila. Photography yung course niyan eh. Bakit ng pala napdpad dito yan? Eh ang layo ng mga building ng College dito sa building ng High School? Alliah

Love Caught On the Camera [My Campus Crush'Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon