Para kay Jenica..hahahaha
sya kasi ang katabi ko habang naga-update..
Eto na po ang update ng kwento ni Ther na 50% ng mga pangyayari dito ay
PURO KATOTOHANAN..hahaha
ENJOY!
----------------
"Teka. Ano nga pala yung sinasabi mong isang oras kang naghintay eh saktong 8 ako dumating dito?" Syleen
"Anong 8? Hoy bata! 9 ka dumating. Tignan mo 10 na ngaun oh!" pinakita pa nito ang time nito sa phone.
"Anong 10 na? 9 plang. Ayan oh!" ang relo ko naman ang pinakita ko dito.
"Pahiram nga ng phone mo." binigay ko namn ang phone ko dito at may tinignan lang nito saglit ang phone ko at ibinalik agad ito sa akin.
"Look at the time. !10am! God Syleen! Late ang relo mo. Hindi mo chinecheck yan?" bumalik na ang Ther na kilala nya. Ang masungit pero poging lalaking minahal nya. Pero mas pogi ito kapag sweet sya sa akin. Kanina nga lang feeling ko reyna na ko ng mansion nila. hahahaha.
"Oo nga no? Ang galing naman nagjojoke ung phone ko sa oras. Hindi ko alam na may ganitong spec tong phone ko na to ah! Cool!"
"Baliw." bulong ni Ther
"HAHAHAHAHA...."
"Pwede na ba tayo umalis dito? Kung hindi mo po kasi napapansin eh kanina pa tayo pinagtitinginan ng mga tao at sa tingin ko eh kaylangan na kita ihatid at ng makainom ka na ng gamot mo sa utak."
"Okay! Ihatid mo na ko"
Sa sasakyan(si Ther)
nanginginig sa lamig si Syleen dahil basa sya at nakaaircon pa sila. Kinuha nya ang jacket nya sa backseat at inabot dito.
"Ha?"
"Ang slow mo naman. Ganyan ba epekto ng ginaw sayo? " si Ther na ang nagpatong ng jacket dito at inayos na parang kumot.
"Salamat." Tinititigan na naman sya ni Syleen kaya umiwas na sya.
Habang nagdadrive sya ay naiisip nya kanina ang sinapit ni Syleen dahil sa kanya. Siya ang dahilan kung bakit giniginaw ang babae at sinisipon na din yta dahil naririnig na nya itong bumabahing.
Kanina ay hinintay nya itong dumating kahit na parang hindi na ito dadating. Ng makita nya itong dumating ay nagtago sya sa isang lugar kung saan matatanaw nya ito.
Sa ganung paraan ay maaasar nya ito at para na rin nyang nagantihan si Lucky dahil sa kapatid nito ang paghihigantihan nya. Pero ng makita nya itong halos mangiyak-ngiyak na ay naawa sya dito kaya nilapitan nya na
ito. Ng umiyak naman ito sa harap nya ay parang may nagtulak sa kanyang icomfort ito at patahanin.
Hindi pa rin nya maintindihan ang sarili kung bakit nya ginawa yun pero pakiramdam nya ay kaylangan nyang protektahan ito.
Ang nakakatawa nga lang ay sya ang dahilan kung bakit ito umiyak kanina. Napakaamo kasi ng itsura nito kaya medyo mahirap isagawa ang plano nya na paibigin ito at iwan pagkatapos.
BINABASA MO ANG
Love Caught On the Camera [My Campus Crush'Series]
Teen FictionSi Syleen ay nagkagusto kay Ther nung una palang nya itong makita.. nung naging sila ni Ther ay hindi nya inaasahan na niloloko lang pala sya nito dahil sa kanyang kapatid na Boyfriend ng Bestfriend nito na matagal na nitong gusto. Magiging maganda...