Eto po pala si Ther :))
------------------------------------------>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>.
CHAPTER 8
-----Syleen
Inaya ako ni Ther na pumunta sa verandah at doon ay naabutan naming si ate Kaz na abala sa kanyang laptop. Siguro ay nakikibalita na naman ito sa mga latest pangyayari sa paborito nitong Korean boy band na SUPER JUNIOR.
Hahaha.. napapa-taglish na ko.
Ganito siguro talaga kapag kinikilig ka dahil
Nasa tabi mo ang lalaking mahal mo.
Ngayon lang nagsink-in sa isip ko na
Napaka-smooth ng pag-uusap namin kanina-nina lang at hindi na ito masyado nakabulyaw kapag kausap ako.
Isa pa ay ngumingiti na din ito sa akin.
“Seryoso ka na naman jan ah?” narinig kong sabi ni Ther kay Kaz.
“Wala kang pakialam.” Sabi ni ate Kaz
“AW! Ngayon na nga lang tayo magkikita after 2days ganyan ka pa? Hindi mo manlang ako namiss?” umiling si ate Kaz “hindi ka tunay na kaibigan! Umalis ka nga dito sa pamamahay ko!” sabi ni Ther.
“Hay nako Ther de Leones! Wag ka maingay at pinapanuod ko yung teaser nung irerelease na music video ng SUJU. Istorbo. Chaka bakit ka nandito? Dun ka kay Mang Karding! Magwalis kayo ng kabayo!”
HAHAHA! Ibang klase talaga tong magkakaibigan na to.
Parang may mga tereng lang ah?
“Oh ikaw naman may dearest sister-in-law halika dito sa tabi ko at ipapakilala kita sa mga mahal ko. Syempre pangalawang mahal ko na sila
Dahil pang-una ang kuya mo.
Ampogi kasi eh. Ang sarap ikiss. Teka nasan na ba yung mga yun?
Katagal-tagal sabi kanina malapit na sila.” Parang naiirita pa si ate habang sinasabi yun.
“Pupunta din sila dito?” tanong ko kay ate.
“OO. Biglaan lang. alam mo naman yung kuya Deann mo.
Malaman lang kung nasan si Meggie eh susugod agad. Kaya ayun nagpasama kay Keen dahil tinatamad mag-drive ng motor nya” Umiling-iling pa ito.
“Dapat kasi noon nya pa ginawa yun eh. Nung hindi pa galit si Meggie sa kanya.
Pero okay na din yun. At least makikita ko na naman yung kagwapuhan ng boyfriend ko.” Napangiti ako sa sinabi ni ate. Siguro ay mahal na mahal talaga nila ni Kuya ang isa’t isa dahil sa itsura pa lang nito ay parang handa na nitong pakasalan si kuya kahit hindi pa sya inaaya nito.
Nilingon ko si Ther dahil hindi ito kumikibo. Nakita ko itong sumulyap kay ate Kaz at tumingin sa malayo. Para bang may dinaramdam ito. Hindi kaya………
Pilit kong inalis ang namumuong pagdududa sa isip ko. Siguro ay tahimik at malungkot lang ito dahil nabara ito ni ate kanina.
“Syleen.” Humarap uli ako kay ate Kaz. Inginuso nito si Ther na nakatalikod na sa kanila nayon. Bumulong si ate Kaz sa akin. “Iba na yang nakaw na sulyap nay an ha? Hindi kaya may gusto ka na sa best friend ko?” gusto mo ilakad na kita? Oh kung gusto mo express takbo na.” kinindadatan pa ako nito.
Grabe! Nakakahiya! Ganun ba ako katransparent sa nararamdaman ko?
“Eh ate kasi…” nahihiya pa ko na aminin dito pero sa tingin ko naman ay mapagkakatiwalaan koi to.
Kapag ibinuko ako nito ay isusumbong ko na lang it kay kuya Keen.. EHEHEHEHE
“Eh ate masyado na ba akong halata?”
Tumawa ito ng nakkakaloka na ikinaharap ni Ther.
Sinipa pa ako nito sa ilalim ng lamesa.
“Ther! Bago ka magwalis ng dumi sa mga kabayo namin eh ilibot mo muna itong sister-in-law ko sa riding club ni Kuya Jace. Pakituruan mo na din sya mangabayo. Total mahaba pa naman ang oras nyo. Meron pa kayong 2weeks para sa tutorial session nyo sa photography.” Sabi ni ate Kaz na todo ngiti.
“two weeks? Pero may pasok pa kami.” Sabi ko sa kanila.
“Sembreak na kaya. HAHAHAHA. Ang sipag mo talaga mag-aral. Kita moa yaw mo na magbakasyon?”
OO nga pala! Pero teka pa din… “pero wala akong baon na damit.”
“Don’t worry. Meggie will take care of that.” Sabi nito. Tumingin itokay Ther “Hoy! Maglamyerds na kayo ni Syleen! At may ginagawa pa ako. Kapag nakita mo si Meggie sa riding club papuntahin mo dito at kaylangan ni Syleen ng damit.”
BINABASA MO ANG
Love Caught On the Camera [My Campus Crush'Series]
Fiksi RemajaSi Syleen ay nagkagusto kay Ther nung una palang nya itong makita.. nung naging sila ni Ther ay hindi nya inaasahan na niloloko lang pala sya nito dahil sa kanyang kapatid na Boyfriend ng Bestfriend nito na matagal na nitong gusto. Magiging maganda...