Chapter 3

6.4K 162 12
                                    

Hi guyssss.
Sorry ngayon ngayon lang ulit nakapag update. Salamat sa mga patuloy na nagbabasa ng story ko at pag hihintay dito. Sanay na naman ata kayo maghintay 😉😂 Hahahaha 😊

#Runningmanchallenge

**************************************

Serenity

NAGISING ako sa tunog ng alarm clock ko. Tumingin ako sa orasan na nakitang isang oras at kalahati pa bago ang pasukan. Sumakit ang ulo marahil dahil sa alak na nainom ko. Ginanap kasi ang birthday ni Maine kahapon sa isang bar.

Bumangon na ako at nagdasal bago pumunta ng banyo para maligo. Ilang minuto lang ay natapos na akong maligo. Sinuot ko na ang uniform ko at tsaka humarap sa salamin. Pinatuyo ko muna ang aking buhok na hinayaan kong nakalugay. Mahaba at tuwid ang aking buhok. Maraming nagtatanong sa akin kung paano raw magkaroon ng ganitong buhok.

Naglagay ako ng polbo sa aking mukha at kaunting lipstick sa aking labi dahil natural na itong mapula. Ang pisngi ko naman ay hindi mo mahahalatang walang blush on dahil mamula mula ito. Hindi ako mahilig maglagay ng kolorete sa mukha dahil hindi ko hiyang ito. Sa totoo lang ay maraming nagsasabi na gustong gusto dw nila ang aking mukha na natural ang ganda at hindi nakakasawa.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ko at ngumiti bago ko kinuha ang bag ko para pumasok na. Sa school nalang siguro ako kakain. Tumingin ako sa aking relo at meron pa akong 30 mins. Isang sakay lang naman at makakarating na ako sa school.

Paglabas ko ng pintuan ay nakita kong kakatok sana si Nanay Belen. Nagulat siya ng makita ako pero ngumiti rin kinalaunan.

"Good morning, Anne. Ang aga mo ata ngayon?" Humalik ako sa pisngi niya at binati rin siya. Oo. Maaga ako ngayon kasi ngayong araw ko makikilala ang anak ni Mrs. Montereal na itututor ko.

"Ahm. Napaaga po kasi ng gising eh." Ngumiti siya at tumango bago ako inakay papuntang kusina para kumain.

Habang kumakain ako ay tinanong ko si Nanay Belen kung nasaan sina Mommy at Daddy.

"Nako. Gigisingin ka sana nila kagabi para magpaalam kaso lang ay ang himbing himbing na dw ng tulog mo kaya naman binilin ka nalang nila sakin. Nasa Korea sila para sa isang meeting at baka magtagal dw sila dun ng isang buwan." Mahabang pahayag nito na sinagot ko nalang ng tango. Sanay na ako na lagi silang naalis ng bansa para sa meeting.

HINDI ko maiwasang kabahan habang naglalakad ako papuntang dean's office kung nasaan si Mrs. Angel(Mrs. Montereal) at ang kanyang anak.

Kumatok ako sa pintuan kaso lang ay walang nagbubukas nito at wala rin namang nasagot sa loob. Kumatok pa ako ng ilang beses at pinihit ang doorknob na hindi naman naka lock.

Pag pasok ko ay sumalubong sa aking balat ang lamig ng aircon. Nilibot ko ang tingin ko at nakitang wala doon si Mrs. Angel. Siguro ay hihintayin ko nalang siya rito.

Naupo ako sa sofa at nilibot ang aking tingin. Malawak ang office na ito. May sarili itong banyo at kusina( in case siguro na hindi nakakain si Mrs. Angel ng umagahan or hindi niya trip lumabas at dito nalang kumain). Nakakarelax sa mata ang pinta nito na halong kulay gray at white.

Ilang minuto rin siguro akong nakatunganga doon nang biglang bumukas ang pinto ng bathroom na siyang nagpatalon sa akin sa pagkakaupo.

At doon lumabas ang isang lalaking may mala adonis na mukha. May makinis siya mukha na wala kang mapapansin na kahit anong marka. Ang kanyang mga mata ay parang nang aakit at mahaba ang pilikmatang nakapalibot dito. Matangos ang kanyang ilong at may manipis at mapula siyang labi na sa tingin ko'y malambot. Mas lalong naidedepina ang kanyang panga sa pag igting nito. Basa pa ang buhok nito kaya nahalata kong kakatapos niya lang maligo.

Dahan dahang bumaba ang aking paningin sa malaki nitong katawan na walang kahit anong harang. Kitang kita ko ang mga pandesal nito at mga braso at doon ko lang napagtanto na ang tanging saplot nito sa katawan ay isang twalya.

Napadiretso ako ng tayo ng bigla itong ngumisi na hindi ko alam kung tama ba ang nakita ko dahil nag muli kong lingunin ang kanyang mukha ay nakita ko ang seryoso niyang mukha at malamig na tingin sa akin na para bang may nagawa akong mali.

Mabilis na nag iwas ako ng tingin at tumikhim. Pinilit kong buuin ang aking boses bago mag salita.

"Pasenya na po kung pumasok ako dito ng walang pahintulot. Kumatok ako pero walang sumasagot kaya n-naisipan kong ahmmm. a-ano pumasok na. Hinahanap ko nga pala si Mrs. Angel." Dire-diretso kong sabi at nautal pa. Shit lang. Come back to your senses, Anne. Don't stare at his yummy burning abs.

Nang muli ko itong lingunin ay nakita kong dumilim ang anyo niya at nag igting ang kanyang panga.

"Tss. Paano kung ibang lalaki ang nandito at hindi ako?! Dapat kasi hindi ka basta basta pumapasok." Nagulat ako sa sinabi niya at hindi ko maintindihan kung bakit siya nagagalit. Dahil ba sa biglaan kong pagpasok ng wala niyang pahintulot? O dahil nakita ko ang makasalanan niyang katawan? Napailing ako sa mga naiisip ko.

Napansin niya siguro ang pag kagulat ko at pagkalito sa aking mukha. Nagmura siya ng ilang beses ngunit mahina lang ito. Nag init ang ulo ko dahil dito. Hinarap ko siya at galit na tinginan.

"Minumura mo ba ako? Ha?!" Nanlaki ang mata niya ng sumigaw ako at dali-dali siyang umiling ng umiling.

"No! Hindi kita minumura. It's just that... Shit. Damn." Mas lalo kong hindi siya naintintihan. Hindi niya dw ako minumura pero heto siya ngayon at pana'y ang mura. Tsk. Gwapo sana.

"Really? What's your problem? Kung galit ka dahil basta ko pumapasok dito. Well, then, sorry. Hindi ko naman alam na nandito ka. At hindi naman ikaw ang sadya ko dito kundi si Mrs. Angel." Singhal ko sa gwapong nilalang na ito. At pumikit mun ako para naman mabawasan ang pagkainis ko.

Ngunit napadilat ako ng magsalita siya. " I'm not. Okay? Hindi rin kita minumura. Nagagalit ako kasi paano kung hindi ako ang nakita mo. Paano kung ibang lalaki ang nakita mo at hindi ako? Paano pag katawan nila ang nakita mo at hindi sakin? Ayoko. Ayoko ng may iba, Serenity. I want your eyes to see only me. Only me. I want you. And you're mine, Serenity. Even your eyes are mine. Exclusively mine. I'm not a vocal person, Serenity. But with you. Damn. This is not me." Bumuntong hinginga siya bago muli nagsalita pero humina ito. "Damn, woman. What are you doing to me? Fuck. Just fuck."

Parang nabingi ata ako at natuod sa aking kinatatayuan. Anong pinagsasabi nito? Ako? Sa kanya lang? Sino siya para sabihin iyon? Walang nag mamay-ari sa akin kundi ang sarili ko lamang.

Hindi pa ako nakakarecover sa mga sinabi niya nang biglang bumukas ang pintuan. Sabay kaming napalingon dito at nakita ko si Mrs. Angel na nakangiti sa aking ngunit napawi ito ng makita ang lalaking nasa harapan ko. Galit itong tumingin sa lalaki.

"YVO! Why the hell you are not wearing clothes and for Pete's sake! You're facing a girl! Get dress now." Matatalim ang tingin ni Mrs. Angel sa kanya ngunit parang walang naririnig ang tinawag ni Mrs. Angel na "Yvo" at patuloy lang itong nakatitig sa akin. Shit. Hindi ba niya napapansin na naiilang ako sa tingin niyang yan?

Iiling-iling naman na bumaling sa akin si Mrs. Angel at ngumiti.

"Pag pasensyahan mo na ang anak ko at ganyan talaga yan. Sanay na iyang ibalandra ang kanyang katawan sa iba't ibang babae. Tsk tsk. Palibhasa ay playboy at walang ibang ginawa kundi paglaruan ang mga babae." Mahabang pahayag ng ginang. So, he's a playboy? A player? Siguro yung mga sinabi niya sakin kanina ay dala lang ng pagkaplayboy niya. Siguro ay pinaglalaruan niya lang ako. Naputol ang pagiisip ko ng biglang sumigaw si "Yvo".

"Ma! Will you please shut up?!" Mas lalong nanlaki ang mata ko sa tinawag ni "Yvo" kay Mrs. Angel. Ma? Anak niya si "Yvo"? Omy. Wag mong sabihin na siya yung. Yung----

"Ija. Kung iniisip mo na anak ko siya at siya ang itututor mo. Well, yes. Siya nga." This time may kasama ng pag nganga ang panlalaki ng mata ko. Siya? Siya ang tuturuan ko? Makatagal kaya ako sa kanya? Shemssss. But I guess I have no choice. Hooo. Hinga, Anne. Hinga. This is for you also. For your studies and for your parents.
Ngumiti ako kay Mrs. Angel at tumango. No turning back. Nandito ka na, Anne.

yourmysterygirl_01

He's so territorialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon