Chapter 4

7K 185 27
                                    

Sorry kung ngayon lang nakapag UD 😊

**************************************

Serenity

"NAKO, iha. Pasensya na talaga sa anak kong yon ha? Aba'y wala atang kahihiyang taglay yon sa katawan niya. Palibhasa ay naispoiled ko at kung umasta ay parang hari at kanya ang mundo." Sabay iling ni Mrs. Angel at tsaka humigop ng kapeng nasa harapan niya.

Kanina pa namin iniintay si Yvo upang maipakilala dw kami ni Mrs. Angel ng "pormal". Hindi ko parin maialis sa isip ko ang burning abs niya. Grabe talaga. Makalaglag panty. Kung ibang babae siguro ang nasa kalagayan ko ay paniguradong baka ihagis na nila ang sarili nila kay Yvo.

Para kasi talaga siyang Adonis na bumaba sa lupa. Pero nakakatakot ang aura niya lalo na kanina. Hindi ko maintindihan kung ano ang mga pinagsasabi niya sakin.

Bumalik lang ako sa pagiisip ko ng biglang bumukas ang pinto ng bathroom at iniluwa nito ang isang napakagwapong nilalang na kani-kanila lang ay iniisip ko.

Hindi ko alam kung manghihinayang ako o papayapa ang loob ko ng makita ko siyang nakasuot na ng damit at... wala na yung burning abs niya. Oh damn! Ano bang nangyayari sakin?!

Nang bumaling ako kay Yvo ay nakita ko siyang nakangisi sakin na parang nangaasar dahil sa nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Tumikhim pa siya at tsaka tumingin sa akin ng seryoso at ilang saglit pa ay bumaling na kay Mrs. Angel. Napairap nalang ako sa kawalan. Bipolar.

"Ma. What is this? Why did you wake me up so early in the morning just to go to your office?" Iritadong sabi ni Yvo kay Mrs. Angel na nakangiti lang at tumingin sa akin.

"It's because I want you to meet your tutor!" Singhal nito na halata mo ang pagkaexcite sa boses niya.

"Then, where is she right now? The class will start in just 5 minutes." Binaba na niya ang kanyang relo at tsaka sumulyap sakin.

Siguro ay napansin yun ni Mrs. Angel kaya naman kumindat siya sakin. Napangiwi nalang ako.

"Here she is. Yvo, I want you to meet you new tutor. This is Anne. And Anne this is Yvo, my son." Hawak hawak ngayon ni Mrs. Angel ang balikat ko at malawak ang ngiti niya. Unti unti naman tumaas ang gilid ng labi ni Yvo na parang nasisiyahan siya sa narinig niya. Inirapan ko siya at bumaling kay Mrs. Angel.

"Okay, since, nakilala niyo na ang isa't- isa ay siguro kailangan niyo muna mag usap. Hihihi. Ahm. Sige. Maiwan ko muna kayo dyan." Kumindat siya sakin at bago pa ako makaalma naglakad na siya papunta sa pintuan. Pero bago pa siya tuluyang makalabas ay lumingon ulit siya sakin.

"Ayy. Oo nga pala, Anne. Pinagpaalam na kita sa teacher mo sa first class na mawawala ka muna at hihiramin kita saglit. So, yeah." Yung totoo, anong nakain niya at ganito siya kakulit? Sa ibang estudyante naman ay sobrang istrikto niya.

Akala ko at nakaalis na siya pero laking gulat ko ay bigla ulit siyang nagsalita. Pero, this time, nakatingin na siya sa kanyang anak.

"Son. Behave, huh?" At talagang kumindat pa siya sa ikalawang pagkakataon bago talagang tuluyan ng lumabas sa pintuan.

Binalot kaming dalawa ng katahimikan at ang tangi ko lang naririnig ay ang hininga namin dalawa. Shit. This is so awkward.

Nang hindi ko na talaga makaya ang katahimikan at pag kailang, yes pagkailang. Paano ako hindi maiilang kung ang walangyang lalaking ito ba naman ay walang ginawa kundi ang tumitig lang sa akin. Ganito ba talaga to? Walang pakialam?

Tumikhim muna ako bago magsalita.

"So, since, nagkakilala na nga tayo. Ahm, I gotta go." Ani ko sabay tayo ngunit mabilis na hinawakan niya ang braso ko sabay hila sakin para maibalik ako sa aking kinauupuan.

He's so territorialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon