Buong linggong walang inatupag si Maine kung hindi ang trabaho. Bahay, trabaho. Bahay, trabaho. Bahay, trabaho. Iyan ang naging karaniwang gawain niya ng linggong iyon. Pwera na lang nung Miyerkules na kung saan ay kinailangan niyang pumunta sa grocery panandalian matapos ang trabaho para mamili ng kakainin dahil wala ng laman ang ref nito kung hindi ilang sibuyas at isang luya.
Kaya naman ng dumating ang Biyernes ay tuwang tuwa ito na malapit nang mag-wikend.
Nasa may lamesa siya nito at kasalukuyang nakatungo ang ulo sa mesa. Ganito siya nadatnan ni Izza ng umagang iyon.
"Huy, Maine!" bati nito sa kaibigan.
Umingit lang si Maine bilang pagsagot. Napailing naman si Izza sa iniaasta ng kaibigan na tila ba ang dami nitong pasan sa balikat. "Para naman itong ang daming problema. Lighten up, will you? Friday na kaya!"
Tumingala na si Maine at tiningnan ang kaibigan habang nakatungko pa rin ang baba sa lamesa. "Ugh, and I am so thankful na Friday na! Grabe lang ang linggong ito," hinaing ni Maine.
"Weh, if I know - ganyan ka lang kasi hindi nagpakita si Alden sa'yo buong linggo. Speaking of which, excited ka na ba?" tanong naman ni Izza habang inilalatag nito ang bag sa katabing mesa ni Maine.
"Excited? Saan?"
"For your date, ano pa nga ba?!"
"Date? What date?"
Tiningnan ni Izza si Maine na tila parang hindi naniniwala sa mga naririnig niya. "Hello?! Earth to Maine! Jusko ka! Kinalimutan mong may date ka bukas with Mr. Alden Rioja?! Malala ka na nga, friend."
Napakunot-noo naman si Maine. "Oh, shit! Oo nga, bukas na nga pala yun!"
"Ssshhh! Bunganga mo! May makarinig sayo!"
Ginulong lamang ni Maine ang mga mata nito sa kaibigan. "Maka-sshh ito. E ikaw nga itong mas madalas magmura sa ating dalawa. Buti hindi ka lang naririnig ng iba. Tsaka wala pa namang mga bata oh!"
"Fine, may point. Pero ano na nga, bru? Ready ka na ba?!"
Kumibit-balikat naman si Maine. "Ok lang, I guess. Hindi ko naman pa alam ang balak niya for tomorrow."
"Is he not texting or calling you?"
Umiling si Maine ng bahagya. "He is texting but not calling. And not as often either. Busy yun syempre. CEO ka ba naman eh. Mostly nangangamusta lang siya, nagpapaalala na mag-dinner, ganon. Ganon ganon lang."
"O, eh - bakit parang disappointed ka diyan?" ngingisi-ngising tanong ni Izza.
"Disappointed? Ako? Hindi noh! It's just that -- well... Alam mo yun... Ayoko na nga! Ayoko namang mag-expect. Wala pa naman kaming napaguusapan talaga about us. Tsaka getting to know stage pa lang naman kami."
Natawa naman ng bahagya si Izza ng makitang sumimangot ang kaibigan sa ipinahayag nito. "Your lips know each other very well na though. I think mas importante yun, diba?" panunuksong badya nito.
Kinamulahan naman ni Maine ang sinabi ng kaibigan. "Wag ka nga! Bugso lang yun ng feelings. Ganoin! I really do not know yet kung sino si Alden Rioja. Kaya nga I said 'no' nung nagpumilit siyang makipagkita ulit sa akin last Tuesday."
"Ang sabihin mo - he's a walking temptation. At kung maiwan kayong dalawa sa condo mo ulit, eh baka hindi lang lips niyo ang magka-kilanlan ng masinsinan," natatawang sabi ni Izza kay Maine.
"Shut up, Iz!" pagalit na sagot ni Maine sa kaibigan. "You think I don't know that? Oo, aaminin ko na - nakakatunaw ng panty ang lalaking iyon. Kaya nga sabi ko - neutral grounds muna dapat kami talaga. Nang makapagusap kami. Yung talagang usap at walang pwedeng mangyari. Yung tipong dapat maraming tao na nakapaligid sa amin, ganoin!"
BINABASA MO ANG
Sa Tamang Panahon (An AlDub Fanfic) #Wattys2016 Winner
FanfictionWINNER OF THE WATTYS AWARD 2016 UNDER THE CATEGORY: A WRITER'S DEBUT!! Thank you so much for this privilege! It is such an honor to be recognized like this. Maraming maraming salamat po!! A story between a single father who is tired of life and a pr...
