Dahan-dahang pumasok si Alden sa kanilang bahay, bilang na medyo may kalaliman na ang gabi at halos lahat ay tulog na, maliban sa iilang kasambahay nila na nagaayos pa ng kusina. Hindi naman siya pinansin ng mga ito kung kaya umakyat na siya papunta sa kanyang kwarto.
Bago dumiretso sa sariling kwarto ay dumaan muna siya sa kwarto ng anak para makita man lang ito kahit tulog na. Nagulat siya ng pagbukas niya ng pinto ay nandun ang kanyang ama na nakayakap sa anak.
"Pa, nandito po pala kayo," bulong ni Alden habang marahang tumuloy sa kwarto ng anak.
Dahan-dahang inialis ng ama ang mga maliliit na brasong nakayakap sa kanya at inihiga ng maayos ang apo sa kama. "Oo, umiiyak kasi kanina. Wala ka pa daw kasi kaya sinamahan ko muna hanggang makatulog. Nagagalit ata sayo kasi hindi ka daw tumawag at hindi mo pinakausap sa kanya ang kanyang -- Teacher Maine ba yun, anak?"
Napangiti si Alden at napahawak sa batok na tila nahihiya. Kapansin-pansin rin ang biglang pagkamula ng mukha at tenga nito. "Opo, Pa. I forgot entirely about it."
Napangisi naman si Don Richard sa iniaasta ng anak. "Is that why you're late getting home tonight? Because of this Teacher Maine? Were you -- erm, busy with her?"
"Pa!" mahinang sambit ni Alden sa ama. "Sa labas na nga tayo! Magising pa si Baste."
Marahang napatawa si Don Richard at tahimik na lumabas ng kwarto ng apo. Lumapit naman si Alden sa anak at hinalikan ang ulo nito. Inayos na rin niya ang kumot sa balikat ng mahimbing na natutulog na si Baste. "Sweet dreams, my baby," bulong ni Alden.
Matapos ay tuluyan na siyang lumabas ng kwarto ng anak. Pagsara niya ng pinto ay napansin niya ang ama na nasa sala sa baba. Sinenyasan siya nito na bumaba para makapagusap ng sandali. Nakalabas din ang paboritong bote ng whiskey ng ama at dalawang baso.
"Let's talk for a bit before turning for the night," ang sabi ni Don Richard kay Alden habang binubuhos ang whiskey sa mga baso. Umupo naman sa katapat na sofa si Alden at napabuntong-hininga. "How was your day, hijo?" dagdag na tanong nito habang iniabot ang baso sa anak.
"It was ok. Medyo marami-rami akong ni-review na documents kanina na kailangang ipasa sa Mirador Constructions next week since we'll start building na sa Cebu very soon. Marami pang kailangang i-finalize before we could proceed with the construction pero konting plantsahan na lang Pa at matatapos na rin kami," kwento ni Alden habang sumipsip ng konti sa whiskey na bigay ng ama.
"Well, mali pala ang aking tanong. Dahil ayokong malaman ang tungkol sa kompanya. Don't get me wrong, hijo. I'm glad the company is doing great. But what I wanted to know talaga is - how was your night? With this... Teacher Maine that Baste kept raving about?" tugon ni Don Richard habang pinagmamasdan ang reaksyon ng anak.
Hindi mapagkakaila ang muling pagkamula ni Alden sa mga salitang binitawan ng ama. Diniretso nito ang paglagok sa natitirang whiskey sa kanyang baso bago sumagot. Tila kumukuha ito ng lakas sa alak na binigay ng ama.
"It was... fine, I guess. No - it was great, Pa. She's... Well, she's amazing."
Marahang napatawa si Don Richard sa sinagot ni Alden sa kanya. "Nakakatuwa lang na pareho kayong mag-ama eh mukhang nahuhumaling diyan sa Teacher Maine na 'yan. Ako kaya? Kailan ko naman siya makikilala?"
"Agad agad, Pa?" tanong ni Alden.
"What better time than now, right? Lalo pa na mukhang mahal na ni Baste at boto pa. Hindi ka na mahihirapan na ibenta sa anak mo."
"He's been asking me if I could ask Maine to be his mom."
Napahalakhak ng malakas si Don Richard at napailing ang ulo na tila naaaliw sa mga sinambit ng anak. "There you go! Dapat ko na nga talagang makilala yang si Maine. Bring her over to dinner sometime."
BINABASA MO ANG
Sa Tamang Panahon (An AlDub Fanfic) #Wattys2016 Winner
FanficWINNER OF THE WATTYS AWARD 2016 UNDER THE CATEGORY: A WRITER'S DEBUT!! Thank you so much for this privilege! It is such an honor to be recognized like this. Maraming maraming salamat po!! A story between a single father who is tired of life and a pr...